Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna
Maraming salamat sa pagbisita sa blog na MGA TAGALOG NA TULA SA PILIPINAS. Ang blog na ito ay naglalaman ng mga koleksyon ng mga tagalog na tula na (maaaring) tumutugma sa diwa, damdamin at panlasa ng literatura at panitikan ng mga makabagong Pilipino dito sa bansang Pilipinas.

Ang PANITIKAN at LITERATURA ng PILIPINO sa larangan ng TULA ay ang pinakamasining at malikhain na paglalapat ng mga kalipunan o grupo ng mga salita sa wikang Tagalog. Ito ay naglalarawan ng isang diwang (maaaring) naglalaro sa isipan ng sumulat.

Ang may-akda ng Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas ay nilalang na nagnanais maghabi ng mga salita sa tagalog at isalaysay ang mga kuwento sa pamamagitan ng mga linyang may tugma at sukat (o sa malayang taludturan din) na gaya ng isang tula!

Mabuhay ang Tagalog na Tula sa Pilipinas at ang mga makatang Pilipino!

Mga Tula na may Isahang Saknong

Mga Tagalog na Tula ng Pag-ibig

"Pag-ibig ang siyang sasagip sa mundo."

tula with picture
Ako'y Iyo, Ika'y Akin
I
LIGAW
Aking tinawid ang labing-isang dagat,
Itong mga bundok ay aking inakyat,
Upang itong OO - makitang sumikat,
Sa irog kong ibig na mapasapalad.

II
AKO’Y IYO
Gawin mong alipin itong aking puso,
Sa kadiliman nga ay gawin mong sulo,
Sa sibat ng unos dito ka magtago
Pagkat ang dibdib ko at ako ay iyo!

III
NGITI MO
Ang ngiti mo’y ilaw sa dilim kong sadlak
Sa aking umaga ay siglang pantulak
Sa tanghali’t hapon ay aking kayakap,
Upang ang kalsada, pumatag ang lubak!

IV
LUHA
Sugatan man ako sa pakikipaglaban,
Sa imbing daigdig nitong kapalaran,
Ako’y babangon pa sa kinasadlakan
Upang ang luha mo ay aking pahiran!

V
IKAW
Ikaw nga ang aking ngiti at halakhak,
Sa lungkot ay aking ligaya at galak,
Sa sakit na dulot nitong mga hirap,
Ikaw ang sigla sa buhay kong salat!

---mga tagalog na tula

Kahulugan ng mga Salita:

sadlak - lugmok, lupasay, kinapuntahan, handusay

Halimbawa:
Tila nasadlak sa kumunoy si Nena nang mapangasawa niya si Felipe.

--------------------------------------------

Related Search:

• Isang stanza
• apat na taludtod na may sukat at tugma
• Isahang saknong

Iba Pang Tula:

Bukas ko Isa-isang Itatapon

Tagalog na Tula ni Dr. Jose P. Rizal

Tagalog Version of "Mi Ultimo Adios"'

PAHIMAKAS / Ang Huling Paalam
ni Dr. Jose Rizal

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.

Saan man mautas ay dikailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa silinganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabong at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw

Ang aking adhika sapul magkaisip
ng kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayang ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring itapat,
sa kaluluwa ko hatik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang iwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng boong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotang giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagka himbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,
mangagatiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga bao't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.

At kung an madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwagay huwag gambalain;
kaipala'y maringig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y mag saliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitin.

Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat
at wala ng kurus at batang mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kauyang ikalat.

At mga buto ko ay bago matunaw
maowi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dingig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugang ko pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang dooy haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag pasasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Isinalin sa Tagalog / Filipino ni Gat. Andres Bonifacio

Spanish Version > Mi Ultimo Adios

Related Seach:

• tula ng mga bayani
• mahabang tula
• tula tagalog sa pilipinas
• tula ng sikat na tao
• mga katha ni Rizal bago mamatay

Tula ni Dr. Jose Rizal - MI Ultimo Adios - Spanish

Spanish Version of "Huling Paalam"

Mi Ultimo Adios (Spanish / Espanyol)
ni: Gat. Jose P. Rizal

Adios, Patria adorada, region del sol querida,
Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Eden!
A darte voy alegre la triste mustia vida,
Y fuera más brillante más fresca, más florida,
Tambien por tí la diera, la diera por tu bien.

En campos de batalla, luchando con delirio
Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar;
El sitio nada importa, ciprés, laurel ó lirio,
Cadalso ó campo abierto, combate ó cruel martirio,
Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar.

Yo muero cuando veo que el cielo se colora
Y al fin anuncia el día trás lóbrego capuz;
Si grana necesitas para teñir tu aurora,
Vierte la sangre mía, derrámala en buen hora
Y dórela un reflejo de su naciente luz.

Mis sueños cuando apenas muchacho adolescente,
Mis sueños cuando joven ya lleno de vigor,
Fueron el verte un día, joya del mar de oriente
Secos los negros ojos, alta la tersa frente,
Sin ceño, sin arrugas, sin manchas de rubor.

Ensueño de mi vida, mi ardiente vivo anhelo,
Salud te grita el alma que pronto va á partir!
Salud! ah que es hermoso caer por darte vuelo,
Morir por darte vida, morir bajo tu cielo,
Y en tu encantada tierra la eternidad dormir.

Si sobre mi sepulcro vieres brotar un dia
Entre la espesa yerba sencilla, humilde flor,
Acércala a tus labios y besa al alma mía,
Y sienta yo en mi frente bajo la tumba fría
De tu ternura el soplo, de tu hálito el calor.

Deja a la luna verme con luz tranquila y suave;
Deja que el alba envíe su resplandor fugaz,
Deja gemir al viento con su murmullo grave,
Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave,
Deja que el ave entone su cantico de paz.

Deja que el sol ardiendo las lluvias evapore
Y al cielo tornen puras con mi clamor en pos,
Deja que un sér amigo mi fin temprano llore
Y en las serenas tardes cuando por mi alguien ore
Ora tambien, oh Patria, por mi descanso á Dios!

Ora por todos cuantos murieron sin ventura,
Por cuantos padecieron tormentos sin igual,
Por nuestras pobres madres que gimen su amargura;
Por huérfanos y viudas, por presos en tortura
Y ora por tí que veas tu redencion final.

Y cuando en noche oscura se envuelva el cementerio
Y solos sólo muertos queden velando allí,
No turbes su reposo, no turbes el misterio
Tal vez acordes oigas de citara ó salterio,
Soy yo, querida Patria, yo que te canto á ti.

Y cuando ya mi tumba de todos olvidada
No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar,
Deja que la are el hombre, la esparza con la azada,
Y mis cenizas antes que vuelvan á la nada,
El polvo de tu alfombra que vayan á formar.

Entonces nada importa me pongas en olvido,
Tu atmósfera, tu espacio, tus valles cruzaré,
Vibrante y limpia nota seré para tu oido,
Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido
Constante repitiendo la esencia de mi fé.

Mi patria idolatrada, dolor de mis dolores,
Querida Filipinas, oye el postrer adios.
Ahi te dejo todo, mis padres, mis amores.
Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores,
Donde la fé no mata, donde el que reyna es Dios.

Adios, padres y hermanos, trozos del alma mía,
Amigos de la infancia en el perdido hogar,
Dad gracias que descanso del fatigoso día;
Adios, dulce extrangera, mi amiga, mi alegría,
Adios, queridos séres morir es descansar.

-mga tagalog na tula

Incoming Search:

• spanish na tula
• poems in spanish
• spanish language

Ibang Tula:

Tagalog na Tula na Tungkol sa mga Bayani
Tula Tungkol sa Buwan ng Wika
Tagalog Version ng Mi Ultimo Adios

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino

Isang tula sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Wika 2012 – 2013

Theme: Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino

logo komisyon ng wikang filipino
Komisyon ng Wikang Filipino
Palakasin Mo
ni: Avon Adarna

Nangarap nang minsan si Manuel L. Quezon,
Na ang wika niya’y magtibay-panahon,
Tumatag, tumimo sa bukas at ngayon,
Bigkasin ng masa, sa daang kalyehon.

Huwag mong biguin itong namayapa,
Ating patatagin ang tindig ng wika,
Lubusing mainam, bigkasin ng tama,
Ating palakasin ang igkas ng dila.

Sa pagsasalita’y gamitin ng lagi,
Kahit ang kausap – may islang na gawi,
Mahalagang usap at pagmumuni-muni,
Gamiting salita’y ang wika ng lahi!

Sa pagsasabi mo ng iyong damdamin,
Sa liyag na sinta’t ibig na giliwin,
Wikang Filipino ang iyong gamitin,
Mailalahad mo ang nais sabihin.

Sa kapwa tao na masasasalubong,
Sabayan ng ngiti ang “Magandang hapon.”
At tiyak na sigla ang hatid ng layon,
Siglang darating saan man dumoon.

Iyong salitain sa lahat ng dako,
Damdamin sa dibdib paindakin sa puso
Sapagkat iyan nga ‘y tatag at lakas mo
At pagpapatunay na ikaw’y Filipino.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2012 -2013 ay hinati sa limang bahagi:

August 1 – 7, 2012
"Pitumpu't limang taon sa Pagsulong ng Wikang Filipino sa Edukasyong Pilipino"

August 8 – 14, 2012
"Filipino at iba pang mga Wika sa Pilipinas: Lakas ng K to 12 at MTB-MLE"

August 15 – 21, 2012
"Wikang Filipino at iba pang Wika sa Rehiyon: Wika ng Bayan sa Kapayapaan"

August 22 – 28, 2012
"Wikang Filipino: Wikang Panlahat para sa Matatag na Lipunang Pilipino"

August 29 – 31, 2012
"Wika ay Kakambal ng Kapayapaan sa Pagtahak sa Tuwid na Landas"

Ibang Tula:

Tula ng Magulang sa Anak
Mga Gintong Kaisipan sa Florante at Laura
Buwan ng Wika Theme

Tula ng Magulang sa Anak

Halimbawa ng tula ng magulang sa anak.

Isang maikling tula sa Filipino ng isang Ina sa kanyang anak. Paalala na tayong lahat ay may isang ina na nakahandang gumabay sa ating mga lakad.

Ina at Anak

Sa Daang Malubak
Ni: Avon Adarna

Anak ko! Magpigil, magpakahinahon,
Anumang pagsubok, kamay ay ituon,
Lubos na hawakan sa dali’t malaon,
Pagkat nasa palad ang sagot sa tanong.

Pakpak na mahina ay lalakas din,
Buto at kalamnan ay pagtitibayin,
Sa bugso ng unos at kampay ng hangin,
Ang magpapatatag - itong suliranin.

Sa kulay ng itim at mga pasakit,
Ang magiging gabay - dilim na pusikit,
Sa luhang nagtulo sa pisngi ng langit,
Magiging panangga'y hirap na sinapit.

Magpakatatag ka sa hamon ng buhay,
Sa lahat ng sibat ay magpakatibay,
Laging isaisip nariyan si INAY,
Handang dumamay sa munting inakay!

Isang tula sa Tagalog ng isang magulalang sa kanyang anak na may hustong sukat at tugma. Labindalawang pantig sa bawat taludtod at binubuo ng apat na saknong.

Iba pang Tula:

Tula tungkol sa El Filibusterismo
Halimbawa ng Tula Tayutay
Tula na Tagalog para kay Tatay

Tula Tungkol sa El Filibusterismo at Noli Me Tangere

Noli me Tangere at El Filibusterismo

Ang tula na nagsasalaysay ng istorya kung paano nabuo ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo at Noli Me Tangere.

Dr. Jose Rizal - Ang Dakilang Awtor

Ang Hibik ni Rizal
ni: Avon Adarna


Kakambal na yata ng daing at hibik
At ng kalayaan sa dulot na sakit
Ang siklab na bunga nitong mga titik,
Ng Noli at Fili na luksong nagpainit.

Kakambal nga nitong giting ng pangalan,
Ay ang mga titik na naging ilawan
Ni Jose P. Rizal sa buhay at bayan
Na maging malaya at maging huwaran.

Sa pagsisimula nitong limbagan,
Pinag-igting sana na pag-iibigan,
May gandang simula pati katapusan
Na siyang sagisag ng puso’t isipan.

Ngunit pumaisip sa dibdib at puso
Ang Noli’y umani ng pagkabigo
Pag-asa’y nawala at lubhang naglaho
Kaya’t nagpasyang iba ang estilo.

Ang nobelang Fili ay inialay
Sa tatlong paring nagbuwis ng buhay
Gomburza ang siyang ngalang taglay,
Sa Bagumbayan nga binaril, pinatay!

El Filibusterismo ang nagpaningas
Sa apoy ng poot nitong mga armas,
Ang pananahimik ay siyang winakas
Upang makibaka ng tunay at wagas.

Ito ri’y nagsilbing tagapaghawan,
Sa mga damong munti nitong himagsikan,
Manapa’y nagdulot ng kapighatian
Sa isip ng mga ganid na dayuhan!

Ginamit ni Rizal na tinta ay dugo
Pawis ang kapalit ng lalayang ginto,
At buhay din niya ang siyang sakripisyo,
Upang makalipad, lahing Filipino!

-mga tagalog na tula

Other Searches:
• tula para sa bayan
• Philippine literature
• tulang may tugma,
• 6 na saknong, taludtod,
• filipino tula.

Halimbawa ng Tula na may Tayutay

Halimbawa ng Isang Filipino Poem

An example of filipino poem on the subject of poetry and how the author can take good care of his masterpieces. It is not easy to come up with ideas especially if the poem needs to have exact metering and rhymes. But if the author only believes on what he or she is doing, it can never be as easy as 123. Philippine is one of the many countries that has a rich type of literature and communication arts.



AKO ANG INA NG AKING TULA
(I am the Mother of my Poems)
ni: Avon Adarna

Ang tula ay anak sa sinapupunan,
Di dapat angkinin ng gayun-gayon lang,
Kung ina'y agawan - sanggol sa kandungan,
Di ba't ilalaban kahit sa digmaan?

Kung karangalan ang pagtampisawan,
Ng kapwang uminog sa puso't isipan,
Bakit hindi naman bigyang karangalan,
Ang siyang may tunay' likhang kalagayan?

Kung karangalan man, gamitin ng iba
Ang paa't kamay ko pati kaluluwa,
Hindi ba nararapat na bigyang-halaga,
Ang may-ari nitong bahaging dakila?

Itong pagnanakaw sa pawis ng kapwa,
Ay tila pulitikong hindi nagtitika,
Ang ibig ay kabig na tila nga linta,
Tuloy ang sipsip kahit pigang-piga!

Ang pagmamahala'y magandang katwiran,
Ng mga nilalang na may kasalanan,
Hihingi lang ng awa at pag-iibigan
At balik sa gawi't nakaugalian.

Saan hahanapin itong katarungan,
Kung ibinabaon ng ilang nilalang?
Mauuwing bigo sa mundo ng kawalan,
Ang sikap at layon ng patas lumaban.

Ang nagsasabi ngang umibig ng lubos,
Ngunit hindi naman nakikita sa kilos,
Daig pa sa daan ang mga busabos,
Na hingi ng barya't kaunti pang limos.

Ibigay ang puri sa dapat purihan,
At sa nagkasala ay kapatawaran,
Ngunit dapat naman na maliwanagan,
At maipaalam, kanyang kamalian!

Filipino Poem

-----------------

filipino poem, tula na tagalog, Philippine poems, tula na may sukat, sikat na tula

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.
Mga uri ng tayutay

Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.

Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.

Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

Pag-uulit

Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.

Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.

Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.

Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.

Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.

Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.

Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.

Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.

Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.

Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.

Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

http://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay