Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna
Maraming salamat sa pagbisita sa blog na MGA TAGALOG NA TULA SA PILIPINAS. Ang blog na ito ay naglalaman ng mga koleksyon ng mga tagalog na tula na (maaaring) tumutugma sa diwa, damdamin at panlasa ng literatura at panitikan ng mga makabagong Pilipino dito sa bansang Pilipinas.

Ang PANITIKAN at LITERATURA ng PILIPINO sa larangan ng TULA ay ang pinakamasining at malikhain na paglalapat ng mga kalipunan o grupo ng mga salita sa wikang Tagalog. Ito ay naglalarawan ng isang diwang (maaaring) naglalaro sa isipan ng sumulat.

Ang may-akda ng Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas ay nilalang na nagnanais maghabi ng mga salita sa tagalog at isalaysay ang mga kuwento sa pamamagitan ng mga linyang may tugma at sukat (o sa malayang taludturan din) na gaya ng isang tula!

Mabuhay ang Tagalog na Tula sa Pilipinas at ang mga makatang Pilipino!

Tula in Filipino Tungkol sa Pag-ibig

Halimbawa ng Isang Tagalog na Tula Tungkol sa Pag-ibig

Ang dakila't wagas na luksong pag-ibig...
Hayan sa Pag-ibig!
ni: Avon Adarna

Heto’t iaanak, didito sa dibdib,
Ang dakila't wagas na luksong pag-ibig,
Pagsalitain dito ay hindi ang bibig,
Bagkus ay ang pusong may alsa ng pintig.

Patibukin lamang ang kanan, kaliwa,
Saka isalamin itong kaluluwa,
Kaya bang hamigin -- halakhak at tuwa,
Kung may palag namang dusa't mga luha?

Pigilin ang hinga't makipaghabulan,
Sa mundong ang ikot - singbilis ng orasan,
Lumaya sa gapos ng puso’t isipan,
Kadena'y kalagin, lipad sa ulapan!

Kung iyong nais at mamatamisin,
Iikid nang husto ang taling gupiling,
Ipakalimi mo nga ang lasang alipin,
Kagyat na manhik sa hagdang may kawing.

At huwag kalagin ang bugkos na tali,
Ikilos ang tula sa kislap ng gabi,
At kahit ang tali'y sagad na maigsi
May hihilahin kang pag-ibig sa bunyi!

'Pagkat iba't iba ang guhit ng palad,
Ang lubak mo'y baka hindi niya lubak,
Isiping mainam - hindi magkatulad,
Ang lubid ng iba'y iba ang may hawak!

Iyong makikita ang mga pagkaway,
Kung nakatingin ka sa dulo ng gabay,
At ang ngiti nila't mga bulay-bulay,
Hayaang ilibing ng layang mabuhay!

- mga tagalog na tula tungkol sa pag-ibig

35 comments:

  1. wow this is really amazing! i mean this piece of yours is just really great i hope to read some fine other work of yours...:)))

    ReplyDelete
  2. nakakabaliw naman gumawa ng tula buti ka pa!!

    ReplyDelete
  3. nice 1 hahaha

    Astig u naman gumawa.

    cnu nag akda???

    ReplyDelete
  4. how nice naman ang iyong tula sana gumwa ka pa ng marami.....

    ReplyDelete
  5. gawan mo rin ako

    ReplyDelete
  6. nice one gawa ka pa po

    ReplyDelete
  7. `ang ganda poh ;D

    ReplyDelete
  8. nice, ok ung pag kakagawa magaling

    ReplyDelete
  9. nicE...so amazing!!!.....i thnk i faLl in lOvE?...jejeje...

    ReplyDelete
  10. wala na bang ibang tula tungkol sa pag-ibig ?

    ReplyDelete
  11. wow!!!!!bga k kuray!!!!hahahaha joke gnda po ng tula hope gumwa kpa po ng madimi!!!tnx..

    ReplyDelete
  12. Ano powhz ang mensahe nung tula?<3<3...........xD

    ReplyDelete
  13. super ganda nung tula i layk it!!! basted kase ako eh joke lang hahahaha...........trip lang pero ang ganda i loom it :)

    ReplyDelete
  14. Wow namaaaaan! Nakaka- Inspire. Sa may akda, Love You! muah muah tsup tsup

    ReplyDelete
  15. ayos ah... post korin ang tula ko dito

    ReplyDelete
  16. hehehhe wew love it soo much......!!!!

    ReplyDelete
  17. jhayuuuup .. ganda men .. mwa mwa chup chup .. :*

    ReplyDelete
  18. that poem is really descriptive to someone who has a loved one.........i hope that the people who can read that poem will realize the consequence when you love someone...I'm sure that the person who can read it will inspire to that beautiful poem. thanks for that poem because i realize that not every person who has a loved one can successfully love him/her too.

    ReplyDelete
  19. salamat po swa gumawa ng poem.....!!!!!!!! may mai rerecite na po aq sa skul....... thanks a lot haha

    ReplyDelete
  20. oh kayganda ng tula..
    di ko mapigilang damdamin koy mamangha..
    cnu kaya ang gumawa? nais ko syang makilala.
    yun ay kung nais nya.
    akoy mag aantay kapag ikaY handa na.
    salamat aking tala ..^_^

    ReplyDelete
  21. nice naman pohh..hope meron pa..

    ReplyDelete
  22. tnx...may assignment na ako hahaha.......

    ReplyDelete
  23. aku rin, hahahaha

    ReplyDelete
  24. astiggggggggggggg!!!!!!!!!!
    nman!!!!!!!!!!<3

    ReplyDelete
  25. Pag-ibig Kong Nais
    Danilo C. Diaz


    Nais ko ay ikaw
    hindi man makamtan
    Palagi kong alam sa akin ay tunay,
    Pasasalamatan
    kung palad ko’y ikaw
    Ang tangi kong buhay sayo’y ibibigay.

    Nang kita’y ninais laging nasa isip
    Kayhirap maalis
    nang kabog sa dibdib,
    Kapag pumipikit kahit ilang saglit
    Ikaw ay kalakip
    sa’king panaginip.

    Nais kong pag tulog
    sa gitna ng lungkot
    Mainit mong haplos damahin sa kumot,
    Unan kang malambot na parang kayapos
    Larawan mo irog
    pang-alis ng pagod.

    Paggising ko’y nais ikaw ang kapiling
    Nais kong sambitin
    mahal ka sa akin,
    Puso ko ma’y inis mawaglit ka’y nais
    Ikaw ang pag-ibig
    sa nais kong langit.

    dcd/dodie
    15Feb2012

    ReplyDelete
  26. cg pagbutihan mo ang pag sulat ng tula kasi nakaka inloveeeeeee

    ReplyDelete
  27. meron po akong project na tula tungkol sa pag-ibig ang hirap gumawa kc d nakaranas..wew..jowkzz gusto ko po ung tula nio

    ReplyDelete
  28. napakalalim naman po!

    ReplyDelete
  29. oh!kay ganda ng tula

    ReplyDelete
  30. nice poh maganda poh ang tulang ginawa mo

    ReplyDelete
  31. tenkyu may ass. na ko

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.