Weather-weather lang yan!
El Niño sa Pilipinas |
ni: Avon Adarna
Umuusok ang lupa,
Umaso’t, nagbabaga,
Bumibirit ang liyab,
Muntik na ngang magsilab!
Ang araw’y naglalatang,
Harapan ay buyangyang
Saka nakapamaywang,
Nakanguso't mayabang!
Nag-alsa ang ligamgam,
Bumabangong mainam,
Ang hanap ay kalaban,
Sa mundo ng kawalan…
Isasaboy ang init
At pawis na malagkit
Na tila isang pagkit,
Sa balat - kumakapit!
Tameme lang ang ulan,
Ayaw munang lumaban
Ayaw mabilaukan,
Sa silab na initan…
Hintay muna ng tugma
Maglaro ng gunita
Saka punta sa gitna,
Ilabas na ang handa.
Pagkat talo ang alab,
Kung hindi pa sasalag,
Hintayin na tumalab
Saka na lang pumalag.
Umulan sana bukas…
Panalangin ng pantas
Ganyan nga ang paglutas
Sa pagpapakataas!
Luha ng ulan doon,
Na nagbuhat sa Poon,
Layang gaya ng ibon
Sadyang pana-panahon…
Laging pana-panahon!
Iba pang Tulang Tagalog:
Mga Tanaga ng mga Filipino
pwedi po bah malaman kung anong taon ito ginawa?..
ReplyDeletesinong pwede akong gawan ng tula?
ReplyDeletesana sa huli mare-realize ang message nung tula yung susunod niyo pong gagawin....hehe...
ReplyDeleteYung Iba ! Kung E Search Mo Ang TULA Palaging pa balik2 ! ANO BAYAN ???....
ReplyDeleteSana Ma'y Bagong E PoPOST Na TULA ! Para Hindi Na Pa Balik Balik !
anung taon po ito??
ReplyDeleteguhit ng palad
ReplyDeleteako ay nagpunta dito sa arabya,upang patunayan ang nasa guhit ng palad.
habang tumatagal guhit ng palad ay nabubura sa kaliwa man o sa kanan nang aking mga kamay.isang araw guhit ng mga palad ay biglang nawala.ilang araw din
na akoy balisa.
sa aking pagkabalisa napapunta ako sa banyo para jumingle laking gulat ko
guhit ng palad ko dun pala sa ibaba napunta.
o suking manghuhula pagpasensyahan mo na ako...na kung akoy magpapahula
hindi na palad ang hahawakan.
iba naman pls
ReplyDeleteNapaka husay gumawa ng tula. Sana maging kasing ganda rin ng mga tulang ito ang mga ginagawa kong tula.
ReplyDeletesino bs sng gumsws dshil msgsnds ang mga ibig dsbihin.
ReplyDeletedahil napakahusay ang gumawa
ReplyDeletenapakahusay ang gumawa nito
ReplyDeleteOk lang naman,
ReplyDeletepwede isa pang tula
ReplyDelete