Example ng Malayang Taludturan

Tula tungkol sa Halalan / Eleksyon / Botohan

eleksyon tula
Ibebenta mo ba ang iyong karapatan at dignidad?


Dahil Hindi Ako Tanga
ni: Avon Adarna

Dahil hindi ako tanga,

Iboboto ko
Ang mga pulitiko
Na puro pangako
At laging napapako.

Dahil hindi ako tanga,

Ikakampanya ko sa botohan
Ang mga kurakot ng bayan
Na walang silbi sa mamamayan
Pabigat lang sa pinapasan.

Dahil hindi ako tanga,

Maniniwala ako sa sinasabi,
Ng mga kandidatong
Tila wala sa sarili
Ang pagmumuni-muni.

Dahil hindi ako tanga,

Yayakapin ko at kakamayan,
Ang mga kandidatong magsusulputan
Sa aming bakuran
Para sa kampanya ng halalan.

Dahil hindi ako tanga,

Ipaglalaban ko’t paninindigan,
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ang mga plataporma
Na alam kong ningas kugon lamang.

At dahil hindi ako tanga,

Tatanggapin ko ang barya
Na pinagbentahan
Ng aking prinsipyo’t karangalan…

Dahil hindi ako tanga

-mga tagalog na tula

Kahulugan ng mga Salita:

Ang salitang “tanga” ay hindi isang pagmumura. Ang kahulugan ng salitang “tanga” ay gunggong, walang muwang, mangmang, maang o inosente, ayon sa Bagong Diksyunaryo ng Filipino-Filipino (Filipino to Filipino Dictionary) ni Julio F. Silverio.

Halimbawa sa Pangungusap:

Ako’y maituturing na isang tanga pagdating sa larangan ng paglikha ng mga tula.

Iba pang Tula sa Malayang Taludturan:

Pagtatapos - Tagalog na Tula sa Malayang Taludturan

0 Post a Comment:

Post a Comment

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages