TULANG TUNGKOL SA RELASYON


UNDER DE SAYA
ni: Avon Adarna

Hatinggabi na ng ikaw ay dumating,
Lagabag ng pinto'ng sa aki'y gumising,
Suray ng aninong naglaro sa dilim,
Tanda lamang giliw na ikaw ay lasing!

Bigla ang kabang pumasok sa diwa,
Batid ko na hirang ang mangyayaring kusa,
Kumawalang ungol sa iyong hininga,
Hudyat nito'y ako na naman ang kawawa.

Suntok mo sa aki'y di na alintana,
Pagkat pagsamo ko'y wala ring halaga.
Sige lamang... sige, sapak mo at sipa,
Maghihintay ako hanggang sa magsawa!

Wala ka na bang natitirang bait,
Awa't pagmamahal wala rin sa dibdib,
Ang kaluluwa ba'y sadyang mapanlupig
Di ka naaawa, sagad ka sa lupit!

Bukas ng umaga'y maghihilom din naman,
Sugat, mga galos, pasa sa katawan,
Bukas ng umaga'y mawawala rin naman,
Ang init ng alak sa iyong katawan.

Ang akin lamang ipinakikiusap,
Baka nawawala sa iyong ulirat,
Ako pa rin siyang naghaharing-sukat
AKO ANG LALAKI BAKIT NAGHIHIRAP?

image: http://www.batteredhusbandssupport.com/

12 comments:

  1. hahahahaha. . . . under de saya nga!!!bkt mo nman naisipan gumawa ng tula n ganyan???

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahahahah nice nice nice,.. ang galing

      Delete
  2. hahaha,galing..gawa ka pa
    para sa iyong mga tagahanga!

    ReplyDelete
  3. siga yun ahhhh :DD ... ♥ :)

    ReplyDelete
  4. charr !! nce 1 ..i lke it :D <3

    ReplyDelete
  5. charr !! nce 1 ..i lke it :D <3

    ReplyDelete
  6. tula naman tungkol sa pagsasama at paghihiwalay ng mga mag asawa

    ReplyDelete
  7. galing super Love it :)

    ReplyDelete
  8. Wow. Super like talaga :)

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive