Tula Tungkol sa Teknolohiya

Halimbawa ng Tagalog na Tula sa Teknolohiya
"Teknolohiya nga ba ang sumisira sa kalikasan?"
mundo teknology
Kuha sa Wall•E
Sa Ngiti ng Teknolohiya
ni: Avon Adarna

I
Panahong lumipas ang nagdalang-tao
Sa teknolohiya nitong bagong mundo,
Pangangailangan ang nag-anak dito
Upang mailuwal ang lahat ng uso.

II
Ang teknolohiya ng daigdig natin,
Ang siglang bumago sa mundong madilim
Gumaang ang bigat ng di kayang dalhin,
At isang pindot lang, tapos ang gawain.

III
At sa halos lahat ng mga larangan,
May teknolohiyang sasagip sa bayan,
Ngunit kaalinsabay nitong kaunlaran,
Iniluluwal din – sirang kalikasan!

IV
Saan ba nagbuhat itong gumigiba
Sa kapaligiran ng mundo at bansa
Itong kalikasang dating mapayapa
Sinong gumipiling, sinong nagpaluha?

V
Sa ngiti ng unlad ng bagong ginhawa,
Ay luhang dalisdis ng pinakaaba,
Abang kalikasan na kumakalinga
Sinirang mabilis ng teknolohiya.

-mgatagalognatulasapilipinas

Depinisyon ng mga Salita

mailuwal – maipanganak, mailabas mula sa sinapupunan.

Ginagamit sa tula upang magkaroon ng buhay ang isang bagay na walang buhay. Sa tagalog na tula “ Sa Ngiti ng Teknolohiya”, ginamit ang salitang “mailuwal” upang bigyang-buhay ang mga product ng teknolohiya (technology) na nauuso tulad ng computer, cellphone, i-pad at kung anu-ano pang gadgets. Sa tula, mas buhay ang imahe na inilarawang lumabas ang mga produktong ito galing sa sinapupunan ng teknolohiya.

Halimbawa:
- Hindi mapakali si Victor hanggang hindi nailuluwal ni Clara ang sanggol.
- Nagkaroon ng matinding epekto sa kalikasan nang mailuwal ang mga produktong gumagamit ng CFC.

--------------------------------------------

Related Search:

• tula tungkol sa teknolohiya
• kahulugan ng tula
• tula tagalog kalikasan
• tugma at sukat 12
• Filipino tula about technology
• tulang tagalog pangkalikasan

Iba pang tula:

0 Post a Comment:

Post a Comment

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages