Tula Tungkol sa Paniniwala sa Pilipinas

Paglalarawan: tula tungkol sa mga maling paniniwala na ipinamana ng mga dayuhan, tagalog na tula na parang isang kanta.

(isang tagalog na tula tungkol sa relihiyon)


MERON-MERONG LINTA
Ni: Avon Adarna

Meron, merong linta,
Nagbahay sa bansa,
Dalang ebanghelyo,
Peke naman pala.

Pagdating nga dito,
Dumami na sila,
Hayan, hayan, hayan,
Parang magkukuta.

Meron, merong linta,
Wasak ang adhika,
Niloloko nito
Mga Pilipino.

Ulol na propeta,
Wala nang pag-asa
Kapos na magbago,
Kawawa lang tayo!

Meron, merong linta
Ginto ang ninasa
Gusto nila’y buto
Parang mga aso.

Walang kabusugan
Butas yata ang tiyan,
Kaya nanloloko,
Bundat at empatso!

Mensahe galing sa makata: Ginawa ko ang tula na ito upang magsilbing palaisipan sa kanila na hindi lahat ng mga isinusubong paniniwala at pananampalataya ng mga dayuhan ay tunay at walang bahid ng pananakop. Sana po ay maunawaan ninyo ang tagalog na tulang ito. Maraming salamat po.

1 comment:

  1. Napakagandang pag-aralan ang mga maling aral sa relihiyon. Ang tulang ito, bagaman nakakatuwang basahin/kantahin, ay nakapagdudulot naman ng pagbubukas ng isipan para sa isang nagsusuri. Mabuhay ka, Ka Tonio!

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages