Tula lang nang Tula! |
Paano Sumulat ng Tula
ni: Avon Adarna
Paano sumulat ng magandang tula?
Kailangan bang ito’y may sukat at tugma?
Paano kung hindi makita ng diwa?
Ang tula bang ginawa’y mababale-wala?
Ang aral na diwa’y dapat bang taglay
Ng tulang binanggit, kailangang makulay?
O sapat na rito na parang salaysay
At tila kwento lang ng mga bagay-bagay?
Kailangan bang ito’y magsilbing aral,
Sa bawat babasa’y dapat na umiral
Kaisipang dala ng tulang pedestal,
Lalagi bang wasto sa utak ng hangal?
Sa literatura, sining, panitikan,
Ang tula na yata ang pinakamainam
Pagkat nakasalig sa imbay ng paham,
Ipinanganganak sa sinapupunan.
Diwang nasa bungo ng makatang lingkod,
Ang siyang nagtulak, sa kanya’y nagbunsod,
Upang ang tula’y tumatak sa likod
Ng bawat babasa’y hindi na malimot.
Kung ako ang siyang tatanungin,
Hindi ko na yata pakaiisipin,
Ang tula ay tula: mababaw, malalim
Ito’y isang daan upang makagising.
Tula ay pumalag tuwang kalooban
Kahit sabihin pang siya’y kabataan,
Kung buhat naman sa loob at isipan,
‘Di na dapat isipin ang kahulugan.
Nasa utak na ng nagmamay-ari,
Kung ano'ng ibig itukoy sa sinabi,
Ang tula na inukit ay alay sa sarili
Pagkat maaaring lumipad sandali.
Maisisigaw mo tinig ng hininga,
Sa tula ay hari ikaw na makata,
Lalaruin ang buwan pati mga tala
Pwedeng makasiping lahat ng artista.
Magiging daan din sa paglalakbay
Talata ng tula ay walang hanggang gabay,
Pangarap na yaman naisasabuhay
Lungkot mawawala, kahit nalulumbay.
Sa pamamagitan ng aking mga sulat,
Nailalabas ko ang pintig sa lahat,
Hindi man nga ito buting isiwalat,
Tutula’t tutula kahit maging malat.
Ang lahat ng tula mayroong layunin
Ito’y ibubunyag matapos hagurin,
Ilalapat ang tono kahit na nga bitin,
Itula mo na lang ang ibig sabihin.
Kung napipilipit dilang baluktot,
Hayaan na lamang ang pagkakalukot,
Ang nais nga lamang ay maipulupot,
Ang tula sa mundo’y ating ihandog.
Ano pang iyong itinutunganga?
Walang patlang dito ang nakatulala,
Gumawa ka, bilis, tumula nang tumula,
Huwag mong isipin ang anumang hiya!
( Isang Tula Para sa mga Makata ng Pilipinas )
Wer Yu?
ReplyDeleteFarimz
Masakit ang mag-isa
Lalo na’t walang kasama
Iniisip kita
Nasaan ka kaya.
Hindi ko alam
Kung ikaw ay nasaan
Hindi ka kasi nagpaalam
Nang ikaw ay lumisan.
Sinira mo ang puso ko
Kung alam ko lang na magkakaganito
Hindi ko nalang sana tinanggap ang alok mo
Ngayon tingnan mo’t nalilito ako.
Puso ko’t isipa’y ‘di mapakali
Kung saan nga ba ako nagkakamali
Iniisip ko gabi-gabi
Hindi ko mapigilang magmuni-muni.
Bakit nga ba hanggang ngayonramdam ko parin ‘to
Ang lakas talaga ng tama mo Bro!
Daig mo pa ang sipa ng pulang kabayo
Na katuwang sa mga sugatan ang puso.
Hanggang kalian ko ito titiisin?
Sana’y bigyan mo ito ng pansin
Bago pa magdilim
Itong aking paningin.
like!like
ReplyDeletebakit kaya akoy nag-hihinagpis
ReplyDeletenasaktan ako ns labislabis
parang isang lapis
patawarin mo ssana ako ....pls
mag aral pa kayong magtula
ReplyDeletepara pag ako ang inyong nakaharap,
upang hindi na kayo magutalutal,
wag nyo namang sabihin na mayabang ako,
dahil nagsasabi lang ako ng totoo..
peace!!
joke lang yan...
From alanmae
ganda! hehe. tama nga
DeleteIto'y isang tula para sa aking minamahal
Kahit malayo man ay makarating pa rin, sinta
Kahit sa malayong dako ka man
Ay nag-iisa ka pa rin
Sa aking pusong nagmamahal
Sry guys, pero di talaga magkatugma eh!
sa aking palagay
ReplyDeletetula ninyoy matatamlay
ang gumawa'y walang malay
sa lumikha ay sumuway
basahin ninyo ang tulang ito
singkinang ng tala,pilak at ginto
kung kayo'y minsa'y nalilito
pakinggan ang magiting na pilato
sa likod ng tulang ito'y may aral
walang sino man ang pwedeng sumapal
at sa mga kritikong ume-epal
tikman nyo ang matamis kong sampal
aking aaminin, hindi ako magaling
hilig ko lamang, ang sumaya at gumiling
intindihin nyo na, ang ibig kong sabihing
"basahin nyo naman",aking hiling
nice talaga!
Delete"PAGKABIGO"
ReplyDeleteIka'y aking minahal ng lubos
Ngunit ako'y sinaktan mo lamang
Ika'y aking pinaka-mamahal
Basta na lamang ako iniwan.
Sa iyong pangakong binitawan
Ang puso ko'y labis mong nasaktan
PANGAKONG hindi malilimutan
Nakatatak sa puso't isipan
Pinilit kong ibalik ang lahat
Ako'y labis namang nahirapan
Ang ala-ala nating dalawa
Ay hinding-hindi malilimutan.
-joegie ann dasas :)
kahit ako'y nasaktan mo hirang
ReplyDeletedi ko makakalimutang magagandang ating pinag samahan
mamahalin parin kita sa dulo nang walang hanggan
ang mga tula nyo`y kay gaganda
ReplyDeletekaso tila puro kayo propaganda
anu ba talga ibig iparating ng mga kataga
habang binabasa ako`y natulala
testing lng hahaha
ISANG BOTENG ALAK
ReplyDeleteIsang boteng alak
Ngayo’y aking kailangan
Nang maibsan sakit na nararamdaman
Isang boteng alak
Siya ngayo’y aking kaibigan
Hindi niya ako iniiwan sa gitna ng aking kapighatian
Isang boteng alak
Siya ngayoy aking kasama
Sa lungkot at saya nandiyan siya tuwina
Isang boteng alak
Nakakausap ko siya
Sa mga panahong pakiramdam ko, akoy nag-iisa
Isang boteng alak
Minsan ako’y kanyang tinanong
Kaibigan, ano ang problema?
Akoy sumagot, maahirap tanggapin kaibigan!
“Lumisan ang mahal ko ng walang paalam!”
~Adonis “Pulang Lobo” San Miguel~