Tula Tungkol sa El Filibusterismo at Noli Me Tangere

Noli me Tangere at El Filibusterismo

Ang tula na nagsasalaysay ng istorya kung paano nabuo ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo at Noli Me Tangere.

Dr. Jose Rizal - Ang Dakilang Awtor

Ang Hibik ni Rizal
ni: Avon Adarna


Kakambal na yata ng daing at hibik
At ng kalayaan sa dulot na sakit
Ang siklab na bunga nitong mga titik,
Ng Noli at Fili na luksong nagpainit.

Kakambal nga nitong giting ng pangalan,
Ay ang mga titik na naging ilawan
Ni Jose P. Rizal sa buhay at bayan
Na maging malaya at maging huwaran.

Sa pagsisimula nitong limbagan,
Pinag-igting sana na pag-iibigan,
May gandang simula pati katapusan
Na siyang sagisag ng puso’t isipan.

Ngunit pumaisip sa dibdib at puso
Ang Noli’y umani ng pagkabigo
Pag-asa’y nawala at lubhang naglaho
Kaya’t nagpasyang iba ang estilo.

Ang nobelang Fili ay inialay
Sa tatlong paring nagbuwis ng buhay
Gomburza ang siyang ngalang taglay,
Sa Bagumbayan nga binaril, pinatay!

El Filibusterismo ang nagpaningas
Sa apoy ng poot nitong mga armas,
Ang pananahimik ay siyang winakas
Upang makibaka ng tunay at wagas.

Ito ri’y nagsilbing tagapaghawan,
Sa mga damong munti nitong himagsikan,
Manapa’y nagdulot ng kapighatian
Sa isip ng mga ganid na dayuhan!

Ginamit ni Rizal na tinta ay dugo
Pawis ang kapalit ng lalayang ginto,
At buhay din niya ang siyang sakripisyo,
Upang makalipad, lahing Filipino!

-mga tagalog na tula

Other Searches:
• tula para sa bayan
• Philippine literature
• tulang may tugma,
• 6 na saknong, taludtod,
• filipino tula.

6 comments:

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages