Orihinal na Tula sa Tagalog
Mga Halimbawa Ng Mga Tula Na May Sukat At Tugma
Si Problema
Hindi malulunod sa alak o toma,
Magaling na swimmer itong si Problema,
Bumaha man ng Gin o The Bar at Grand Ma,
Tatawanan ka lang hanggang sa magsuka!
Pagkat dalubhasa’t napakatalino,
Sa paggawa niya ng sakit ng ulo,
Si Problema’y expert at lalo ngang tuso,
Kapag nakikitang luha’y tumutulo.
Dadagdagan pa ang kumplikasyon,
Kapag nanghina ka sa kunsumisyon,
Itong simpleng bagay na may isang tanong,
Magiging sandaa’t malala ang hantong!
Huwag mong lubusin na maipakita,
Ang kahinaan mo kung nakabulagta,
Bumangong mainam sa pagkakadapa,
At i-face to face mo - lintek na problema!
Maging wais naman sa nilalakaran,
Ilingap ang mata sa lubak na daan
Kung mayroon kang pinagdaraanan,
Huwag kang tumambay, dumaan ka lamang.
Ilingon ang ulo, idilat ang mata
At dapat hasain ang utak at sigla,
Upang ang problema’y agad na mawala,
Utak paganahin, kamay ay igawa!
• Dasal na Tagalog
• Halimbawa Ng Tulang Pag-Ibig
• Tula Tungkol sa Kalikasan


7 Post a Comment:
meron ba awiting bayan
Super like :D
kahanga-hanga
nice!!
tahat's poem is rally nice! thanks for the author!!!
GALING NMN PO NITO :)
wala ba itong author..?
Post a Comment