Tula Tungkol sa mga Bayani ng Lahi

Paglalarawan: anyo ng tagalog na tula na malayang taludturan, tula sa tuluyan, poem about unsung heroes, Philippine poems.


NALIMOT NA KASAYSAYAN
ni: Avon Adarna

Sa lapidang nilulumot
Ng mga bayani ng bayan,
Dito na lamang masisilayan,
Kanilang mga ipinaglaban.

Sa letra na lamang makikita
Ang kanilang mga simulain
Na hindi ipinagkait
Sa bayang marikit.

Sa malansang mukha na lamang,
Ng salapi natin masusumpungan,
Ang mga prinsipyo ng panahon
Na natabunan ng kahapon.

Sa lalim na lang ng mga ukab na semento
Ng simbahan at munisipyo,
Matatanaw ng malaya,
Ang kanilang pakikibaka.

Sa bibig ng hangal na historyan
Maririnig ng malamig
Ang kanilang mga tinig,
At ang mga daing at hinagpis.

Sa salitang namutawi
Ng mga lolo at lola,
Mababanaag ang liwayway
At ipinuhunang buhay.

Sa agos na lamang ng lumipas,
Makakapiling ng maigting
Ang kanilang pagpupunyagi
Na maituwid ang mali.

Sa rebultong nilulumot,
Doon na lamang umaamot
Ng kapiranggot na halaga
Upang maihambog doon kay Bathala!

Mensahe galing sa makata: mraming mga byani ang nkalimutan na ng mga kabataan. Kaya ginawa ko ang tula na ito. tnx. bye. -avonA!

25 comments:

  1. anong uri ito ng panitikan?
    is it HUMANISMO?...

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. bakit kung hnd dahil sa kasaysayan natin sa tingin mo nakapagcomment ka pa jan..sa tingin mo nakakahawak ka ngg comp..wag masyadung mang insulto..bakit??kaya mu bang gawin gnawa nila jose rizal?kala mu kung cnu ka..think first before you click..!!

      Delete
    2. ang oa mo naman magreact, nangogopya ka lang rin naman. respect the opinion of others

      Delete
    3. tarantado ka makapag comment ha wag ka na lng mag comment kung pangit sasabihin moh

      Delete
    4. ahahahahaha wag na kau magaway plzzz nasasaktan si jose rizal tinex nya ko kanina

      Delete
  3. wlang sukat at tugma.. maalam ka ba talaga gumawa ng tula.lol
    anu 'to malayang uri ng paggawang tula...

    ReplyDelete
  4. ganda..grabe...thanks sa naggawa nakagawa me ng project thanks..

    ReplyDelete
  5. cguro malayang taludturan.. kung walang sukat at tugma

    ReplyDelete
  6. maganda aman ang tula niya e...
    khit walang tugma at sukat dahil sa isang tula MENSAHE ang mahalaga hndi sukat at tugma ..

    congrats po sa gumawa ito ay napapanahon para sa ating mga kabataan lalo na sa MGA NAKALIMOT ng sa ating mga bayani...

    ReplyDelete
  7. yan ba ay tugma kung yan ang tugma bakit po hindi makaparehong sukat ang mga pagtugma??o.O

    ReplyDelete
    Replies
    1. tawag sa gawa ko malayang taludturan .. GETS MO BA
      \

      Delete
    2. malayang taludturan yan kaya walang sukat ..

      Delete
  8. korny.... basic rules pa lng sa paggawa ng isang tula bagsak na...

    study more =)

    michael =)

    ReplyDelete
  9. pano ba mag share ng poems dito meron kasi akong mga poems na nagawa ehh >>


    tnx sa mag reply

    ReplyDelete
  10. sa una nating pagkikita
    tinitigan kita ng hindi maganda
    at maging sa mga titig ng iyong mga mata
    ay nabihag ako nito sa iyong ganda

    inilihim ko iyon ng ilang saglit
    nang makapiling ka lamang ng hindi binabanggit
    ngunit sa inip ko`y naghangad ako ng labis
    at ikaw ay nagalit at sa akin ay nainis

    minahal kita, ngunit hindi mo pinagbigyan.
    kahit ang puso ko`y di man lang sinubukan
    naalala ko tuloy ang ating nakaraan
    ngaunit sa alaala na lang iyon naiwan

    nagdamdam ako bakit pa kita inibig!
    kinainisan ko tuloy ang sarili ng paulit-ulit
    nagbasag ng tubig sa aking mga panaginip
    na naging dahilan ng aking p[agkagalit!

    ReplyDelete
  11. May aral kang makukuha pero sana pinagisipan pa mabuti
    -Sheryl

    ReplyDelete
  12. walang kwenta ,,di manlang magkaka tugma tss,,

    ReplyDelete
  13. iba na talaga pilipino ngayon...

    ReplyDelete
  14. oo nmn !!! killala taung mga pilipino s pagging mdiskarte , at matiyaga !!!!!!

    ReplyDelete
  15. buti pa Ung iba my alam sa tulang malayang taludturan ung iba jan wla namang alam kung hindi bumasa .. hayyyyyy parang di nag aralsa FILIPINO

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages