Tagalog na Tula sa Malayang Taludturan

Halimbawa ng Tula sa Tuluyan

"Kapag dumating na tayo sa takipsilim ng ating panahon ay hindi na natin maaaring ibalik ang kahapon. Ipinakikita lamang ng Tagalog na tula na ang buhay ay sadyang maiksi lamang."

ilog ng buhay
Ang ilog ng buhay.
Pagtatapos
ni: Avon Adarna

Narating ko ang isang ilog,
Nagkiwal at ilang
Na tila hindi pa nalalanguyan
Ng kahit na sinong nilalang.

Huminto ako ng sandali
Na ibig lunurin ang sarili
Sa katahimikan
At pagmumuni-muni…

Lumuklok ako
Sa isang malaking bato
Na nag-usli sa gilid
Ng ilog na daigdig.

Pawisan ang noo
At makirot ang katawan
Sa nilakbay na mundo
Ng dilim at kapalaran.

Dumukwang ako
Sa ilog ng buhay.
Ngunit sandali lamang
Ako’y natigilan…
May biglang sumigaw!

Tatawirin ko na sana
Ang lapad ng ilog,
Inawat ng tinig
Na buo’t malamig.

Hanggang diyan na lamang
Ang iyong paglalakbay,
Narating mo na ang rurok
Ng iyong pag-iral
Narito ang tuldok
Sa mga talata
At pangungusap
Na sinikap
At iyong pinalaganap.

Hindi ka na makatatawid
Sa ilog na daigdig
Ni makababalik
Sa daang dalisdis!

-mgatagalognatulasapilipinas2012

Kahulugan ng Malalim na Salita:

1. kiwal – lihis, hugis na parang bituka, paliku-liko, zigzag

Halimbawa:
Ang daan patungong Baguio ay pakiwal-kiwal kaya nahilo sa biyahe ang buntis.

2. lumuklok – umupo, lumikmo

Halimbawa:
Agad na lumuklok sa upuang bakal ang kargador sa piyer.

3. dalisdis - daang pababa at paliko

Halimbawa:
Ang dalisdis na daan at ang pagkakaulan ang dahilan ng aksidente kanina.

--------------------------------------------

Related Search:
• tula sa tuluyan
• madamdaming tula
• tula tungkol sa kamatayan ng tao
• tagalog na malayang taludturan
• halimbawa ng malayang tula
• Filipino poems

Iba pang Tula:

Isang Halimbawa ng Tula sa Tuluyan
Malayang Taludturan na Tula

Photo Credit: mongabay.com

1 comment:

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive