TULA AT ERASERHEADS | FILIPINO POEM

Tula Para sa Eraserheads
eheads
Eraserheads



Pinoy Band Eraserheads - Filipino Treasure
ni: Avon Adarna

Ang Eraserheads nga muling nagpaplano
Na ulitin itong naudlot na konsyerto,
Bitin nga sa concert lahat ng mga tao,
Si Ely Buendia sumakit ang puso!

Kahit ano pa ang gawin na paraan
Hindi na niya kaya sakit karamdaman,
Sa ospital na nakita, mga kaibigan,
Masakit ang nangyari, umiyak mga fans!

Favorite ko ang ERASERHEADS Band
Walang ibang tugtog na pumapainlanlang,
Music nila kasi’y aking nagustuhan,
May lalim ang lyrics kahit minus one!

May collection ako ng mga MP3
Lahat ng song nila’y aking itinatabi,
Pinatutugtog ko kahit na sa gabi,
Gising kapitbahay, pati na butiki.

Nai-download mo ba kanilang mga song?
Marami ang website na pwedeng magtipon
Song title ang siyang i-recall mo ngayon,
Hanapin ang FREE sa bawat station,

Inspiring talaga bawat song nila,
Ngingiti kahit nalulungkot ka,
May ligayang dulot sa bawat isa,
Download mo din sa puso ang member nila.

Si Marcus Adoro at Ely Buendia,
Raimund Marasigan, at Buddy Zabala,
Wala kang itatapon magagaling talaga,
Walang panama ang Yano, pati River Maya.

Download mo lahat wag kang magtatapon,
Mp3 at album at mga compilation,
Igawa mo ng folder na may dedication,
For sure you’ll be happy even if you’re alone.

Nariyan ang sikat na Huling El Bimbo,
Overdrive, Hard to Believe pati na Torpedo,
With A Smile, Kailan, Grounded ang GF Ko,
Maselang Bahaghari, Fruitcake at Pare Ko,

I-download mo na din Alapaap, Kailan,
Huwag Mo Nang Itanong, Magasin at Toyang,
Para sa Masa at Tuwing Umuulan,
Bogchi, Kaliwete, Ligaya, at Minsan.

Spoliarium At Maling Akala,
Sembreak, Julie Tear Yerky, Tindahan ni Aling Nena,
Pop Machine, Maskara, Palamig, Harana,
Ilan lamang sa song tiyak magaganda.

Sila’y nakilala Beatles of the Philippines,
Favorite ng adult pati lahat ng teens,
Kanta nilay nagdulot ng mga influence,
Original Pinoy Music sila nga itong the best.

Eraserhead’s songs pati mga album,
Laging patok dito, laging platinum,
Awards na marami at mga recognition,
Masasabi na sila ay sadyang mga icon.

Alay ko ang tula kong ito,
Sabihin man akong cornyng totoo,
Wala naman akong ibang iniidolo,
Eraserheads lang, una-unang sa gusto.

Ang Eraserheads ay Filipino band
Wala ngang kupas mataas na kalidad,
Huwag kang kokontra wala silang katulad,
Sa OPM industry : pinakasikat!

----

Paglalarawan: tula na tagalog, simpleng tula ng pinoy, filipino poem na may mababaw na salita.

10 comments:

  1. napakaganda tula mo kaibigan
    sana'y di lang ito ang katapusan

    iniidolo ko rin ang Eraserheads band
    mula pa noong ako'y bata pa lang

    inaasam-asam ang reunion na ito
    sabik na makita ang mga idolo

    malayo man ako dito sa Cebu
    makita ko lang ang Eraserheads ulit sa entablado ay masaya na ako
    :
    :
    sana'y hindi dito nagtatapos
    ang Eraserheads na mahal naming lubos.

    ReplyDelete
  2. Ok tula Mo,Nakakabilib tlaga.Tulad mo rin akong fan ng e-heads,wala talagang katulad ang ERASERHEADS!

    THOE SANDAY of COTABATO CITY

    ReplyDelete
  3. wow! ang ganda naman ng tula. Kaibigan ituloy mo lang yan. Malay mo mabuo uli ang eraserheads.

    ReplyDelete
  4. Maaari ko po bang i-post ang tulang ito sa aking blog? Ako po kasi ay isa ring taga-hanga ng Eraserheads tulad ninyo. Iccredit ko ho kayo. Salamat. :) -<a href="http://ebrito.tumblr.com/>ebrito</a>

    ReplyDelete
  5. ang ganda naman po ng inyong tula.. nakakahalinang basahin.. tama po kayo! ERASERHEADS nga po ang d'best! :)

    ReplyDelete
  6. pasensya na huh.. kokopyahin ko lang po ang tula mo ng panandalian, kailangan kasi para sa phil.lit. eh laking tulong talaga. ganun paman, lahat na nga rin eh nagbigay ng tula heto yung akin.


    isang kang batang pilipino napuno ng insperasyon
    may angking talino at buo ang determinasyon
    ang buhay ng makata minsan masaya mina nangungulila.
    dahil sa iyong tula ako ay nasalba, natulongan na di maging kawawa, buti nalang di na ako pagagalitan ng aming yaya.. cgeh hanggang sa muli sana nga magkita tayo..babae ka ngaba?

    add nalang kita sa facebook..sige sa uulitin.

    ReplyDelete
  7. WOW!!,,,,,AmAZING!!!!

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages