ISANG TULA PARA SA MASA

Ang politika at politiko dito sa ating bansa ay isang institusyong nangangailangan ng masusing pagbabago hindi lamang sa bulok na sistemang nakakubkob dito kundi sa nakaririnding kasamaan na lumalaganap. Narito ang isang tula sa tagalog na tungkol sa mga pulitiko at sa politika ng bansang Pilipinas.

Ang orihinal na tula ay maging inspirasyon sana sa lahat upang magsalita at lumaban sa oras na pakiramdam natin ay tinatapakan tayo ng mga higanteng lider ng bansa.

Ano'ng ginagawa ng pamahalaan?

MGA HAYOP SA PILIPINAS
ni: Avon Adarna

Labing-apat na hayop, nagtumaas, nagtumayog,
Nagharing uri sa pedestal at bantayog,
Niyukuran, tiningala, sinamba't sinunod,
Yaman, kapangyarihan ang sa kanila’y bumusog.

Masang alipin ‘di na alam kung saan susuling,
Pumurol na ang tabak, natunaw sa libing.
Ang ganti sa hagupit ng hayop na kapiling
Mga piping hiyaw, mga luhang haling!

Tangả ang sisira sa kalawang na bakal,
Yuyurakan ka kahit na luhuran,
Timawang hayop sa gutom ay basal,
Walang pagkilala kay Bathala at dasal!

Sa hukom ng Hari doon ang higanti,
Pagsibol ng araw sa dilim ng gabi,
Mga hayop na busog at mga nakangisi,
Sa apoy ng impiyerno, hahantong sa huli!

Maraming lider ng bansa ang nagtamasa ng katakut-takot na yaman na ninakaw sa kaban ng bayan. Mga yaman ng bansang hindi napakinabangan ng nakararaming mga mahihirap. Ang masang Pilipino'y isang pulubing nakatanghod sa isang panginoong hindi marunong maawa. Hindi nakauunawa ng higit na kahulugan ng salitang pag-ibig.

Ipagwalang-bahala man ito ng mga nakapaligid, umaasa akong sa mga huling araw at sa araw ng paghuhukom ay haharap sila sa tunay na Panginoon na maraming daing at pagsisisi ngunit hindi NIYA sila pakikinggan.

Ang tulang tagalog na ito ay inihahandog sa mga Pilipinong pasan ang hirap ng buhay.

18 comments:

  1. Ang drama! T_T de loko lang :D

    ReplyDelete
  2. dapat yan sinusunog....

    ReplyDelete
  3. nice one... sana story naman tungkol sa mga ninuno yung gawin natin.... kailangan kasi sa assignment namin ehh.....

    ReplyDelete
  4. napaka gandang tula nito..!tamaan na dapat tamaan

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama!grabe talaga mga hayop na namumuno dito sa bansa.mabuti na lang lingkod ng diyos ang namumuno dito sa lugar namin

      Delete
  5. dapat po lahat kumilos 'wag po lahat iasa sa gobyerno.

    ReplyDelete
  6. tama yan maraming tao ang namamatay dahil sa kahirapan di man lang nakatikim ng kaginhawahan sa buhay sana meron pa

    ReplyDelete
  7. haha!! oo nga eeh! =3 ewan ko sa kanila... mag papabuntis kase, wala sa edad nila.. san ka pa? sila rin ang pumipili kung anong gusto nilang buhay.. kawawa yung anak nila.. (sabay ipapalaglag) sakit! kasalanan din yun ha? XD ayos!!! marami na ang mahirap sa Pilipinas.. haayzz.. :(

    ReplyDelete
  8. =3 kase.. dahil sa kanila rin yan kung anong gusto nilang kalalabasan ng buhay nila.. magpapa buntis ng wala sa tamang edad, hindi mapigilan?? pwes PIGILAN mo kung gusto niyong may maayos na pamumuhay, kahit manlang makapaggtapos sa pag aaral?? divah? :)

    ReplyDelete
  9. tignan mo naman ang salungat
    di ba't ginawa nila ang lahat
    hindi mo ba nakita yon?
    kaya simulan mo na ngayon....:)

    ReplyDelete
  10. ito totoo
    walang pagbababago
    tong mundong to
    kung meron man
    tungo sa kasamaan
    di panga sa kabutihan

    ReplyDelete
  11. time change everything change.wag mawalan ng pag asa. sumabay lng sa agos ng buhay. sasakit lng ulo neo pag iisipin neo lahat ng problema ^^

    ReplyDelete
  12. gusto ko yng tula na 2

    ReplyDelete
  13. gusto ko na dapat alagaan natin ang ating bansa

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive