ISANG TULA PARA SA MASA

Ang politika at politiko dito sa ating bansa ay isang institusyong nangangailangan ng masusing pagbabago hindi lamang sa bulok na sistemang nakakubkob dito kundi sa nakaririnding kasamaan na lumalaganap. Narito ang isang tula sa tagalog na tungkol sa mga pulitiko at sa politika ng bansang Pilipinas.

Ang orihinal na tula ay maging inspirasyon sana sa lahat upang magsalita at lumaban sa oras na pakiramdam natin ay tinatapakan tayo ng mga higanteng lider ng bansa.



MGA HAYOP SA PILIPINAS

Labing-apat na hayop, nagtumaas, nagtumayog,
Nagharing uri sa pedestal at bantayog,
Niyukuran, tiningala, sinamba't sinunod,
Yaman, kapangyarihan ang sa kanila’y bumusog.

Masang alipin ‘di na alam kung saan susuling,
Pumurol na ang tabak, natunaw sa libing.
Ang ganti sa hagupit ng hayop na kapiling
Mga piping hiyaw, mga luhang haling!

Tangả ang sisira sa kalawang na bakal,
Yuyurakan ka kahit na luhuran,
Timawang hayop sa gutom ay basal,
Walang pagkilala kay Bathala at dasal!

Sa hukom ng Hari doon ang higanti,
Pagsibol ng araw sa dilim ng gabi,
Mga hayop na busog at mga nakangisi,
Sa apoy ng impiyerno, hahantong sa huli!

Maraming lider ng bansa ang nagtamasa ng katakut-takot na yaman na ninakaw sa kaban ng bayan. Mga yaman ng bansang hindi napakinabangan ng nakararaming mga mahihirap. Ang masang Pilipino'y isang pulubing nakatanghod sa isang panginoong hindi marunong maawa. Hindi nakauunawa ng higit na kahulugan ng salitang pag-ibig.


Ipagwalang-bahala man ito ng mga nakapaligid, umaasa akong sa mga huling araw at sa araw ng paghuhukom ay haharap sila sa tunay na Panginoon na maraming daing at pagsisisi ngunit hindi NIYA sila pakikinggan.

Ang tulang tagalog na ito ay inihahandog sa mga Pilipinong pasan ang hirap ng buhay.

15 Post a Comment:

Anonymous,  July 10, 2011 9:13 PM  

tama ! :D

Anonymous,  July 20, 2011 8:05 PM  

Ang drama! T_T de loko lang :D

Anonymous,  July 31, 2011 9:43 AM  

dapat yan sinusunog....

Anonymous,  August 1, 2011 6:57 PM  

nice one... sana story naman tungkol sa mga ninuno yung gawin natin.... kailangan kasi sa assignment namin ehh.....

Anonymous,  August 2, 2011 7:49 AM  

napaka gandang tula nito..!tamaan na dapat tamaan

silent storm,  August 7, 2011 5:33 PM  

Astig

Anonymous,  August 8, 2011 9:12 PM  

dapat po lahat kumilos 'wag po lahat iasa sa gobyerno.

Anonymous,  September 3, 2011 1:10 PM  

tama yan maraming tao ang namamatay dahil sa kahirapan di man lang nakatikim ng kaginhawahan sa buhay sana meron pa

Anonymous,  September 12, 2011 9:23 PM  

haha!! oo nga eeh! =3 ewan ko sa kanila... mag papabuntis kase, wala sa edad nila.. san ka pa? sila rin ang pumipili kung anong gusto nilang buhay.. kawawa yung anak nila.. (sabay ipapalaglag) sakit! kasalanan din yun ha? XD ayos!!! marami na ang mahirap sa Pilipinas.. haayzz.. :(

Anonymous,  September 12, 2011 9:35 PM  

=3 kase.. dahil sa kanila rin yan kung anong gusto nilang kalalabasan ng buhay nila.. magpapa buntis ng wala sa tamang edad, hindi mapigilan?? pwes PIGILAN mo kung gusto niyong may maayos na pamumuhay, kahit manlang makapaggtapos sa pag aaral?? divah? :)

Anonymous,  September 14, 2011 10:24 AM  

dami alam .!

Anonymous,  September 27, 2011 6:29 PM  

tignan mo naman ang salungat
di ba't ginawa nila ang lahat
hindi mo ba nakita yon?
kaya simulan mo na ngayon....:)

Anonymous,  November 10, 2011 4:10 PM  

ito totoo
walang pagbababago
tong mundong to
kung meron man
tungo sa kasamaan
di panga sa kabutihan

alfred January 8, 2012 6:59 PM  

time change everything change.wag mawalan ng pag asa. sumabay lng sa agos ng buhay. sasakit lng ulo neo pag iisipin neo lahat ng problema ^^

Anonymous,  February 27, 2012 3:20 PM  

gusto ko yng tula na 2

Post a Comment

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula!

Mga Munting Kaisipan

Kahit walang palya sa Ama Namin,
Hindi madadaan sa mga panalangin,
Kung hindi naman gumagawa ng magaling,
Mauuwi sa wala't wala pa rin!
---avonadarna

Diyos ang Sandigan

Huwag guhitan ng tandang pananong,
Kapag kinuwitan nitong Panginoon,
Mabuting tuldukan, gawan ng solusyon
At tandang padamdam kapag bumabangon!
---avonadarna

Maraming Salamat!

maraming salamat sa mga nag-iiwan
ng kumento, pagbati at mga kagustuhan,
lubos ang aking sigla't kasiyahan,
kayo ang TULA ko’t aking kagalakan!
---avonadarna

  © Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP