Halimbawa ng Tagalog na Tula
NAGLADLAD KA NA, SINTA!
ni: Avon Adarna
Ang pipi kong dibdib, natigib ng luha,
Matapos marinig ang iyong winika,
Tila sinakluban ng langit at lupa,
Ang diwa ko'y kubkob ng pagdaralita.
Nagtagpo nga tayong wala sa panahon,
Inibig mo akong parang panginoon,
Di mo alintana ang aking kahapon,
Gayon din naman ako sa iyo ay gumon!
"Ikaw lamang sinta!" iyo pang tinuran.
Sa aking gunita'y di na mapaparam,
Sa laot ng isip ay nakasalansan
Pagkat ako nama'y gayon din naman hirang!
Ngunit nagbago kang sira ang pangako,
Wala kang pag-awa sa aking pagsamo,
Akala ko naman ika'y nagbibiro,
Ang sinabi mo pala'y malinaw na wasto.
Kung siya mong ibig na ako'y magdusa,
Walang magagawa , wala nga, wala nga,
Naniniwala na at walang magagawa
Ikaw nga ay isang naglalanding bakla!
Followers
Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna
i like this, this is funny..
ReplyDeletehaha..i love it!!
ReplyDeleteseko ang tula na to !!
ReplyDeleteyeah.break it down.
Bien YEDE !
seko ang tula na to !! hhaha
ReplyDeleteyeah ! break it down
ang tagalog na tulang ito ay nagpapakita ng isang matibay na dahilan upang maging mahinahon ang lahat.
ReplyDeletehaha.. naka2tuwa
ReplyDeleteitong na basang tula..
wla ako masabi sa mga gamit mong kataga...
kaya naman ang tangi kong nasabi..
"hanep! nang iyong gawa!"
from:
ms.k
:)
ang galing,.. makata,..
DeleteIkaw na gumawa na makata hanep mung gumawa
ReplyDeletekapag ako ang gumawa
wala akung masabi sa iyung ginawa
kaya ikaw nalang ang gumawa sa akin ng makata
para ako naman ay matuwa
Heheheh . :-)
Ang galing mung gumawa ng makata
ReplyDeletekapag ako ang gumawa
wala akung masabi sayung hanep na ginawa
kay ikaw nalang ang gumawa sa akin ng makata
para ako naman ay matuwa . :-)
Pamumusakal
ReplyDeleteBy: Francis B. De Castro
Kapara ngang ito’y noong unang una!
Kasaysayan anaki’y di man maantala
Asahang inuulit, minsan’y masahol pa
Mas buktot and pita’t, mas hayok ang gawa!
Anupa’t anuman, saan man, sinuman
Kasaysayang angking, pinaghahalimawan
Tulad nito’y burak, hanggang kailaliman
Mabaho’t marumi, pilit mang takipan!
Inukit sa bato, gawaing pusakal
Ng mga pinunong, sa trono’y itinanghal
Sa gulugod nitong pagal na mamamayan
Tulad ay latigong, may lason bawat latay
Sa talino’t galing ay walang katulad
Sa tamis ng dila, ang madla’y nahantad
Muling nalulugmok sa daang pinanday
Ng mga tuso’t ganid, na tulo ang laway!
Ang baryang naipon ng ‘sang batang paslit
Kung mababawasa’y t’yak ang bunghalit
Lalo pa kung ito’y, bilyong pisong inumit
Ng mga kawatang, sa salapi ay galit
Ang dulong ay huli, lampas ang tambakol!
Sa lambat na hagis, sa unang paglusong
Nawa’y sa pangalwa’y, bitbit na pag-ahon
Mga isdang malaki, mayama’t malusog
Nawa’y ang hustisya, tunay ngang may piring
Wala itong kabigin kung parusa’y ihahain
Ang tunay na may sala’y, managot na sa ating
Mga Pilipinong dayukdok na sa hilahil!
Itong pamumusakal , na kay pait, kay saklap
Masugpo, masawata, maputol ang ugat
Na’ng bagong kasaysayang, ating isusulat
May ngiti ng pag-asa’t, ang banaag ay sisikat!