ISANG TULA SA TAGALOG

Tula sa Tagalog Tungkol sa Pangungulila

"Kadalasan, may mga bagay sa ating buhay na kahit pilitin man nating abutin ay hindi natin napapasakamay. Pangarap man o magkaroon ng katuparan, ang lahat ng bagay at pangyayari sa ating mundo ay sadyang may dahilan."
ulan na malakas
Ang Ulan ay Pagsubok.
Nasaan Ka, O Haring Antok?
ni: Avon Adarna

I
Kung nakatutunaw ang titig at tingin,
Natunaw na sana itong puting dingding,
Kung nakapupunit, lagkit ng paningin,
Ang kisameng ito'y punit-punit na rin!

II
Ang tangi kong tanong sa puso't isipan,
Kailan darating, pilak mong kariktan?
Tigib ng pasakit itong katauhan,
Uhaw sa piling mo pati kapalaran!

III
Nakikidusta pa, nakikisiphayo,
Panahon sa labas, sa pusod ng mundo,
Ang ugong ng ulan ay nakikipaglaro,
Sa kulog at kidlat na 'di nagbibiro!

IV
Ako'y nananangis kay Bathalang ganap
Na masilayan na ang anghel na hangad,
Ako'y inalipin ng kahabag-habag,
Ang kintab ng talim, ulilang sumukab!

V
Bakit nagkakait, abang kapalaran,
Dugo't mga luha laging nakaabang,
Ang paghihintay ko'y ibig nang sukuan,
Alindog mo't bango ay di matagpuan!

VI
Saan ka nagpunta, O hari kong antok?
Hindi mo ba ibig ang aking pag-irog?
Hindi mo dalawin ang abang napapagod?
Hindi tuloy ako... hindi makatulog!

-mgatagalognatulasapilipinas2009

Kahulugan ng mga Salita:

1. siphayo – dusta, pang-aapi, panduruhagi, sawi

Ginamit ang “siphayo” sa tagalog na tula upang mailarawan na ang panahon sa labas (bagyo) ay tila tumutulong pang dumagdag sa kalungkutan ng taong ito.

Halimbawa:
Ang siphayong naranasan ni Miguel ang siyang nagpatibay ng kanyang kalooban upang labanan ang mga pagsubok.

2. tigib – punung-puno, umaapaw, liglig

Karaniwang ginagamit ang “tigib” sa tagalog na tula sa  paglalarawan ng mga hirap at sakit na dinaranas ng isang tao. Mas naipapahayag ang negatibong damdamin kaysa gumamit ng salitang “umaapaw” o “punong-puno” na nagtataglay ng mas maraming pantig kaysa sa salitang “tigib” na may dalawang pantig lamang.

Halimbawa:
Nang pumanaw ang kanyang mga magulang, natigib ng hirap ang buhay ni Arnel.

--------------------------------------------

Related Search:

• 12 pantig
• may sukat at tugma
• tagalog na tula
• tulang may kasidhian
• halimbawa ng madamdaming tula
• may ibang kahulugan tula

Iba pang Tula:

Tula Tungkol sa Aborsiyon

0 Post a Comment:

Post a Comment

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages