TULA NA TAGALOG PARA SA DIYOS AMA

Narito ang isang panalangin sa pamamagitan ng isang tulang tagalog. Ang Diyos ang ating sandigan at pinagkukunan natin ng lakas, kalusugan at buhay sa araw-araw. Sa kaniya nanggaling ang lahat ng mga bagay na may buhay at walang buhay. Sa buong isang taon na ibinigay niya sa atin upang tayong kaniyang mga nilalang ay gumawa ng kaniyang mga kautusan ay nararapat lamang na ating pasalamatan upang sa darating na panibagong taon ay maging maluwalhati at makabuluhan para sa lahat.

"This is a Christian Poem dedicated to God Almighty inspired by the blessings He had given us for the past years. Christian poetry is one of the most popular types of poetry, providing great pleasure to many people. Poetry with the powerful theme of Christianity often touches the emotions of the readers, and people are able to personally relate to many of the words and lyrics of such poetry."




AMA NAMING BANAL
ni: Avon Adarna


(Christian Poem for God the Father)

Dakilang Ama sa ikapitong langit,
Salamat sa buong isang taong marikit,
Puno man ng pagsubok, unos na malupit,
Matibay pa rin ang aming pagkapit!

Ikaw Ama namin, ang aming sandalan
Alam kong hindi kami pababayaan,
Kami ma’y laging balot ng kasalanan,
Ibigay mo pa rin ang kapatawaran.

Ang aming kapwa na nagkasala
Sa amin ng lubos ay pinatawad na,
Nagsusumamong ganun din naman sana
Ang sa amin ay igawad, parang awa mo na!

Kung naging suwail kaming mga anak
Nakahandang ilahad itong mga palad
Paluin mo kami ng pamalong hawak,
Upang magtanda nga at kami’y tumatag.

Tiklop-tuhod, Ama, kaming maliliit
Sinasamba ka naming walang pagsusulit
Wala nga kaming itulak-ikabig
Sa banal mong pangalan kami’y nakasalig!

At sa oras na ito Diyos naming banal
Inilalapit din namin itong mga hangal
Natutulog na puso, diwa na mabagal
Sakupin mo sana ng kayong balabal.

Hanggang dito Ama ang aming pagtangis
Ika’y ay aming iniibig ng labis!
Ilayo sa disgrasya, kabutihan ang ibihis
Gabayan mo kami sa mundong mabilis

Idinadalangin namin ang lahat ng ito
Sa pangalang ng ‘yong Anak na si Kristo
Tagapagligtas namin sa daigdig na ito,
Upang ipag-adya sa lupit ng imp'yerno!

Amen.

---

Mensahe ng makata: Ang tulang tagalog na tungkol sa Diyos Ama ay iniaalay sa lahat ng mamamayang Pilipino sa bansang Pilipinas. Mabuhay!


Paglalarawan: christian poem, religious poem, tula in filipino, philippine poem.

31 comments:

  1. Mahusay at napakagaling! Sana ipagpatuloy niyo po ang pagtula sa Panginoon natin!

    ReplyDelete
  2. very inspiring and at the same time it gives moral lesson. thanx for doing this poem.. GOD BLESS YOU MORE AND MORE

    ReplyDelete
  3. Ako ay iyong taga hanga
    sapagkat ikaw ay dakila
    May pag-ibig sa kapwa
    Kaya mo ito ginagawa..

    Mahusay at magaling
    Ang kaloob sa atin
    Pero ang iba ginamit
    Sa kahalayan na ito'y
    udyok ng kanilang masamang
    isipan kaya natabunan
    ang puso sa kasamaan
    Kaya sama-sama sa pag
    likha sa mga bagay na
    may diwa upang kapulutan
    ng aral sa lahat na ginawa..


    Ipinaskil ni Kuya Orb
    http://jamtahorb.blogspot.com/

    ReplyDelete
  4. napaka-inspiring..maraming salamat po :D

    ReplyDelete
  5. May god bless you.

    ReplyDelete
  6. its VERY INSPIRING gusto ko ng bumasa araw-araw


    SANA MARAMI ANG MAG COMMENT NG VERY INSPIRING

    ReplyDelete
  7. Magandang tula..
    salamat sainyo may assignment na ko

    ReplyDelete
  8. wEw , mAy projEct nA kU !! thAnk yoU vEry mUch ..

    ReplyDelete
  9. maganda ang iyong tula nakatulong talaga sa mga bihasang makata..ika'y dapat puriin at higit na galangin..(^_^)




    TRY LNG NG TULA....

    ReplyDelete
  10. napaka ganda ng tula.. nakaka relate!:) keep doing what you have started:)

    ReplyDelete
  11. ang pangit naman mabuti pa ako nyan

    ReplyDelete
  12. Salamat sa iyong tula .. May naisulat ako sa essay ko :) Napaka ganda nitong ginwa mo .. ipag patuloy mo sana ang pag ibig mo sa Diyos at ang mga tulang kasing ganda nito :)

    ReplyDelete
  13. .ok ? merun n ang group nmen na tula pra bukaz ;) tEnkz ;)

    ReplyDelete
  14. sa kinamulatan kong pugad sa mundo
    ang kinagisnang tatak, itong IDOLO
    siya itong dulo sa daang liku-liko
    sa kalsadang panay sama at siphayo.


    God bless and MORE tula to spread....

    nagmamahal dai

    ReplyDelete
  15. salamat sa inyo panginoong hesu kristo !!
    proud aku sa inyo
    we love u
    !!>3

    ReplyDelete
  16. God bless....sa mga gagawin mo png tula:)))

    ReplyDelete
  17. i honored u for that kind of poem,
    God bless>>>>

    Jackie:)

    ReplyDelete
  18. i inspire so much.. dedicated ko ito .. sa mahal kong kuya mj:) mahal kita kuya. godbless at sa aking ina i love you nanay..

    ReplyDelete
  19. ang galing ng pagkakagawa!!hanga ako..

    ReplyDelete
  20. grabe ang galing .. sana, maka gawa rin ako nyan. :)

    ReplyDelete
  21. Ang galing ng pagkagawa
    tunay akong napahanga!
    Nawa'y ipagpatuloy ibahagi
    Talentong galing sa Kanya!

    ReplyDelete
  22. thnkssssssssss. may assignment na dn ako. :-) but, it inspire mo so much. keep up the good work! :)

    ReplyDelete
  23. Tapos Na Project na copy ko na ^^ galing ko talaga hahahah

    ReplyDelete
  24. pwede ko bang gamitin ang tulang yan at gusto ko lang malapatan ng musika.

    ReplyDelete
  25. ganda ng inyong mga tula parang sa puso koy nag pataba tunay nah kahit san bagay talinto moy ipagamit sa Dios na may lalang sa atin siguradong ikaw ay dih mag sisi.

    ReplyDelete
  26. tatlo lang po ang langit.... wala pong pito sa biblia. Pero ang ganda po ng tula.

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages