Tagalog na Tula na Pambata

Halimbawa ng Pambatang Tula

Mayon Volcano
Kaygandang Pilipinas

Kaygandang Pilipinas!
ni: Avon Adarna

Sagana ang bansa sa likas na yaman,
Ang ginto at tanso ay nasa minahan,
Makakakuha rin, batong kumikinang
Sa gilid at gitna nitong kabundukan.

Magandang tanawin sa mga probinsiya,
Sa Luzon, Visayas at Mindanao nga,
Pumaitaas man o dakong ibaba,
Masisilayan mo’y tanawing may sigla.

Pagudpud sa Norte’y ipagmamalaki,
Ang mga turista ay mabibighani,
Itong Hundred Islands na nakawiwili,
Tiyak na ang lungkot, doon mapapawi.

Pumunta sa Baguio sa taas ng bundok,
Tiyak na kikilig sa lamig ng pook,
Sagada’t Banaue huwag mong ilimot
Sa mga bisita ay ating itampok.

Sa Boracay Island, tila paraiso,
Sa Cebu at Bohol, ikaw ay magtungo
At kung mapagod, huminga ng todo,
Kumain muna nga nitong halo-halo.

Humakbang ng konti, sa Mindanao naman
Itong Huluga Caves sa s’yudad ng Cagayan,
Sa Davao naroon ang tayog ng bayan,
Ang Bundok ng Apo na nagmamayabang.

Mga mamamayan, kulay kayumanggi,
Sa tuwina’y galak, sa iyo’y babati,
May halakhak pa’t luksong mga ngiti
Mga Filipino’y lagi nang mabunyi.

Kung kakain man ay aanyayahan,
Ang sinumang tao sa hapag-kainan,
Anumang pagkain ay pagsasaluhan,
May tuwang susubo asin man ang ulam.

Kahit na mahirap ang mga gawain,
Sa dagat, sa lupa at mga bukirin,
Tiyak matatapos bago pa dumilim
Mga Filipino’y hindi man dadaing.

Ang bansa kong ito, bansang Pilipinas,
Na ang katangia’y may sigla ng gilas,
Sinumang sasakop at magmamataas,
Aking itataboy, hinga ma’y mautas.

tags: filipino poems, tulang pambata

19 comments:

  1. Ipapaalam ko sa iyo kung puede sha gamitin sa pagbigkas ng tula contest ng anak ko. marmaing salamat at mabuhay ang iyong mga tula.ipagpatuloy mo lang kasi mahirap humanap sa internet ng mga tagalog na tula specially yung ganitong maganda.

    ReplyDelete
  2. pwede ko pong ipatula ito sa mga bata ,program namin ng buwan ng wika

    ReplyDelete
  3. pwede humingi ng tula tungkol sa buwan ng wika 2011-2012. Gagamitin sana namin. yung mya apat na saknong at apat na linya... salamat po.... mabuhay po kayo... ipagpatuloy po ninyo ang paggawa ng mga tulang Filipino.... cherlyn of Davao city

    ReplyDelete
  4. hala...tula lang ka nang tula....hala sige..tula ka lang....wag kang uurong

    ReplyDelete
  5. ang dami naman niyan...mahihirapan ang mga batang magsaulo niyan parang pang college...

    ReplyDelete
  6. Naku, kailangan niyo pa pong mag-aral ng tugma sa Filipino. Di niyo po napapansin na hindi magkatugma ang mga may impit na patinig. Halimbawa, hindi katugma ng probinsiya at sigla ang nga at ibaba. Ganoon din po sa iba.

    ReplyDelete
  7. Ang ganda !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!ohhhh

    ReplyDelete
  8. ako'y walang maisip...
    kundi ang mukha mong parang baluga..

    ReplyDelete
  9. talagang kahanga-hanga ang ating pilipinas.. magandang tanawin walang kupas
    sa taglay nitong ganda tiyak walang lalampas
    oh! kaya halika ka na tumira na sa pilipinas...

    san ka pa pupunta?
    kundi sa pilipinas na kay ganda
    iba't ibang lugar ay pwede makita
    na talagang sa paraiso ka madadala.

    bakit ka pa pupunta sa iba?
    kung ang pilipinas ay kumpleto na
    sa ganda ng tanawin na makikita
    tiyak ang iba ay mahahanga sa taglay nitong ganda.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Punta ka sa skwater.gandang paraiso.

      Delete
  10. pwedeng pa damihin ang tula na tungkol sa pag ibig o kayay sa pamilya!!

    ReplyDelete
  11. ipapatula ko ito sa anak ko....

    ReplyDelete
  12. oo nga po ehh ang gaganda ng mga tula at ung iba ehh nakakatuwa pa!!!

    ReplyDelete
  13. pd humingi ng tula tungkol sa sipalay city

    ReplyDelete
  14. napakaganda!! nakakatouch nmn...... ibah tlga ang pilipinas...

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages