Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas

Isang Tula Tungkol sa Wikang Filipino

wika
Ano Ito?

Ano Ito?
ni: Avon Adarna
“Ito ay espada sa anumang laban,
Lakas na sa wari’y sigla ng tanggulan,
At ilaw sa dilim nitong kapanglawan,
At gabay sa landas na dapat tawiran.”
Ang bagay na ito’y makintab sa langis,
Pinatalas noong panahong mabilis
May bahid ng digma’t mga pagtitiis,
Hinasa sa dila pati na hinagpis.

Ginagamit ito ng mga pulubi,
Sa daang mabilis at nagmamadali,
Kanyang pangungusap sa nagdaang hari,
Ay tinumbasan lang ng mapait na ngiti!

Mistulang sandata ng kalalakihan
Sa ibig na liyag na kadalagahan,
Sa puhunang laway sa nililigawan,
May asawa na pala nang magkabistuhan.

Ito ri’y kalsada ng mga pinuno,
Upang makarating sa nais na p’westo
Ibinabayubay bago pa maupo,
Sa masa na hayok sa bagong gobyerno.

Mga patalastas sa mga programa,
Ginagamit ito na lakas at sigla;
Mungkahing produkto ng isang artista,
Ang tibay at galing ay hindi naman pala.

Inaabuso rin nitong kabataan,
Sa pagkakahaling sa lamiyerdahan
Gawaing proyekto sa paaralan,
Ang sasabihin pa na siyang dahilan.

Ginagamit nitong mga talipandas,
Upang makaiwas sa hatol ng batas,
Sa pagkakagumon sa yaman at lakas,
Ito ang paraan ng kanilang pagtakas.

Ginagasta niyong mga kumaliwa,
Sumigaw sa kalyeng umayaw sa lisya,
Ngunit itong sagot sa mga problema,
Hindi naman nila lubos na unawa.

Sa musikang tugtog nitong mga kwerdas,
Hindi na marinig ang tunay na lakas.
Tila nagwari lang na isang alamat,
Simula ay ingay, gulo itong wakas.

At sa pagtitiis ng kabayanihan,
Tila nalimutan ang pinanggalingan,
Sa marmol na bato sa Kamaynilaan,
Doon lang naukit ang pinaghirapan...

Tagalog na Tula para sa Buwan ng Wika 2011

Previous Posts:

Original na Tagalog na Tula
Dapithapon
• May Sukat at Tugma

39 comments:

  1. what is the meaning of ang filipino ay wikang panlahat? naguguluhan na nga po ako.

    ReplyDelete
  2. pwede paliwanag niyo ang filipino ay wikang panlahat,ilaw at lakas sa tuwid na landas?.... please, please,please,please.please...
    Thankz in advanced! :)

    ReplyDelete
  3. gusto ko ang mga tula...nakatulong sa kin ito sa aking pagsali sa pagsulat ng sanaysay....salamat

    ReplyDelete
  4. naintindiahan ko talaga ang lahat......sana po'y makasulat ako at mai publish ko rin dito.....

    ReplyDelete
  5. kenn arren almenianaAugust 6, 2011 at 6:25 PM

    ang ganda ng mga tula kakatach kaya

    ReplyDelete
  6. please naman post naman ang hirap gumawa nang tula na may 3 stanza ang hirap nang thema: Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landa....panu un..!

    ReplyDelete
  7. mayroon po ba kayong sanaysay tungkol sa tema ngayong buwan ng wika?

    ReplyDelete
  8. wow ang ganda ng pagkagawa na tula yehey

    ReplyDelete
  9. wla po bang pankg talumpati ????sna po mag post din po kau bg talumpatu..thankz....

    ReplyDelete
  10. ang gulo po ng tula niyo...next galingan no nga ang paggawa ng tula para naman magka interest ako.

    ReplyDelete
  11. okaaaaaaaaaaay. hindi naman nasagot ung tanong nung ibang nagpost. Ano nga po ba ibig sabihin ng "ang filipino ay wikang panglahat blah blah blah.."?????

    ReplyDelete
  12. ang ganda po ng tula napaka makata ...kagalang galang at ako ay interesado sana namn po bigyan din ng galang at apreciation ng ibang estudyante para narin sa ating wika kaya sana namn po wag tayong mag post ng walang kabuluhang post at komento lalu na kung ito ay negatibo salamat

    ReplyDelete
  13. ang ganda nagugustuhan ko ang tula. . .
    nakakapagpataas ng confidence level bilang isang Pilipino.!

    ReplyDelete
  14. ndi q tlga ma-getz ung meaning ng tema..
    no lya masusulat q sa kompetisyon ng sanaysay...

    ReplyDelete
  15. Rochelle Mae T. MalvizoAugust 16, 2011 at 7:05 PM

    wow! sobrang ganda...mas ginaganahan pa ako ngayon na gumaea ng mga tula

    ReplyDelete
  16. gusto maggawa ng tula ,dahil ito ang nakakapagsaya sa akin.salamat

    ReplyDelete
  17. ang wikang pang lahat ilaw at lakas sa tuwid na landas........ ang wikang pang lahat ito wikang tagalog na gina gamit natin kapag pupunta tayo sa ibang lugar sa pilipinas .. sabi ni manuel quezon na mag karoon ng isang lengwahe upang magkaisa at naipakita sa boong mundo na kong may iisang wika, may pag kaka isa!
    minsan ay nakakalimutan na natin ang ating wika,, kaya may kasabihan ang hindi mag mahal sa sailing wikaay higit sa hayop at mabahong isda!


    john mark villaver.

    ReplyDelete
  18. Ang ganda po ng mga tula ninyo, bagamat may ibang mga salita ang hindi ko lubos maintindihan ay tumatagos pa rin sa aking puso't isipan ang mga mensahe ng tulang inyong inilalathala.

    ReplyDelete
  19. ang ganda nga po eh...ang bilis ka nakita ang assignment ko..tnx
    >_<

    ReplyDelete
  20. paano po ng tula oh plsssssssssssssss.

    ReplyDelete
  21. ndi ku msydng gtz!!!!!

    ReplyDelete
  22. MA . LIEZEL VILLANUEVAAugust 20, 2011 at 4:40 PM

    HELLO POH ANG TULA BANG ITO AY RELATED Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas ? AT ANO PO BA EXACT TITLE?

    ReplyDelete
  23. 'salamat po sa ideya.. :) hehe.. sana manalo sa paggawa ng sanaysay.. :)hehe.. God bless..

    ReplyDelete
  24. ....thanks.... mron na kaming piyesa para sa sabayang pagbigkas...

    ReplyDelete
  25. try nyo tumingin o humanap ng kahulugan ng theme na yan gawa ko kasi sariling pag intindi

    ReplyDelete
  26. pwede pong mag pagawa ng sabayang pagbigkas

    ReplyDelete
  27. MAGALING AT MAKATANG MAKATA

    ReplyDelete
  28. ang ganda ng tulang pang pilipino talaga

    ReplyDelete
  29. ang ganda po nung tula tapos ang haba pa ;] kaso lang po, hindi po masyadong nairelate ung "ilaw at lakas sa tuwid na landas".

    ReplyDelete
  30. hihiramin q po un gawa mo..isasali q lang po sa paggawa ng tula.

    ReplyDelete
  31. .ganda.infairness...............

    ReplyDelete
  32. maari po bang magpasa ng mga sanaysay dto?

    ReplyDelete
  33. jhoybee Corda"

    ayoko sanang lisanin mo pa
    ang aking buhay sinta pagkat
    kung ako ma'y iyong lilisanin
    kalungkutan ang madarama .

    ako'y isang makata na may talentong
    pambihira nginit
    ng ikaw ay mawala
    mga pangarap ko ay dagliang nasira.

    ako ang syang may akda ng kantang awit ng kalungkutan ikaw ang tanging
    nais ng puso kong sa iyo'y nagmamahal ng
    lubusan.

    sana'y maalala mo ang isang hamak na gaya ko
    maging matagumpay man ako sa buhay hinding
    hindi magbabago ang pag ibig ko sayo.

    mahal kitah ...

    ReplyDelete
  34. "uhaw na puso"


    ikaw sana sinta nais
    kong pag alayan ng aking
    buong buhay hanggang sa
    kamatayan.

    nais kong sabihin sa iyo
    na mahal na mahal kitah
    sana'y malaman mo sinta
    sa puso kong ito ika'y nag iisa.

    sa bawat araw na nagdaraan naaalala ka
    mahal ikaw ang tibok
    ng aking puso na
    dinarasal ko sa maykapal.

    wala akong ibang hinangad
    kundi ang mahalin ka ng
    tapat pagkat sa akng buhay
    sinta ikaw ang syang lahar lahat.

    ReplyDelete
  35. "uhaw na puso"


    ikaw sana sinta nais
    kong pag alayan ng aking
    buong buhay hanggang sa
    kamatayan.

    nais kong sabihin sa iyo
    na mahal na mahal kitah
    sana'y malaman mo sinta
    sa puso kong ito ika'y nag iisa.

    sa bawat araw na nagdaraan naaalala ka
    mahal ikaw ang tibok
    ng aking puso na
    dinarasal ko sa maykapal.

    wala akong ibang hinangad
    kundi ang mahalin ka ng
    tapat pagkat sa akng buhay
    sinta ikaw ang syang lahar lahat.

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages