Example ng Filipino Poem para sa Anak

Halimbawa ng tula para sa anak na may kaarawan.

Credit Picture


Maligayang Kaarawan, Anak!
ni: Avon Adarna

Tanda ko pa noong ika'y ipanganak,
Akala ko'y anghel - sa lupa'y bumagsak,
Ngunit nang magbalik ang aking ulirat,
Ikaw pala iyan na nagbigay-galak!

Nagpapasalamat sa Diyos na tunay,
At ikaw ang anak, siyang ibinigay,
Wala ngang pagsidlan ng tuwang sumilay,
Mula ng lumabas ay naging makulay!

Lumaki kang bitbit itong kabaitan,
Maalalahani’t luksong kasipagan,
Kahit na nga tiyak na paminsan-minsan,
Ay may taglay-taglay bibong kakulitan!

Maligayang kaarawan ang sigaw kong bati!
Alagaan itong kalusugang mabuti,
Huwag pabayaan ang iyong sarili,
Upang magtagal pa ang buhay at liksi!

Kaya nga kailangan ang pagkain ng gulay,
Siyang bitamina’t sustansya ang alay,
Uminom din naman ng gatas na bigay,
At humigop nitong mainit na sabaw.

Wala akong ibang mahihiling sa iyo
Kundi maging isang tunay kang tao,
Huwag gumaya sa mga itim na oso,
Maging tuwid ka at maging totoo!

Mag-aral mabuti, huwag tatamad-tamad,
Ang gising - maaga at huwag na tumulad,
Sa bagal na kilos at kukupad-kupad,
Upang kinabukasan ay maging mapalad!

Maglalaho rin ang mga problema,
Na siyang hinaharap ng tulad mong bata,
Alamin ang sagot sa nakakatanda nga,
Kunin ang sagot sa ama at ina!

Sundin ang magulang na siyang nagpapala,
H’wag munang isipin ang pag-aasawa,
Darating din naman ang dalagang tama,
Upang mahalin ka ng tamang dakila!

Kung may suliranin sa buhay na ito
Huwag mag-atubiling kumuha ng payo,
Sa abot ng kamay at makakaya ko,
Tutulungan kita sa simula’t dulo!

Ilagi sa isip na narito kami,
Nagmamahal sa iyo sa araw at gabi,
Kapag nagkulang ka ng pera't salapi,
Iyon ang problema, walang masasabi!

Happy Birthday, Anak!

tags: 
filipino poem

12 comments:

  1. uuhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!! <3 <3 <3......love it talaga

    ReplyDelete
  2. wow!amazing masyadong nakakatouch para sa tulad kong ulila na sa ina simula nang akoy bata pa!
    dahil ni minsan di ko na-experience na makasama ang aking ina sa tuwing kaarawan ko!

    ReplyDelete
  3. Ipapaalam ko lang po na gagamitin ko ang napakagandang tula ninyo para sa proyekto ng anak ko, maraming salamat po'

    ReplyDelete
  4. jajajja nice poem..

    ReplyDelete
  5. ganda nmn po nk@k@antig ng damdamin

    ReplyDelete
  6. gusto ko din pong iregalo itong magandang tula ninyo para sa aking pamakin..pa shared po..tnx! =)

    ReplyDelete
  7. gusto ko din pong iregalo ito sa aking pamangkin, siguradong madaming aral syang mapupulot d2 sa tulang ito..nais ko pong gamitin ito sa pag gawa ng slide show..

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages