Tanaga na Tula ng mga Filipino – Mga Halimbawa

Ang TANAGA ay isang uri o porma ng tagalog na tula na may 4 na taludtod, binubuo ng pitong pantig sa bawat taludtod at naglalaman ng isang diwa ng makata. Kadalasan itong nagtataglay ng isang tugmaan, a-a-a-a ngunit ang mga makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan na rin ng mga tugma na inipitan - a-b-b-a, salitan - a-b-a-b at sunuran a-a-b-b. Ito ay bunga ng pagiging malikhain ng mga Filipino at pagnanais na mapaunlad at madagdagan ang ating mayaman nang kultura, sining at literatura.

Magsikhay ng mabuti...

Mga Halimbawa:

KURAKOT
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.

MATAAS PA
Itong dumapong langaw
Sa tuktok ng kalabaw
Ay tiyak masisilaw,
Sa sikat na tinanaw.

SIPAG
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.

SLOW
Hindi ko rin malaman,
Hindi maunawaan
Mapurol kong isipan,
Isalang sa hasaan.

TUNAY NA YAMAN
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.

PIPI
Puso ko’y sumisigaw
May bulong na mababaw,
Hindi naman lumitaw
Tinig ko’t alingawngaw!

FILIPINO
Tagalog ang wika ko
Hindi sikat sa mundo
Ngunit lantay at wasto
At dakilang totoo.

IKAW LANG
Dasal ko sa Bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla.

PASLIT
Maraming mga bagay,
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?

TANAGA
Ang tanaga na tula
Ay sining at kultura
Tatak ng ating bansa
Hanggang wakas ng lupa.

19 comments:

  1. magandang basahin ang tula:D try mo
    heheheh...

    ReplyDelete
  2. agree aqouh dun xa unang tanaga
    hahahaha;))))))))))))))))

    ReplyDelete
  3. ang gnda na mang
    basahin:))))

    ReplyDelete
  4. thanks!!! report q kc 2

    ReplyDelete
  5. thanks!!! report q kc 2

    ReplyDelete
  6. Nahahanap ako ng sample na tula. Para sa assignment ng student ko.

    ReplyDelete
  7. hahahah .. sana marami pah ..

    ReplyDelete
  8. ang hirap mag tanaga
    isip ko ay na taga
    dala dala talaga
    haggang aking pag tanda

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages