tag:blogger.com,1999:blog-1485664222620421452024-03-14T14:12:41.630+08:00Mga Tagalog na Tula sa PilipinasTula | Mga Halimbawa ng mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Koleksyon ng mga Tulang Tagalog | Talambuhay ng mga Makata | Poems in FilipinoUnknownnoreply@blogger.comBlogger74125tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-55962786694231514922012-12-06T18:50:00.003+08:002015-08-06T20:27:51.030+08:00Filipino Poem About NatureExample of Tagalog Free Verse (Malayang Taludturan)

Ang Tula ay Halimbawa ng Walang Sukat at Walang Tugma

Natatapos ang Unos

ni: Avon Adarna

Muntik nang maulol

Sa panahong masungit

Mga ibon sa burol

Hayag ang hinananakit

Sapagkat biyaya’y naglaho

Sa tubig at bato

Hindi nagmilagro.

Hindi nagpaawat

Kahit kaunti

Hindi naampat

At walang pagngiti

Nagbabawas yata

Ng mga kaluluwa

Kakalusin ng luha.

Natuliro sa hampas

Sa habagat at amihan

At ang mga talipandas

Walang masulingan

Nadamay na tuloy

Ang mga palaboy

Nahulog din sa kumunoy!

Ngunit naglubay na

ang galit ng langit

Nagsawa na yata

Sa pagsanib ng tikatik…

Sa bubungan

sa dalampasigan

At mga kapatagan.

At napagod ding lubos

Ang mga butil

Na halos di maubos

Pagkat sutil at suwail

Na dumadapo

Sa makahiyang damo

At usbong sa ibayo.

Hinayaan na

Muling maghari

Sa gitna ng nasa

Ang kinang ng buti

At alab ng pagsalakay

Ng init ng liwayway,

Sa daigdig ng mga buhay!

Nakaantabay pa

Sa himpapawid

Ang mga ulap

Na kakalat-kalat,

At ibig magsayaw

Kapiling ang mga uhaw

Na kaluluwang ligaw.

Nakaungos ng mainam

Ang hiwaga

At misteryong makinang

Sa pagkakadapa

Nagpilit tumayo

Sa ibabaw ng mundo

Pati sa impiyerno!

Bukas ng umaga

Lilikwad ang buwan

Upang makasama

Kahit sa kaliwanagan

Ang titig at tingin,

Ng mapusyaw na hangin

Sa nangangakong bukirin!

Sa gabi maghahari

Ang araw na pinuno,

At ang bahaghari

Sabik na uupo

Sa mga tala at bituin

Na siyang iibigin

At kakatalikin!

Hindi na malulunod

Sa lakas ng hidwang sigalot

At hindi mauulila sa anod

Ang rosas at talulot

Pagkat lupit, nalalaos

Dusa’y nauubos

Natatapos ang unos!

Example of Tagalog Free Verse About Nature (Malayang Taludturan)

Unknownnoreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-17889468343803370512012-11-24T15:58:00.000+08:002012-11-24T15:58:20.612+08:00Filipino Poem Tungkol sa KalikasanSubmitted Tagalog Poem About the Environment

Hihintayin pa bang maging ganito ang mundo?

BASURA

ni: Julyhet Roque

Kahit saan makikita , sa daan maging sa mga eskinita,,

Lalo na sa mga kanal at estero

Kung baga sa artista sikat na sikat ito

Lalo’t binabaha ang paligid ninyo.

Anu nga ba itong tinutukoy ko

Na sa buhay natin ang laki ng epekto

Lalo na’t bumabaha tangay tangay ito

Maging sa mga bahay ay bumabalik ito.

Basura , epekto kawalan ng disiplina

Tapon dito, tapon doon ang gawa natin tuwina.

Imbes na itapon ng tama at wasto

Bakit di nating gawin na isegregeyt ito.

Ang mga basura bago sana itapon

Piliin at tiyak may pakinabang pa dito

Mga bote at lata ay pwedeng gawing plorera at paso

At I compost naman ang mga pinagbalatan mo.

Hay naku! O, Pinoy kailan ba matututo

Kawalang disiplina pinakikita mo

Sa Manila Bay naglipana

Lahat ng basurang inanod dito.

Tone-toneladang nakatambak dito

Nagmula kung saan-saang dako.

Kung ano-ano’ng nagkahalo-halo

Minsan nga’y may nasasama pang patay na tao.

Basura mo, basura ko

Itapon natin ng wasto

Nang ang paligid maging

Kaaya-aya ng husto.

Basura - Submitted Filipino Poem Tungkol sa Kalikasan - ni Julyhet Roque

Image Courtesy: Filipino Quotes

Filipino Poems Tungkol sa KalikasanUnknownnoreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-52462161320885165672012-11-04T16:48:00.001+08:002012-11-04T16:51:36.458+08:00Tula ni Jose Rizal na Isinalin sa TagalogNagsulat ng maraming tula ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal. Ang isa sa kanyang naisulat na tula (originally written in Spanish) ay Pinatutula Ako na may original na pamagat sa Espanyol na Me Piden Versos. Ang Me Piden Versos ay may literal na kahulugan na “Hinihingan ako ng Tula”. Maraming salin ng “Pinatutula Ako” and nailathala na sa iba’t ibang wika sa iba’t ibang panig ng mundo. Magpapahuli ba ang Pilipinas na siyang pinaggalingang lahi ng pambansang bayani? Isinalin sa Tagalog ni Iñigo Ed. Regalado ang tulang matutunghayan ninyo sa ibaba.

Sa mga unang taon ng pagkakahiwalay ni Rizal sa kanyang pamilya, sumulat ang kanyang ina sa kanya at humihingi ng isang tula. Dito na ibinuhos ni Rizal ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang ina. Madarama ng bawat magbabasa ng tulang ito ang labis na pagkasabik ni Pepe sa kanyang mahal na ina.

Nailathala ang tulang Me Piden Versos nang maging miyembro ng Circulo Hispano Filipino si Rizal noong October 7, 1882. Makikita ang orihinal na tula sa Espanyol (Spanish) dito: Me Piden Versos

Pinatutula Ako

ni: Gat Jose Rizal

Isinalin sa Tagalog ni Iñigo Ed. Regalado

Iyong hinihiling, lira ay tugtugin

bagaman sira na't laon nang naumid

ayaw nang tumipa ang nagtampong bagting

pati aking Musa ay nagtago narin.

Malungkot na nota ang nasnaw na himig

waring hinuhugot dusa at hinagpis

at ang alingawngaw ay umaaliwiw

sa sarili na ring puso at damdamin.

kaya nga't sa gitna niring aking hapis

yaring kalul'wa ko'y parang namamanhid.

Nagkapanahon nga ... kaipala'y, tunay

ang mga araw na matuling nagdaan

nang ako sa akong Musa'y napamahal

lagi na sa akin, ngiti'y nakalaan.

Ngunit marami nang lumipas na araw

sa aking damdamin alaala'y naiwan

katulad ng saya at kaligayahan

kapag dumaan na'y may hiwagang taglay

na mga awiting animo'y lumulutang

sa aking gunitang malabo, malamlam.

Katulad ko'y binhing binunot na tanim

sa nilagakan kong Silangang lupain

pawang lahat-lahat ay kagiliw-giliw

manirahan doo'y sayang walang maliw.

ang bayan kong ito, na lubhang marikit

sa diwa't puso ko'y hindi mawawaglit

ibong malalaya, nangagsisiawit

mulang kabundukan, lagaslas ng tubig

ang halik ng dagat sa buhangin mandin

lahat ng ito'y, hindi magmamaliw.

Nang ako'y musmos pa'y aking natutuhang

masayang batiin ang sikat ng araw

habang sa diwa ko'y waring naglalatang

silakbo ng isang kumukulong bulkan.

laon nang makata, kaya't ako nama'y

laging nagnanais na aking tawagan

sa diwa at tula, hanging nagduruyan:

"Ikalat mo lamang ang kanyang pangalan,

angking kabantugan ay ipaghiyawan

mataas, mababa'y, hayaang magpisan".

Ang Me Piden Versos ni Jose Rizal ay isinalin sa Tagalog at pinamagatang Pinatutula Ako ni Iñigo Ed. Regalado.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-46369060201894952562012-11-03T16:49:00.000+08:002012-11-04T16:50:44.677+08:00Rizal's Me Piden VersosMe Piden Versos

ni : Jose P. Rizal

Piden que pulse la lira

Ha tiempo callada y rota:

Si ya no arranco una nota

Ni mi musa ya me inspira!

Balbuce fría y delira

Si la tortura mi mente;

Cuando ríe solo miente;

Como miente su lamento:

Y es que en mi triste aislamiento

Mi alma ni goza ni siente.

Hubo un tiempo ... y es verdad!

Pero ya aquel tiempo huyó,

En que vate me llamo

La indulgencia a la amistad.

Ahora de aquella edad

El recuerdo apenas resta

Como quedan de una fiesta

Los misteriosos sonidos

Que retienen los oídos

Del bullicio de la orquesta.

Soy planta apenas crecida

Arrancada del Oriente,

Donde es perfume el ambiente,

Donde es un sueño la vida:

Patria que jamás se olvida!

Enseñáronme a cantar

Las aves, con su trinar;

Con su rumor, las cascadas;

Y en sus playas dilatadas,

Los murmullos de la mar.

Mientras en la infancia mía

Pude a su sol sonreír,

Dentro de mi pecho hervir

Volcán de fuego sentía;

Vate fuí, porque quería

Con mis versos, con mi aliento,

Decir al rápido viento:

Vuela; su fama pregona!

Cántala de zona en zona;

De la tierra al firmamento!

La dejé! ... mis patrios lares.

Arboldespojado y seco!

Ya no repiten el eco

De mis pasados cantares

Yo crucé los vastos mares

Ansiando cambiar de suerte,

Y mi locura no advierte

Que en vez del bien que buscaba,

El mar conmigo surcaba

El espectro de la muerte.

Toda mis hermosa ilusión,

Amor, entusiasmo, anhelo,

Allá quedan bajo el cielo

De tan florida región:

No pidáis al corazón

Cantos de amor, que esta yerto;

Porque en medio del desierto

Donde discurro sin calma,

Siento que agoniza el alma

Y mi númen está muerto.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-40679709882658433542012-11-02T08:00:00.000+08:002012-11-02T08:00:02.524+08:00Filipino Poems About LoveHalimbawa ng tula sa malayang taludturan

Ang tunay na pag-ibig ay...

Kailan Nagiging Dakila

ni: Avon Adarna

"Kailan nagiging dakila

Ang isang pag-ibig?"

Kung mahigpit ba ang kapit

Sa sinisinta’y mahigpit,

At bawat galaw ng liyag

Ay may bantay na katapat?

Kung nagseselos kahit sa kaibigan

Na wala namang kasalanan,

Ang nais ay lakwatsa lamang

At sinehang may halakhakan?

Kung pati ang suot na palda,

Ay pinapansin sa tuwina,

Ang nais ay mahabang-mahaba,

Na tulad ni Maria Clara?

Kung pati haba ng buhok

Ay idinidikta’t iniuutos

Na sa wari’y may gapos

Na hindi matapos-tapos?

Ganyan ba ang dakilang pag-ibig,

Malakas ang kunyapit,

Walang pagsalang mahigpit

Sa kilos at pananamit?

Kailan nagiging dakila ang pag-ibig?

Kung hindi makahulagpos sa sakit?

Kung hindi makagalaw kahit ang dibdib?

Kung hindi makakilos pati na ang isip?

- mga tagalog na tula

Kahulugan ng mga Salita:

*kunyapit – mahigpit na kapit sa isang bagay

Halimbawa sa Pangungusap:

Matindi ang kunyapit ni Petra sa sanga ng punungkahoy upang hindi siya mahulog.

*makahulagpos – makakawala mula sa pagkakagapos, makaalis sa anumang ipit na sitwasyon gaya ng kahirapan, sakuna o pagkakakulong

Halimbawa sa Pangungusap:

Hindi makahulagpos ang aso mula sa tali sa kanyang leeg.

Ang tula ay bigla na lamang humulagpos mula sa kaibuturan ng kanyang umiiyak na puso.

Related Filipino Poems:

Sugat ng Lasing - Tula Tungkol sa SariliUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-13091988810302146752012-10-30T16:57:00.000+08:002012-10-30T16:57:00.538+08:00Filipino Poem Tungkol sa PamilyaSubmitted Tagalog Poem About Family - from Julyhet

Masayang Pamilya

PAMILYA

ni: Julyhet Roque

Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,

Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina

Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina.

Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,

Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod

Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos.

Edukasyon ng anak ay itinaguyod

Kahit na mangapal ang palad sa pagod

Basta sa pamilya ay may maitustos.

Di nag aaway sa harap ng supling,

Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin

At pagmamahalan ang laging inaangkin.

(Ang tula na ito ay may 3 lines sa bawat stanza. Salamat kay Julyhet. Mabuhay ka!)

Pamilya - Submitted Filipino Poem Tungkol sa Pamilya - ni Julyhet Roque

Iba pang tula ni Julyhet Roque:

Digma ng Buhay - Maikling Tula tungkol sa BuhayUnknownnoreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-84461502415745671072012-10-25T21:21:00.000+08:002012-10-26T20:26:15.254+08:00Tagalog Poem Tungkol sa SariliExample of Tagalog Poem

Lasing

Sugat Ng Lasing

ni: Anthony Francisco

Nilaro-laro pa ng dilang may paltos,

Ang tinunggang brandy na may tatak na Vos,

At sa ngiwing mukha’y (ngiwing-ngiwing lubos)

Nagpapatinterong luhang umaagos!

Sa kaniyang diwa’y tila pumapalo

Ang labindalawang sungay ng demonyo

Kahit umaga pa, mata’y langung-lango

Taranta sa utak ang ikot ng mundo!

Wala sa sarili nang maisip niya

Mga hinanakit sa palad na balintuna

Bakit ganito ang tanong sa Bathala

Sa akin mo lahat binigay ang dusa!

Wala na nga akong magulang…kapatid!

Wala pa rin akong asawang mabait

Wala na nga akong anak na saklit

Wala pa rin akong sarilinang bait!

Hanggang kailan mga alab ng hirap

Mga dusa’t pasakit laging nasa palad

Ayaw lubayan ng unday ng tabak

Lalong nanariwa itong mga sugat!

Ang tulang ito ay isang example ng Tagalog poem tungkol sa sarili.

Image credit: Quit Alcohol NowUnknownnoreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-80399969237413468002012-10-20T10:26:00.000+08:002012-10-20T10:26:00.599+08:00Example of 2 Short Tagalog PoemsSubmitted Filipino Poem – Ngiti at Luha

Ngiti at Luha

NGITI

ni: Julyhet Roque

Ang ngiti sa iyong labi ay huwag mong iwawaglit,

Pagkat ito sa iba’y kapayapaan ang hatid.

Huwag hahayaang sa iba’y ipagkait

Kahit saang dako ikaw makarating.

Ang biloy sa iyong pisngi,kapag ika’y nakangiti

Para kang inosenteng munting sanggol

Na sa duyan naka imbi

Hayaan mo lamang habang lumalaki

At sa buhay mo ay maging bahagi.

LUHA

ni: Julyhet Roque

Luha ay pumapatak,kapag ika’y nasasaktan

Maaari din naming n ito’y sa sobrang galak,

At kapag nakita ng kapwa na hirang

Kasunod na nito Ang paglingang ganap.

Agad magtatanong kung ano ang nangyari?

May problema ka ba? O May umaapi?

Maaari din naman na may sumasakit

O hindi matiis ang bigat ng dibdib .

Pero mas masarap na ika’y lumuha

Nang dahil sa tuwa at sobrang galak

Dahil sa biyaya na iyong natanggap

Kaya’ t sa pasalama’t ang luha’y pumatak.

Ngunit mas masarap na ika’y lumuha

At ito’y pahirin ng mahal mong sinta

Na nasa iyong tabi, Kasabay ang sabing,

HINDI KA NA LULUHA PANG MULI.

Submitted Filipino Poem – Ngiti at Luha - ni Julyhet RoqueUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-44697391376303727422012-10-15T10:21:00.000+08:002012-10-15T10:21:00.546+08:00Filipino Poetry Submission Gintong BaryaHalimbawa ng Tula

Gintong Barya - Tula ni Gheneeil

Gintong Barya

ni: Gheeneil

'di alintana ang munting kumikinang

Pinaghirapang makamit pinupuri pa ba ang kakayahan?

Pilit iwinaglit ang bahid ng pait

Isip at gawa'y magkasalit-salit.

Kung magtatapon tila walang hunusdili

Mapag-imbot na imahe pilit maipanatili

Mga mata'y animo'y tiwalag sa lungkot

Pagkatao pala'y namamaluktot.

Nahihibang na sa kinagisnang buhay

Pati paa ibinaon sa hukay

Sari-saring bisyo nagnigo't naglintog

Kahit wala ng makapa'y di pa rin natatalpog.

Mabuti pa ang isang kahig at tuka

Sa balaho ng hirap marunong kumawala

Prinsipyo't dangal di tinatablan ng anumang salot

Bunga ng dalitang saplot.

Ginto na'y naging pilak pa!

Dugong nahunos nawalan ng halaga

Humuhulagpos sa daluyong di mapigilan

Barya nga lang, mahirap din palang makamtan.

Filipino Poetry Submission - Gintong Barya - likha ni Gheeneil

Matatagpuan ang kanyang personal blog sa Weebly - GHEENEIL

Kung nagnanais na makilala ang makata, dito mo siya matatagpuan >Gheeneil - The PoetUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-56306428508468226532012-10-10T10:07:00.000+08:002012-10-10T10:07:00.413+08:00Filipino Poems About LoveSubmitted Filipino Love Poem from Mindanao

Ang pag-ibig ay mas masalimuot sa tula...

Ang Pag-ibig

ni: Marvin Ric Mendoza

Ang pag-ibig ay brilyanteng sa kislap ng araw kumikinang

na ang uri ay sa kintab na iyong matatanaw.

Brilyanteng mula sa lupa nang iyong masulyapan

ay tila nagsasabing ika'y mapalad na nilalang.

Ang pag-ibig ay para ring salapi na hinahanap-hanap,

kapag natagpuan na'y pustura na't nakagayak;

Bagaman kung ang nakatagpo'y hindi maingat

ay maaring mawala at di na muling mahahanap.

Ang pag-ibig ay kulay man din sa bahaghari

na ang kahulugan ay hindi mawari.

Pitong kulay na iba-iba bagaman isa ang tinatangi

ang natirang anim kung mapahiya'y ngingiti.

Ang pag-ibig ay bulaklak sa parang at bukid

na pinipitas ng sinumang makaibig.

Ito'y mga talulot na pumapahid

sa hinagpis puso at damdaming nasasaid.

Ang pag-ibig ay bato na sa daa'y nakakalat

na minsa'y pinupulot ng dalagang lumiliyag.

Ang batong ito 'pag ipinukol mo't sukat

kung hindi makabukol ay makasusugat.

Ang pag-ibig ay para rin namang tubig

na umaagos pagkat kanyang ibig.

Ang tubig na ito na minsa'y nagkukulay putik

ay naiinom din ng uhaw na tagabukid.

Ang pag-ibig ay parang buto ng Papaya

na kulay itim at sa paningi'y di maganda

ngunit pag itinanim at tumubo na

ang butong pangit ay magiging hinog na bunga.

Ang pag-ibig ay para ring Facebook ‘ika ko

na may mga marunong at may naloloko.

Ang pag-ibig na kung hindi nalog-out at pinabayaan mo

kung mahahack ay tangis lang ang sa iyo.

Tunay nga namang ang pag-ibig ay makapangyarihan

pagkat kayang supilin kahit ang kaaway.

subalit pag-iingat lamang ang ating kailangan

nang ang pagibig nati'y hindi maging mitsa ng kamatayan!

Submitted Filipino Love Poem from Mindanao – Ang Pag-ibig ni Marvin Ric MendozaUnknownnoreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-72687817073503820462012-10-07T13:12:00.000+08:002012-10-07T13:12:00.070+08:00Example ng Malayang TaludturanTula tungkol sa Halalan / Eleksyon / Botohan

Ibebenta mo ba ang iyong karapatan at dignidad?

Dahil Hindi Ako Tanga

ni: Avon Adarna

Dahil hindi ako tanga,

Iboboto ko

Ang mga pulitiko

Na puro pangako

At laging napapako.

Dahil hindi ako tanga,

Ikakampanya ko sa botohan

Ang mga kurakot ng bayan

Na walang silbi sa mamamayan

Pabigat lang sa pinapasan.

Dahil hindi ako tanga,

Maniniwala ako sa sinasabi,

Ng mga kandidatong

Tila wala sa sarili

Ang pagmumuni-muni.

Dahil hindi ako tanga,

Yayakapin ko at kakamayan,

Ang mga kandidatong magsusulputan

Sa aming bakuran

Para sa kampanya ng halalan.

Dahil hindi ako tanga,

Ipaglalaban ko’t paninindigan,

Hanggang sa dulo ng walang hanggan

Ang mga plataporma

Na alam kong ningas kugon lamang.

At dahil hindi ako tanga,

Tatanggapin ko ang barya

Na pinagbentahan

Ng aking prinsipyo’t karangalan…

Dahil hindi ako tanga

-mga tagalog na tula

Kahulugan ng mga Salita:

Ang salitang “tanga” ay hindi isang pagmumura. Ang kahulugan ng salitang “tanga” ay gunggong, walang muwang, mangmang, maang o inosente, ayon sa Bagong Diksyunaryo ng Filipino-Filipino (Filipino to Filipino Dictionary) ni Julio F. Silverio.

Halimbawa sa Pangungusap:

Ako’y maituturing na isang tanga pagdating sa larangan ng paglikha ng mga tula.

Iba pang Tula sa Malayang Taludturan:

Pagtatapos - Tagalog na Tula sa Malayang TaludturanUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-18603915864389611732012-10-05T16:54:00.003+08:002012-10-05T16:54:50.957+08:00Submitted Filipino Poem Ang Aking AsawaFilipino Love Poem Tungkol sa Asawa

Ang Aking Asawa

ni: Julyhet Roque

Wala ng hihigit pa sa kanyang pag-ibig

Na sa araw araw ay alay nya sa akin

Lalong tumitibok yaring aking dibdib

Sa pagsintang wagas nIyaring aking iniibig.

Tubong Bambang, Bulacan ang lalaking ito

Na aking nakilala ng mag OJT ako

Siguro sa akin ay nagandahan ng husto.(HAHAHA)

Kaya’t di tinigilan at ako’y niligawan ng husto .

(Pero ngayoy binabaligtad at ako raw sa kanya ang namilit ng husto)

Sampung taong edad ang aming agwat

Noong una ay aking itinatangging tapat

Na makapag-asawa ng higit ang edad

Ngunit kinain ko rin ang aking hinangad.

Likas na mabait at isang matalino

Katahimikan lang ang lagi nyang gusto

Kapag ako ay pumipiyok ng husto

Nagagalit at sinasabing tumigil na ako.

Sa dalawampu’t tatlong taon naming pagsasama

Ang dami na naming pinagdaanan na

Humantong pa nga sa hiwalayan na

Ngunit nanaig pa rin pagmamahal sa pamilya.

Sakripisyong ganap itong kanyang alay

Sa aming mga anak na apat ang bilang.

Lahat ang gusto nya’y mapagtapusan

At edukasyon ay mapagtagumpayan .

Laging paalala ang kanya ay hatid

Sa aming mga supling na iba iba ang hilig.

Na sa panahon ngayon ay naaakay din

Nang teknolohiyang ngayon ay in na in.

Isang ama siya na wala talagang bisyo

Kundi pamilya ay mahalin at pagsilbihan ng husto

Lalo na ngayon na siya’y isa ng lolo

Ang apong si UBEH ang siyang himagas nito.

Salamat, Salamat sa pagmamahal mo

Salamat at kami’y minahal mo ng husto

Kahit hirap pa sa iyong trabaho,

kapakanan pa rin namin ang iniisip mo.

Pero ito lagi tatandaan mo

MAHAL NA MAHAL KA NAMIN NG MGA ANAK MO….

I LOVE YOU AND I WILL ALWAYS WILL…mWUAHH

Submitted Filipino Poem Ang Aking Asawa ni Julyhet RoqueUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-56845012733085157172012-10-03T20:46:00.000+08:002012-10-03T20:46:11.596+08:00Tuyong Damdamin : Submitted PoemTagalog na Tula Tungkol sa Naglahong Pag-ibig

Naglalaho ang init... nawawala ang pag-ibig...

Tuyong Damdamin

ni: Liwee Bonete

Kapeng mainit, juice na malamig

Pakwan na mapula, kending matamis

Mga bagay bagay, na tamang kombinasyon

Na sa araw araw, hanap ay ganon.

Paano kung ang kape’y lumamig na sa init

Paano kung ang juice lipas na ang lamig

Paano ang puso kung ayaw ng tumibok

Paano kung ang isip, luto na sa pag subok

Maraming bagay na nakakapagpabago

Sa haba ng panahon, na dumaan at lumago

Ito ang bagay na di mo nanaisin

Ang tigang na puso’t tuyong damdamin.

Mahirap ipilit ang ayaw ng puso

Sa oras-oras at minu-minuto

Parang pagkain ng hindi mo gusto

Kahit pa ubusin, hindi ka makuntento.

Submitted Filipino Poem Tuyong Damdamin Liwee BoneteUnknownnoreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-49202514676004974462012-09-19T10:05:00.000+08:002012-09-19T10:05:58.115+08:00Submitted Poems in Tagalog – 3 Maikling TulaDigma ng Buhay, Blasting, Dangal - Mga Tula ni Julyhet Roque

Mga Maiikling Tula sa Malayang Taludturan

DIGMA NG BUHAY

ni: Julyhet Roque

Dapat

Isaalang alang

Ginintuang buhay

Mahalin at igalang

Alay ng Maykapal

Ngayon ay pinipigilan ng

Gobyernong gustong yumaman

Batas ng ibang bansa

Ugat daw ng pag-unlad

Huwag hayaang RH bill ay ma

Aprobahan Kay

Yahweh tayo ay mahiya naman.

BLASTING

ni: Julyhet Roque

Buhay alagaan

Lalang ng Maykapal

Ating pagyamanin

Silungan ay bigyan.

Tinig nila'y pakinggan

Imbing tinig ay damayan

Ngalay na kamay sa hirap ay

Gabayan at sa Diyos ilapit natin

at huwag namang PASABUGIN.

DANGAL

ni: Julyhet Roque

Araw araw dapat, Mabuti ang gawin,

Baka kasi bukas, Buhay mo na’y kunin

Mainam na ikaw ay nakapagtanim ng mabuti

Sa kapwa at Diyos natin.

Mainam ng wala kang kayamanan

Sa mundong ito pag tayo’y lumisan

Pagkat mainam ng dangal ay naalagaan,

Kahit patay na, tiyak ika’y papupurihan.

Submitted Poems in Tagalog – 3 Maikling Tula

Iba pang tula Ni Julyhet Roque:

Buhay, Saan ka Patungo - Tula tungkol sa buhayUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-16340927782336751892012-09-15T11:08:00.017+08:002012-09-15T11:08:00.595+08:00Mga Tula sa YoutubeGusto ko lamang bigyang-halaga ang mga batang bumigkas ng aking mga pinaghirapan. Maraming salamat sa inyo sa pagpapahalaga sa mga tagalog na tula.

Si Mikaela Kireina L. Judilla - binigkas ang tulang Palakasin Mo.

Si Althea Denisse - binigkas rin ang tulang Palakasin Mo.

Ang mga mag-aaral sa SBC Rizal. Ginawa nilang sabayang pagbigkas ang tulang Palakasin Mo.

Maraming salamat sa inyo!Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-5413411675034711712012-09-11T09:58:00.024+08:002012-09-11T09:58:00.180+08:00Mga Idyoma sa Tagalog – Unang BahagiMga Halimbawa ng Idyoma sa Tagalog na Ginagamit sa Tula

Idyoma Bilang 1:

nagsusunog ng kilay

nagsusunog ng kilay

Literal na kahulugan ng “nagsusunog ng kilay”:

nag-aaral ng mabuti

Pinanggalingan:

Noong panahon na hindi pa uso ang mga de-kuryenteng ilaw tulad ng mga bumbilya at fluorescent lights sa mga tahanan, ang mga tao, partikular na ang mga bata, ay gumagamit lamang ng mga gasera (o kandila at lampara) kapag sila’y nag-aaral o kaya nama’y gagawa ng kanilang mga takdang-aralin. At dahil ang mga gasera, kandila at lamparang ito ay nakapagbibigay lamang ng ilaw sa pamamagitan ng kani-kanilang apoy, dapat na lumapit ng lubos sa gasera ang bata upang mas maliwanag ang tanglaw na kanyang mapakinabangan. Dahil dito, nakikini-kinitang tila nagsusunog ng kilay ang isang bata kung siya’y nag-aaral na malapit sa gasera at anyong nakatungo sa apoy ng ilawan. Dito nagkabuhay ang idyoma na tagalog na nagsusunog ng kilay.

Halimbawa ng paggamit ng idyoma sa pangungusap:

1. Nagsusunog ng kilay ang batang ito sapagkat nais niyang hanguin sa kahirapan ang kanyang pamilya.

2. “Walang kahihinatnan ang iyong kinabukasan!”, sigaw ng kanyang ama. “Bakit hindi mo subukang magsunog ng kilay hanggang ikaw ay bata pa.”

Halimbawa ng paggamit ng idyoma sa Tula:

Ang mga pangarap na nais abutin,

Mahahawakan mo’t kayang sungkitin,

Magsunog ng kilay sa gabing madilim,

At gawin ang lahat ng takdang-aralin.

Katumbas sa English – Idiomatic expression:

“burning the midnight oil”

Photo Credit: http://adoptemedia.multiply.com/journal/item/7/Rodericks-Journey...

Idyoma Bilang 2:

ligaw-tingin

Literal na Kahulugan ng “ligaw-tingin”:

hindi maipahayag ang tunay na damdamin sa nililigawang dalaga, dungo, torpe, hindi nagsasabi ng nasasaloob,

Pinanggalingan:

Sa larangan ng pag-ibig, nararapat lamang na magkaroon ng matimyas na pahayag ng dakilang layunin ang isang baguntao (binata) sa kanyang napupusuang dilag (dalaga). Ito ang estado kung saan nanunuyo (nanliligaw) ang binata sa kanyang naiibigan. At sa takdang panahon na maipahayag na niya ang kanyang saloobin, maaaring magbunga ito ng pagsagot ng OO ng dalaga. Subalit, ang mga binatang hindi maipaabot nang tunay ang kanilang nararamdamang pag-ibig sa nililiyag, matatawag itong “lumiligaw lamang sa pamamagitan ng tingin” o “ligaw-tingin”. Pasulyap-sulyap lamang at hindi makalapit upang maibulalas ang kanyang tunay na pag-ibig sa dalagang nais na makatuluyan.

Halimbawa ng paggamit ng idyoma sa pangungusap:

1. Paano ka makapag-aasawa, hanggang ngayon ay ligaw-tingin lamang ang iyong nalalaman?

Halimbawa ng paggamit ng idyoma sa Tula:

Ang dalagang liyag ng puso mo’t dibdib

Iyong pagtapatan ng luksong pag-ibig,

Hindi makukuha ang oong matamis,

Kung ligaw tingin lang ang ‘yong ihahatid!

Katumbas sa English – Idiomatic expression:

cannot spit it out

Kung naghahanap ng iba pang Tagalog na idyoma / idioma, Filipino Idiomatic expressions o sawikaing Tagalog, bisitahin ang iba pang pahina: Listahan ng Idyoma. Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-62630615875770420902012-09-07T10:05:00.002+08:002012-09-07T10:05:00.092+08:00Submitted Filipino Poem: Buhay Saan ka PatungoHalimbawa ng Tulang Tagalog na Tungkol sa Buhay ng Tao

Buhay nga ba natin ay saan patungo?

Saan Patungo?

Buhay, Saan ka Patungo?

ni: Julyhet Roque

Tao ba’y nilikha upang parusahan?

Nang mga taong angat ng konting karunungan,

Kung kaya’t pati Diyos ay nais pangunahan

At paglikha ng buhay ay nais pakialaman.

Tao gumising sa pagkakatulog,,

Harapin ang buhay at huwag mabagot.

Hanapin ang sagot sa problemang sangkot

Hingin at yakapin ang gabay ng Diyos.

Buhay nga ba natin ay saan patungo?

Pabagu-bago at ang gulo gulo.

At kung minsan talagang nakalilito

Kapag di nakaya ng ulirat nito, tao’y nauuwi sa pagkaluko-luko.

Diyos ko ang gabay mo lagi sana’y hingin

Nang sinumang taong ang tanging layunin

Mapaunlad ang buhay na angkin

Makapaglingkod din sa kapwang ginigiliw.

Masarap daw magbigay lalo’t nasasaktan

Ang bulsa ng pobreng sa yaman din ay salat.

Anumang biyaya ang ating matanggap

Ibahagi nati’t sa iba’y ikalat.

Mga kalamidad ngayo’y dumarating

Lalong lumalala at nakakakitil

Lalo’t hindi handa itong aping alipin

Tiyak mawawala pati buhay na angkin.

Anuman , saan man tayo patutungo?

Alalahanin natin na may Diyos tayo…

Handa laging tumulong at ika’y itayo

Sa lugmok na buhay na tinataglay mo.

Submitted Filipino Poem: Buhay, Saan ka Patungo ni Julyhet RoqueUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-89292021012120715372012-09-03T09:58:00.001+08:002012-09-03T10:01:34.785+08:00Tula Tungkol sa BuhayHalimbawa ng Tradisyunal na Tula sa Tagalog

Ang buhay ay batbat ng mga masasamang elemento. Survival of the fittest, ‘ika nga. Kapag mahina ka, kawawa ka.

Mabangis ang buhay sa mga mahihina.

Sa Pakikibaka

ni: Avon Adarna

Kinagat ng ipis si Indong Lasenggo

Namaga’t namukol sa tuktok ng nguso,

Ang salaring ipis: lumipad-dumapo,

Sa gilid ng manok ang hantong na dako.

Agad na tinuka ng manok na tandang,

Ang ipis – nagwakas sa kalam na tiyan,

At tumingala pa sa langit-langitan,

Na wari’y sumamba sa Kapangyarihan.

Ang tandang na manok, nagkisap ang mata,

Sinila ng kuko ng isang agila,

Ang habag na tandang ay naging pansigla

Sa mga inakay sa pugad sa sanga.

Kamalas-malasan ng ibong maliit,

Nabali ang sanga’t nahulog ang bagwis*,

Sa harap ng asong hayok at malupit ,

At dagling nilapa ang leeg ng pipit.

Nang aso’y dumaan sa harap ni Indo,

Walang alinlangang ang ulo’y pinalo,

Handusay* ang asong may tagas ng dugo,

At isang iglap lang ay naging adobo.

Si Indong Lasenggo ay nakaganti na,

Sa nagpesteng ipis, kumagat sa kanya,

Sadyang itong buhay may batas na dala

Ganti-ganti lamang sa pakikibaka.

-mga tagalog na tula

Kahulugan ng mga salita:

*bagwis – pakpak, bahagi ng katawan ng ibon o insekto na ginagamit sa paglipad.

Halimbawa:

Nabali ang bagwis ng tutubing karayom nang kanyang dakmain.

Mabuti pang panatilihing nakatikom ang bagwis habang bata pa kaysa lumipad kahit hindi pa kaya.

Ang tula ay nakalilipad, ito’y nakararating sa iyo kahit na walang bagwis.

*handusay – lupasay, timbuwang, napahiga, lugapi

Halimbawa:

Nakahandusay si Tandang Simeon nang madatnan ng kanyang asawa.

Ang mga tagalog na tula ay mahahandusay na lamang ba dahil sa teknolohiya?

Maaaring basahin din ang iba pang tula:

• Sila ang Aking Bayani – Tula Para sa mga Guro

• Ang Habilin ni Ama – Isang Tula na may Labindalawang 12 PantigUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-19517548046368896002012-09-01T11:02:00.000+08:002012-09-01T11:02:17.626+08:00Haiku sa FilipinoTagalog Haiku

Ang haiku ay paghahatid ng iyong mga kalooban sa labas ng daigdig.

Ang haiku ay kasama mo sa araw-araw.

5 Halimbawa ng mga Tagalog Haiku

ni: Avon Adarna

HINDI BULAG

Ang puso’t dibdib

Malagkit kung tumitig

Kung umiibig

TAMEME

Lipad sa ulap

Na sa wari’y kaysarap,

Kapag kaharap.

MOVING ON

Luhang natuyo

Ng sinaktang pagsuyo,

Kusang naglaho.

HANGGANG

Madaling-araw,

Gising kang tinatanaw,

Hanggang pumanaw.

KAHIT GISING

Panaginip ka

Kahit na sa umaga,

Ika’y ligaya.

-mga tagalog na tula

Tungkol sa Haiku

Ang haiku ay isang porma ng tula na may sukat 5-7-5 na pantig (syllables) at maaaring may tugma (rhyme)o wala.

Li/pad/ sa /u/lap = 5

Na/ sa/ wa/ri’y /kay/sa/rap, = 7

Ka/pag /ka/ha/rap. = 5

Ang Tagalog haiku ay uri ng tula na naglalayong pumukaw ng ating mga kamalayan upang lubusan nating malaman at makita ang ating kapaligiran. Sa maikling tula na ito, naipakikita ng makata ang isang diwa na gumagawa ng tulay upang marating ang mga nagbabasa at maihatid ang wika ng kanyang puso.

Ito ay nagsimula sa bansang Japan at inampon ng Pilipinas upang maging bahagi ng ating panulaan at kultura. Naglalaman ito ng iba’t ibang kaisipan katulad ng mga diwa ng pag-ibig, panalangin, pangyayari, buhay, tao, hayop o lugar. Sa anu’t anuman, ang tulang haiku ay isang magandang pagbibigay ng halimbawa sa mayaman nating literatura at tradisyon na ang iba ay nag-ugat sa mga bansang sumakop sa atin.

Malapit sa puso ng mga Hapones, ang haiku ay tulang malapit rin sa puso nating mga Filipino sapagkat ito ay nag-uugat din sa mundong ating ginagalawan, sa ating mga kalooban at sa ating pag-iral mula pa noong unang panahon.
Unknownnoreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-42395631760946988462012-08-27T10:24:00.002+08:002012-08-27T22:59:42.048+08:00Tula Tungkol sa Wikang FilipinoHalimbawa ng Tula sa Buwan ng Wika

Ang Wikang Filipino ay matatag na hukbo ng sandatahan laban sa anumang uri ng pananakop.Lakas din ng ating pagiging isang bansa at ng ating pagka-Filipino...

Buwan ng Wikang Pambansa

Image from: Knowledge Channel Facebook Page

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino

ni: Avon Adarna

Ang wika ay apoy – nagbibigay-init,

Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,

Ang inang kumalong at siglang umawit,

Wikang Filipino ang siyang ginamit.

Ang wika ay tubig - na nagpapaputi,

Ng pusong may sala at bahid ng dumi,

Manalangin lamang at saka magsisi,

At patatawarin ng Poong mabuti!

Ang wika ay hangin – siyang bumubuhay,

Sa patid na hinga ng kulturang patay,

Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay,

Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

Ang wika ay bato - na siyang tuntungan,

Nitong mga paa ng mahal na bayan,

Wika ay sandigan nitong kasarinlan,

Sa bundok o burol, maging kapatagan.

May alab ng apoy at lakas ng bato,

At kinang ng tubig na wari ay ginto,

Wikang Filipino’y matatag na hukbo

Na lakas ng iyong pagka-Filipino!

-mga tagalog na tula

Kahulugan ng mga Salita:

kasarinlan – kalayaan, independensiya, pagsasarili, kakaniyahan, kakayahang mag-isa. Kadalasang ginagamit sa estado ng isang bansa na nasakop ng ibang bansa katulad ng Pilipinas.

Halimbawa:

• Tunay nga bang natamo na ng ating bansa ang kasarinlan mula sa mga mananakop?

• Ang tagalog na tula na kanyang ginawa ay bunga lamang ng kasarinlan ng kanyang isip at damdamin laban sa kanyang mga magulang.

• Dalisay ang kasarinlan ng ating wika kung ito ay hindi nangangailangan ng hiram na salita.

Iba pang Tula tungkol sa Wikang Filipino:

• Palakasin Mo - Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino

• Ano Ito? - Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas

• Ang Teknolohiya at ang Wikang FilipinoUnknownnoreply@blogger.com13tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-85294561195748074932012-08-27T07:02:00.013+08:002012-08-27T07:02:00.264+08:00Dalawahang 2 SaknongSample of Filipino Poems

(with 12 syllables on every line)

Ang pag-ibig ang dahilan kung bakit umiikot ang mundo.

Daigdig ng Pag-ibig

Sa Iyong Pag-irog

ni: Avon Adarna

Ang mga kamay mo’y pampawi ng lungkot,

Kiliti ng haplos sa diwang malikot,

Kapag nababagha’t ibig makalimot,

Ang mga kamay mo ang siya kong gamot.

Itong tsokolate na ubod ng tamis

Matamis na gaya ng mukha mo’t kutis,

Tunay na hindi ko matitiis-tiis,

Haplusin ang nasa’t laging ninanais!

Ligaya

ni: Avon Adarna

Ibig kong humiga sa iyong kandungan,

Na gaya ng paslit na wala pang muwang,

Aliwin mo ako at iyong awitan,

O kaya’y tulaan ng iyong sambitan.

Ang lungkot ng puso sa dilim ng gabi,

Tumulong mga luha at saka pighati,

Nawawalang bula sa panahong maiksi,

Kapag kasama ka at niluluwalhati!

-mga tagalog na tula

Kahulugan ng mga Salita:

niluluwalhati – sinasamba, nililiyag, nililigawan

kaluwalhatian – langit, glorya, walang hanggang kaligayahan

luwalhati – kasiyahan, kagalakang ganap

Halimbawa:

Sa aking panalangin, niluluwalhati ko ang Diyos Ama, ang Diyos Anak at ang Espiritu Santo.

Nakikita niya ang luwalhati ng kaniyang buhay kapag dumadalaw ang mga apo.

Nagkakaroon ako ng kaluwalhatian kapag gumagawa ng tula.

muwang- malay, kaisipan, diwa, karanasan, kaalaman. Natural lamang na kung lalagyan ng “wala” sa unahan, magiging kabaliktaran ang kahulugan.

Halimbawa:

Walang muwang sa mundo ang napangasawa ni Estella.

Nagkamuwang na lamang ako sa trabaho dahil sa matiyagang pagtuturo ng aking boss.

Ang ibig sabihin, bata pa ang napangasawa ni Estella at wala pang masyadong karanasan o kaalaman tungkol sa buhay may-asawa.

Maligayang pagtula! -avon adarnaUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-48701047125004987332012-08-24T14:08:00.000+08:002012-08-24T14:08:00.920+08:00Tula para sa mga GuroMalayang Taludturan Tungkol sa mga Guro

Dakila pa rin ba ang mga guro kung sila'y nangibang-bayan na?

Ang Ating mga Guro ay mga Bayani

Sila ang Aking Bayani

ni: Avon Adarna

Sino ang nagtinda

Ng tocino’t longganisa?

Ng kendi at yema?

Ng panty at bra?

Ng Avon at Natasha?

Sino ang naglako,

Ng (libre sanang) test paper?

Ng long at short folder?

Ng mga bala ng stapler?

Ng mineral water?

Sino ang nagbenta,

Ng kanilang dignidad?

At lumisan kaagad?

Sa ibang siyudad lumipad?

Naging aliping hubad?

Upang maipandagdag

Sa sweldong salat na salat

Na tinanggap buhat

sa gobyernong bundat?

Upang maidugtong sa pisi

Na kapos lagi-lagi,

Dahil kulang ang salapi

Sa pamilyang kinakandili.

Upang muling maiguhit,

Ang kapalaran at daigdig,

Na tila ipinagkait

Ng mga lintang ganid!

-mga tagalog na tula

Kahulugan ng mga Salita

bundat – malaki na ang tiyan dahil sa kabusugan

Halimbawa:

Walang tigil ang paglamon ni Miguel kahit siya ay bundat na.

Related Search:

• tulang tagalog malayang taludturan

• tagalog free verse

• may tugma ngunit walang sukat

Iba pang Tula:

• Isang Malayang TaludturanUnknownnoreply@blogger.com4tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-32219439927214877392012-08-21T20:47:00.027+08:002012-08-21T20:47:00.148+08:00Ang Teknolohiya at ang Wikang FilipinoHalimbawa ng Tula Tungkol sa Wika

"Ano ang epekto ng teknolohiya sa Wikang Filipino?"

Ang Teknolohiya at ang Wika

ni: Avon Adarna

Pinagkaitan nga ng mga patinig,

Mga pangungusap – kulang sa katinig,

At kung babasahin sa tunay na tinig,

Ay mababanaag ang kulang na titik!

Sa sulating pormal at mga sanaysay,

Ano’ng pakinabang kung putol at sablay,

Kulang na ang letra’y mali pa ang baybay,

Ang akala yata’y lubhang mahinusay.

Sa paglalahad ng totoong damdamin,

Hindi ba nagkulang sa ibig sabihin?

Sa pagsusulit ba at mga eksamin,

Makapasa kaya kung letra’y kulangin?

Mundong makabago at teknolohiya,

Anong naidulot sa ating pag-asa?

Kabataang dugong mag-aahon sana,

Tila katunggali ng sariling wika.

Ngayo’y nagtatampo – Wikang Filipino

Sa wari’y nasunog ang tunay na mundo,

Ang wika na dapat ay isinasaulo,

Ay lubhang nalimot at nagkalitu-lito!

-mga tagalog na tula

Kahulugan ng Malalalim na Salita

mababanaag – makikita, masisilayan, mababakat

Halimbawa:

Mababanaag na siya ay kinakabahan sa pagsali sa pagbigkas ng tula sa Buwan ng Wika.

baybay – spelling sa wikang English, tamang puwesto ng mga titik ng isang salita.

Halimbawa:

Nag-uwi ng medalya ang batang nanalo sa timpalak ng pagbaybay.

Ang tamang baybay ng “aqu” sa text ng bata ay “ako”.

Related Search:

• tulang may sukat at tugma

• tulang tagalog na tungkol sa kabataan

• tagalog na tula tungkol sa wika

• Wikang Tagalog o Wikang Filipino

• tulang sukat

Iba pang Tula:

• Example ng Tula na May Sukat at Tugma

• Filipino Poems

• Tula Tungkol sa Teknolohiya

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-9027284361393467602012-08-18T20:43:00.000+08:002012-08-18T20:43:42.082+08:00Isang Tula na may 12 PantigHalimbawa ng Tulang may Labindalawang (12) Pantig

"Laging isaisip kung paano makatutulong sa kapwa nilalang – iyan ang isinulat niya sa tagalog na tula na siyang mga habilin ng kanyang ama noong siya ay bata pa."

Ang Habilin ni Ama

Ang Habilin ni Ama

ni: Avon Adarna

Pumipintig lagi sa aking unawa,

Ang habilin ninyo sa aking gunita,

Hindi mahalaga itong gantimpala,

Higit na mainam - itong ating kapwa.

“Ikilos ang lingap, igawa ang kamay,

Sa unos at bagyo’y sumagip ng buhay

H’wag alalahanin ang premyo at alay,

Na matatamasa sa iyong pagdamay.

Yakapin ang kapwa sa pamamagitan,

Ng bukas na palad ng pagtutulungan,

Itong mga taong nangangailangan,

Sagipin sa luha, kusang saklolohan.

Laging isaisip na makabubuti,

Ang magsilbing lugod sa nakararami,

Magbigay ng sinag kahit pa nga munti,

Mas mainam kaysa sa yamang malaki!

Ang ngiti’t halakhak sa dibdib at puso,

Ihain sa ibang may luhang bumugso,

Tiyak magagalak ang Langit at Berbo,

Paglalaanan ka nitong paraiso.

Ang kasaganaan malunod man ngayon,

Umasa ka pa ring may dahil ang gayon,

Di man makalangoy sa imbay ng alon,

Makakamit pa rin sa huling panahon!

Kaya nga piliting umiba ng landas,

Itong mga kamay, gagapin ang palad,

Akayin mo sila sa langit ng pantas,

Upang malasahan ang tamis ng katas!

Maging alipin kang pinakamababa

Ng ating dakilang Poon at Bathala

Tangi mong ibigin na maisagawa

Aymaging tulayan sa anumang hidwa!”

-mga tagalog na tula

Depinisyon ng mga Salita

1. matatamasa – mapapakinabangan, mabuting makuha

Halimbawa:

Ang ginhawa’y matatamasa mo sa dapithapon ng iyong buhay kung ikaw ay nagsusunog ng kilay habang ikaw ay malakas pa.

2. imbay – sayaw ng alon, galaw ng isang bagay, antas ng ritmo ng isang tula.

Halimbawa:

Gustong-gustong pagmasdan ni Pepe ang imbay ng buhok ni Pilar habang tinatangay ng hangin sa taas ng burol.

Magandang basahin ang tulang tagalog na may imbay sa bawat taludtod.

Related Search:

• sukat at tugma tula tagalog

• 12 pantig sa bawat taludtod

• tagalog na tula may sukat

• tula na nagbibilin

• habilin na tula

• mga aral ng ama

• poems with 12 syllables

Iba pang Tagalog na Tula:

• Balik sa Simula - Tagalog Anadiplosis

• Ang Tunay na Sakit - Tula Tungkol sa Pagkasira ng KalikasanUnknownnoreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-148566422262042145.post-48716908007945557272012-08-13T09:09:00.003+08:002012-08-15T21:36:03.145+08:00Tagalog AnadiplosisHalimbawa ng Tulang Anadiplosis

"Sino ang nagsabing hindi maaaring gamitin ang anadiplosis sa tagalog na tula? Malaya ka, oo. Ngunit malaya rin ako…"

Balik sa Simula

Balik sa Simula

ni: Avon Adarna

1

PAANO gumawa ng ganitong TULA?

TULAng ang hulihan ay siyang SIMULA,

SIMULAng salita ng sunod na TUGMA,

At TUGMA ng titik gaya ng KABILA.

2

KABILA ng diwa ay narito DAPAT,

DAPAT maunawa ng madla at LAHAT,

LAHAT ng bibigkas ng pantig at SUKAT,

MASUKAT ang lalim ng ilog at DAGAT!

3

DAGAT na maimbay ay may KAHULUGAN,

KAHULUGANg gaya nitong PANULAAN,

PANULAANg pinid ay dapat na BUKSAN,

BUKSAN sa ituktok nang MAUNAWAAN.

4

MAUUNAWAAN kung isasaPUSO,

PUSO’ng magsasabi kung alin at ANO,

ANO’ng itititik sa tulang GANITO,

At GANITO na nga – sagot sa PAANO.

---mga tagalog na tula sa pilipinas

Kahulugan ng mga salita:

pinid – sarado, nakakandado, nakasara,

Hindi lamang ginagamit sa mga bagay na maaaring isara ang “pinid” gaya ng pinto o bintana. Sa tagalog na tula, maaari rin itong gamitin sa mga bahagi ng katawan tulad ng “puso” “mata”, “tainga”, “utak”, at “bibig”. Ginagamit din ito sa mga tao o bagay, lugar o pangyayari kung ang ibig ipakahulugan ay sarado sa anumang kabutihan o kasamaan.

Halimbawa:

Pinid pa rin ang kanyang puso sa anumang pag-ibig.

Bakit laging pinid ang pinto ng kagawaran sa aming mahihirap?

Bakit tila yata pinid ang tainga ng Panginoon sa kanyang mga panalangin?

Related Search:

• anadiplosis na tula

• tagalog anadiplosis

• uri ng tayutay tula

Iba pang Tula:

• Tula at Panalangin sa Diyos

• Halimbawa ng Epanalepsis na TulaUnknownnoreply@blogger.com1