Mga Gintong Kaisipan sa Florante at Laura

Halimbawa ng Tula at Awit

Francisco Balagtas - Ang Ama ng Balagtasan at Tulang Karagatan

Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas ay isang uri ng AWIT
Mga Talata mula sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas na Kapupulutan ng Aral

1
Datapwat sino ang tatarok kaya
Sa mahal mong lihim, Diyos na Dakila
Walang mangyayari sa balat ng lupa
Di may kagalingang iyong ninanasa.

2
O, pagsintang labis na makapangyarihan
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamaking lahat masunod ka lamang.

3
At yuyurakan na ang lalong dakila,
Bait katuwira’y ipanganganyaya
Buong katungkula’y wawaling-bahala
Sampu ng hininga’y ipauubaya.

4
Bihirang balita’y magtapat
Kung magkatotoo ma’y marami ang dagdag.

5
At saka madalas ilala ng tapang
Ay ang guniguning takot ng kalaban
Ang isang gererong palaring magdiwang
Mababalita na at pangingilagan.

6
Na kung maliligo’y sa tubig aagap
Nang di abutan ng tabsing sa dagat.

7
Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis
Mamamaya’y sukat tibayan ng dibdib
Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?

Florante at Laura

Sinipi at hinango mula sa orihinal na akda ng makata na si Francisco Balagtas Baltazar na Florante at Laura.

10 comments:

  1. may explanation kayo para sa ginintuang aral??

    ReplyDelete
  2. meron "ang pagmamahal ay di na nakukukuha sa pacut cute kundi sa pag papakita ng laki ng itlog mo sa laura ng buhay mo" XD

    ReplyDelete
  3. Meron ang ibig sabihin nito ay " ANG PAGIBIG AY DI NA NAKUKUHA SA PA CUTE CUTE LANG KUNDI SA PAGPAPAKITA NG LAKI NG ITLOG MO SA LAURA NG BUHAY MO" XD

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive