Digma ng Buhay, Blasting, Dangal - Mga Tula ni Julyhet Roque
Mga Maiikling Tula sa Malayang Taludturan
DIGMA NG BUHAY
ni: Julyhet Roque
Dapat
Isaalang alang
Ginintuang buhay
Mahalin at igalang
Alay ng Maykapal
Ngayon ay pinipigilan ng
Gobyernong gustong yumaman
Batas ng ibang bansa
Ugat daw ng pag-unlad
Huwag hayaang RH bill ay ma
Aprobahan Kay
Yahweh tayo ay mahiya naman.
BLASTING
ni: Julyhet Roque
Buhay alagaan
Lalang ng Maykapal
Ating pagyamanin
Silungan ay bigyan.
Tinig nila'y pakinggan
Imbing tinig ay damayan
Ngalay na kamay sa hirap ay
Gabayan at sa Diyos ilapit natin
at huwag namang PASABUGIN.
DANGAL
ni: Julyhet Roque
Araw araw dapat, Mabuti ang gawin,
Baka kasi bukas, Buhay mo na’y kunin
Mainam na ikaw ay nakapagtanim ng mabuti
Sa kapwa at Diyos natin.
Mainam ng wala kang kayamanan
Sa mundong ito pag tayo’y lumisan
Pagkat mainam ng dangal ay naalagaan,
Kahit patay na, tiyak ika’y papupurihan.
Submitted Poems in Tagalog – 3 Maikling Tula
Iba pang tula Ni Julyhet Roque:
Buhay, Saan ka Patungo - Tula tungkol sa buhay
Pages
▼
0 Post a Comment:
Post a Comment
Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.