Ngiti at Luha |
NGITI
ni: Julyhet Roque
Ang ngiti sa iyong labi ay huwag mong iwawaglit,
Pagkat ito sa iba’y kapayapaan ang hatid.
Huwag hahayaang sa iba’y ipagkait
Kahit saang dako ikaw makarating.
Ang biloy sa iyong pisngi,kapag ika’y nakangiti
Para kang inosenteng munting sanggol
Na sa duyan naka imbi
Hayaan mo lamang habang lumalaki
At sa buhay mo ay maging bahagi.
LUHA
ni: Julyhet Roque
Luha ay pumapatak,kapag ika’y nasasaktan
Maaari din naming n ito’y sa sobrang galak,
At kapag nakita ng kapwa na hirang
Kasunod na nito Ang paglingang ganap.
Agad magtatanong kung ano ang nangyari?
May problema ka ba? O May umaapi?
Maaari din naman na may sumasakit
O hindi matiis ang bigat ng dibdib .
Pero mas masarap na ika’y lumuha
Nang dahil sa tuwa at sobrang galak
Dahil sa biyaya na iyong natanggap
Kaya’ t sa pasalama’t ang luha’y pumatak.
Ngunit mas masarap na ika’y lumuha
At ito’y pahirin ng mahal mong sinta
Na nasa iyong tabi, Kasabay ang sabing,
HINDI KA NA LULUHA PANG MULI.
Submitted Filipino Poem – Ngiti at Luha - ni Julyhet Roque
0 Post a Comment:
Post a Comment
Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.