TULA TUNGKOL SA PAGSILANG

Ang pagsilang ng isang sanggol buhat sa sinapupunan ng isang ina ay isang dahilan na hindi maikakailang tayo ay may isang umiiral na makapangyarihang Diyos sa lahat.

Ang tulang tagalog na ito ay ginawa ko upang maipakita na tayo ay nanggaling sa Diyos Amang nasa langit. Katulong niya sa ating pag-iral ang ating ama at ina na sa simula at sapul ay nag-aruga sa atin hanggang tayo ay makatuntong sa sarili nating mga paa.

Tunghayan natin ang tulang tagalog na may pamagat na:

panganganak
Pagsilang
PAGSILANG
ni: Avon Adarna

Ang punlang sumibol sa sinapupunan,
Ay ama at ina ang doo’y lumalang,
Pagka’t nakalutang ang pagmamahalan,
Sa kanilang puso bilang magkatipan.

Mahiwaga raw itong buhay ng tao,
Mula sa pagsilang hanggang sa pagyao,
Ang lihim ba nito’y walang pagtatalo
Sa Diyos nakabatay, wala sa kung sino?

Ang Diyos na lumikha ng langit at lupa,
Tumulong rin ba sa ama at ina?
Nagbigay ng pintig sa puso’t hininga,
Upang mabuhay pati kaluluwa?

Pasalamatan natin ng pagpapasakop
Ang Diyos na Bathalang sa ati’y kumupkop,
Ilagay mo sa diwa ang bawat pagsinop
Sambahin mo sa araw pati sa paglubog!

Hindi ka uusbong sa mundong ibabaw,
Kung ang tanging dahilan ay mga magulang,
Gumawa man sila sa gabi at araw,
Hindi mabubuo, hindi ka lilitaw!

Ang tanging dahilan na ika’y nabuhay,
Sa Diyos nakasalig, doon nakabatay,
Pasalamatan nga, purihing makulay,
Diyos na dakila, laging dumadamay!

Kung tayo’y nabuo sa pamamagitan ng Lumikha, maaari din nating pasalamatan ang ating mga magulang na naging sandata ng Diyos upang tayong lahat ay umiral sa daigdig.

Ang tula na tagalog ay alay para sa mga kabataan at mga magulang na ama o ina.

8 comments:

  1. yeah ! a beautiful poem that i read :)

    ReplyDelete
  2. ito ay nagpapahiwatig na dapat nating respetuhin ang ating mga magulang dahil sila ang ibinigay sa atin ng Diyos para maging gabay sa atin. gaya nga ng sinabi ng Diyos na dapat nating respetuhin ang ating mga magulang dahil ito ay tama. kung wala sila, wala din tayo dito sa mundo. lahat lamang ito ay naging POSIBLE dahil sa ating PANGINOON. ang ating mga magulang ay ating tagabantay dito sa lupa na biyaya sa atin ng Diyos ♥ ;)

    ReplyDelete
  3. i really like...pwedeng pang project...

    ReplyDelete
  4. ANONG URI NG TALUDTURAN ANG GINAMIT?BAKIT?

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages