Filipino Poetry Submission Gintong Barya

Halimbawa ng Tula
Gintong Barya - Tula ni Gheneeil
Gintong Barya
ni: Gheeneil 

'di alintana ang munting kumikinang
Pinaghirapang makamit pinupuri pa ba ang kakayahan?
Pilit iwinaglit ang bahid ng pait
Isip at gawa'y magkasalit-salit.

Kung magtatapon tila walang hunusdili
Mapag-imbot na imahe pilit maipanatili
Mga mata'y animo'y tiwalag sa lungkot
Pagkatao pala'y namamaluktot.

Nahihibang na sa kinagisnang buhay
Pati paa ibinaon sa hukay
Sari-saring bisyo nagnigo't naglintog
Kahit wala ng makapa'y di pa rin natatalpog.

Mabuti pa ang isang kahig at tuka
Sa balaho ng hirap marunong kumawala
Prinsipyo't dangal di tinatablan ng anumang salot
Bunga ng dalitang saplot.

Ginto na'y naging pilak pa!
Dugong nahunos nawalan ng halaga
Humuhulagpos sa daluyong di mapigilan
Barya nga lang, mahirap din palang makamtan.

Filipino Poetry Submission - Gintong Barya - likha ni Gheeneil

Matatagpuan ang kanyang personal blog sa Weebly - GHEENEIL
Kung nagnanais na makilala ang makata, dito mo siya matatagpuan >Gheeneil - The Poet

0 Post a Comment:

Post a Comment

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages