TULA NA TAGALOG PARA SA DIYOS AMA

Narito ang isang panalangin sa pamamagitan ng isang tulang tagalog. Ang Diyos ang ating sandigan at pinagkukunan natin ng lakas, kalusugan at buhay sa araw-araw. Sa kaniya nanggaling ang lahat ng mga bagay na may buhay at walang buhay. Sa buong isang taon na ibinigay niya sa atin upang tayong kaniyang mga nilalang ay gumawa ng kaniyang mga kautusan ay nararapat lamang na ating pasalamatan upang sa darating na panibagong taon ay maging maluwalhati at makabuluhan para sa lahat. "This is a Christian Poem dedicated to God Almighty inspired by the blessings He had given us for the past years. Christian poetry is one of the most popular types of poetry, providing great pleasure to many people. Poetry with the powerful theme of Christianity often touches the emotions of the readers, and people are able to personally relate to many of the words and lyrics of such poetry."




AMA NAMING BANAL


(Christian Poem for God the Father)

Dakilang Ama sa ikapitong langit,
Salamat sa buong isang taong marikit,
Puno man ng pagsubok unos na malupit,
Matibay pa rin ang aming pagkapit!

Ikaw Ama namin, ang aming sandalan
Alam kong hindi kami pababayaan,
Kami ma’y laging balot ng kasalanan,
Ibigay mo pa rin ang kapatawaran.

Ang aming kapwa na nagkasala
Sa amin ng lubos ay pinatawad na,
Nagsusumamong ganun din naman sana
Ang sa amin ay igawad, parang awa mo na!

Kung naging suwail kaming mga anak
Nakahandang ilahad itong mga palad
Paluin mo kami ng pamalong hawak,
Upang magtanda nga at kami’y tumatag.

Tiklop-tuhod Ama kaming maliliit
Sinasamba ka naming walang pagsusulit
Wala nga kaming itulak-ikabig
Sa banal mong pangalan kami’y nakasalig!

At sa oras na ito Diyos naming banal
Inilalapit din namin itong mga hangal
Natutulog na puso, diwa na mabagal
Sakupin mo sana ng kayong balabal.

Hanggang dito Ama ang aming pagtangis
Ika’y ay aming iniibig ng labis!
Ilayo sa disgrasya, kabutihan ang ibihis
Gabayan mo kami sa mundong mabilis

Idinadalangin namin ang lahat ng ito
Sa pangalang ng ‘yong Anak na si Kristo
Tagapagligtas namin sa daigdig na ito,
Upang ipag-adya sa lupit ng imp'yerno!

Amen.
---

Mensahe ng makata: Ang tulang tagalog na tungkol sa Diyos Ama ay iniaalay sa lahat ng mamamayang Pilipino sa bansang Pilipinas. Mabuhay!


Paglalarawan: christian poem, religious poem, tula in filipino, philippine poem.

20 Post a Comment:

Anonymous,  May 21, 2009 7:39 PM  

Mahusay at napakagaling! Sana ipagpatuloy niyo po ang pagtula sa Panginoon natin!

roxasarleen October 9, 2009 7:49 PM  

very inspiring and at the same time it gives moral lesson. thanx for doing this poem.. GOD BLESS YOU MORE AND MORE

kuya orb November 7, 2010 11:04 PM  

Ako ay iyong taga hanga
sapagkat ikaw ay dakila
May pag-ibig sa kapwa
Kaya mo ito ginagawa..

Mahusay at magaling
Ang kaloob sa atin
Pero ang iba ginamit
Sa kahalayan na ito'y
udyok ng kanilang masamang
isipan kaya natabunan
ang puso sa kasamaan
Kaya sama-sama sa pag
likha sa mga bagay na
may diwa upang kapulutan
ng aral sa lahat na ginawa..


Ipinaskil ni Kuya Orb
http://jamtahorb.blogspot.com/

Anonymous,  July 3, 2011 9:31 AM  

napaka-inspiring..maraming salamat po :D

Anonymous,  July 3, 2011 10:00 PM  

May god bless you.

Anonymous,  July 5, 2011 6:06 PM  

its VERY INSPIRING gusto ko ng bumasa araw-araw


SANA MARAMI ANG MAG COMMENT NG VERY INSPIRING

Anonymous,  July 24, 2011 11:19 AM  

i appreciate :)

Anonymous,  July 27, 2011 9:07 PM  

Magandang tula..
salamat sainyo may assignment na ko

Anonymous,  August 6, 2011 7:13 AM  

wEw , mAy projEct nA kU !! thAnk yoU vEry mUch ..

Anonymous,  August 12, 2011 7:36 PM  

maganda ang iyong tula nakatulong talaga sa mga bihasang makata..ika'y dapat puriin at higit na galangin..(^_^)




TRY LNG NG TULA....

Anonymous,  August 25, 2011 8:33 AM  

napaka ganda ng tula.. nakaka relate!:) keep doing what you have started:)

Anonymous,  September 6, 2011 7:25 PM  

ang pangit naman mabuti pa ako nyan

Anonymous,  October 5, 2011 7:55 PM  

Salamat sa iyong tula .. May naisulat ako sa essay ko :) Napaka ganda nitong ginwa mo .. ipag patuloy mo sana ang pag ibig mo sa Diyos at ang mga tulang kasing ganda nito :)

Anonymous,  November 16, 2011 7:09 PM  

.ok ? merun n ang group nmen na tula pra bukaz ;) tEnkz ;)

Anonymous,  November 17, 2011 5:42 PM  

(^^^) :3

Anonymous,  November 22, 2011 8:25 PM  

sa kinamulatan kong pugad sa mundo
ang kinagisnang tatak, itong IDOLO
siya itong dulo sa daang liku-liko
sa kalsadang panay sama at siphayo.


God bless and MORE tula to spread....

nagmamahal dai

jhacel,  January 14, 2012 8:51 PM  

salamat sa inyo panginoong hesu kristo !!
proud aku sa inyo
we love u
!!>3

Anonymous,  February 9, 2012 6:10 AM  

God bless....sa mga gagawin mo png tula:)))

Anonymous,  February 9, 2012 6:13 AM  

i honored u for that kind of poem,
God bless>>>>

Jackie:)

kylindz,  March 8, 2012 5:24 PM  

i inspire so much.. dedicated ko ito .. sa mahal kong kuya mj:) mahal kita kuya. godbless at sa aking ina i love you nanay..

Post a Comment

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula!

Mga Munting Kaisipan

Kahit walang palya sa Ama Namin,
Hindi madadaan sa mga panalangin,
Kung hindi naman gumagawa ng magaling,
Mauuwi sa wala't wala pa rin!
---avonadarna

Diyos ang Sandigan

Huwag guhitan ng tandang pananong,
Kapag kinuwitan nitong Panginoon,
Mabuting tuldukan, gawan ng solusyon
At tandang padamdam kapag bumabangon!
---avonadarna

Maraming Salamat!

maraming salamat sa mga nag-iiwan
ng kumento, pagbati at mga kagustuhan,
lubos ang aking sigla't kasiyahan,
kayo ang TULA ko’t aking kagalakan!
---avonadarna

  © Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP