Mga Tula na may Isahang Saknong

Mga Tagalog na Tula ng Pag-ibig

"Pag-ibig ang siyang sasagip sa mundo."

tula with picture
Ako'y Iyo, Ika'y Akin
I
LIGAW
Aking tinawid ang labing-isang dagat,
Itong mga bundok ay aking inakyat,
Upang itong OO - makitang sumikat,
Sa irog kong ibig na mapasapalad.

II
AKO’Y IYO
Gawin mong alipin itong aking puso,
Sa kadiliman nga ay gawin mong sulo,
Sa sibat ng unos dito ka magtago
Pagkat ang dibdib ko at ako ay iyo!

III
NGITI MO
Ang ngiti mo’y ilaw sa dilim kong sadlak
Sa aking umaga ay siglang pantulak
Sa tanghali’t hapon ay aking kayakap,
Upang ang kalsada, pumatag ang lubak!

IV
LUHA
Sugatan man ako sa pakikipaglaban,
Sa imbing daigdig nitong kapalaran,
Ako’y babangon pa sa kinasadlakan
Upang ang luha mo ay aking pahiran!

V
IKAW
Ikaw nga ang aking ngiti at halakhak,
Sa lungkot ay aking ligaya at galak,
Sa sakit na dulot nitong mga hirap,
Ikaw ang sigla sa buhay kong salat!

---mga tagalog na tula

Kahulugan ng mga Salita:

sadlak - lugmok, lupasay, kinapuntahan, handusay

Halimbawa:
Tila nasadlak sa kumunoy si Nena nang mapangasawa niya si Felipe.

--------------------------------------------

Related Search:

• Isang stanza
• apat na taludtod na may sukat at tugma
• Isahang saknong

Iba Pang Tula:

Bukas ko Isa-isang Itatapon

3 comments:

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive