Nalimot na Kultura ng Filipino / Tulang Tagalog
Tunay nga bang nalimutan na ang mga tradisyon at kulturang bahagi ng ating bansa?
Rizal Monument |
ni: Avon Adarna
Ako si Luneta na ipinagpalit mo,
Doon sa Trinoma sa gitna ng barrio,
Ang aking kariktan at taglay na bango,
Inayawan mo’t nilimot ng husto!
Ako si Taguan sa bilog na buwan,
Na noon ay laging pinaglalaruan
Ngayo’y ibinaon at nakalimutan
Telenovela ang pinahalagahan.
Kami naman itong si PO at OPO,
Na nalimot mo ring sira ang pangako,
Sa wari’y nagbaon sa ilang na dulo,
At wala nang irog na isinasapuso.
Pagmamano akong wala nang halaga,
Sa kamay at noo ng bata’t matanda,
Kung paggalang naman ang bihag na dala,
Wala akong puwang sa puso at diwa.
Tradisyo’t kultura nitong Filipino,
Ay tila kasamang nawala sa uso
Ng literatura ng mga ninuno,
At ipinagpalit mo sa kinang ng bago!
Photo Credit: Wikipilipinas
ang ganda!! ganda!! ng inyong mga tula salamat po!!
ReplyDeleteako'y lubos na nasiyahan sa iyong likhang tula ^_^ ipagpatuloy ang pagsusulat..
ReplyDeleteang galing nang gumawa nang mga tula na to super mapagmahal sa bayang pilipinas sana marami pa ang mga magagandang tula na malilikha mo ang galing nungnabasa ko yung mga tula naisip ko na mahalaga pala ang sariling yaman ng bayan kaysa sa mga imported
ReplyDeleteSalamat may proyekto na ako! Kakabisaduhin ko na lang
ReplyDeletei love it most...
ReplyDeletelalo na ung line na "DOON SA TRINOMA SA GITNA NG BARRIO"
i love it..
so amazing...
galing mo po gumawa ng tula. i like the ipinagpalit mo. thanks for sharing these poems you made ! :]
ReplyDeletejust keep on making inspiring and loving poems. just continue what you've start.
ASTIG :D
ReplyDeleteSO NICE...NAPAKAGANDA NG NAIS MONG IPARATING...SANA MAPAGTANTO NG MGA TAO NA DAPAT PARIN NATING PANATILIHIN ANG SARILING ATIN...
ReplyDeletewala bang tulang binubuo ng apat na saknong at ang bawat taludtod naman ay binubuo ng labintatlong pantig?
ReplyDeletenapakamadamdamin naman ng inyong mensaheng nais ipaabot. Sana tumimo sa isip ng babasa nito.
ReplyDeleteang ganda po grabee ! lalo na yung mess. na pinaparating :))
ReplyDeletei love it.......it so beautiful poem,thanks for sharing these poem
ReplyDelete.
.
.
;)
tsk pa gawa po ng katinig lng ang hulihan
ReplyDeletepwed po bang mahiram??
ReplyDeletedahil sa tulang ito,maaalala ng bawat mamamayan kuna gaano kaimportante ang ating bansa.
ReplyDeletewatever...but i like it..:)
ReplyDeleteprang di nman atah tamah ang sukat.,.?:(
ReplyDeleteNapakahusay!! BRAVO :D .. Bilang mag aaral na ginagawang libangan ang pag gawa ng tula ako ay lalong nainspire dahil sa ginawa mong tula Sana Itong mensahe ay Lalu pang Tumatak sa isipan ng lahat (^_^)
ReplyDelete---Batula
napakaganda ng iyong tula ^^
ReplyDeletewwow ang gnda nmn po ng tula....hai slamat nkahanap na aq ng tula...maY project na aq..hhehe..mimimuryahin ko na lng..
ReplyDeletekorak!
ReplyDeleteang gnda gnda kaso bawal kmi kmuha sa internet sayang ang gnda gnda tlaga....
ReplyDelete