Kaygandang Pilipinas |
Kaygandang Pilipinas!
ni: Avon Adarna
Sagana ang bansa sa likas na yaman,
Ang ginto at tanso ay nasa minahan,
Makakakuha rin, batong kumikinang
Sa gilid at gitna nitong kabundukan.
Magandang tanawin sa mga probinsiya,
Sa Luzon, Visayas at Mindanao nga,
Pumaitaas man o dakong ibaba,
Masisilayan mo’y tanawing may sigla.
Pagudpud sa Norte’y ipagmamalaki,
Ang mga turista ay mabibighani,
Itong Hundred Islands na nakawiwili,
Tiyak na ang lungkot, doon mapapawi.
Pumunta sa Baguio sa taas ng bundok,
Tiyak na kikilig sa lamig ng pook,
Sagada’t Banaue huwag mong ilimot
Sa mga bisita ay ating itampok.
Sa Boracay Island, tila paraiso,
Sa Cebu at Bohol, ikaw ay magtungo
At kung mapagod, huminga ng todo,
Kumain muna nga nitong halo-halo.
Humakbang ng konti, sa Mindanao naman
Itong Huluga Caves sa s’yudad ng Cagayan,
Sa Davao naroon ang tayog ng bayan,
Ang Bundok ng Apo na nagmamayabang.
Mga mamamayan, kulay kayumanggi,
Sa tuwina’y galak, sa iyo’y babati,
May halakhak pa’t luksong mga ngiti
Mga Filipino’y lagi nang mabunyi.
Kung kakain man ay aanyayahan,
Ang sinumang tao sa hapag-kainan,
Anumang pagkain ay pagsasaluhan,
May tuwang susubo asin man ang ulam.
Kahit na mahirap ang mga gawain,
Sa dagat, sa lupa at mga bukirin,
Tiyak matatapos bago pa dumilim
Mga Filipino’y hindi man dadaing.
Ang bansa kong ito, bansang Pilipinas,
Na ang katangia’y may sigla ng gilas,
Sinumang sasakop at magmamataas,
Aking itataboy, hinga ma’y mautas.
tags: filipino poems, tulang pambata
Ipapaalam ko sa iyo kung puede sha gamitin sa pagbigkas ng tula contest ng anak ko. marmaing salamat at mabuhay ang iyong mga tula.ipagpatuloy mo lang kasi mahirap humanap sa internet ng mga tagalog na tula specially yung ganitong maganda.
ReplyDeletepwede ko pong ipatula ito sa mga bata ,program namin ng buwan ng wika
ReplyDeletepwede humingi ng tula tungkol sa buwan ng wika 2011-2012. Gagamitin sana namin. yung mya apat na saknong at apat na linya... salamat po.... mabuhay po kayo... ipagpatuloy po ninyo ang paggawa ng mga tulang Filipino.... cherlyn of Davao city
ReplyDeletehala...tula lang ka nang tula....hala sige..tula ka lang....wag kang uurong
ReplyDeleteang dami naman niyan...mahihirapan ang mga batang magsaulo niyan parang pang college...
ReplyDeleteNaku, kailangan niyo pa pong mag-aral ng tugma sa Filipino. Di niyo po napapansin na hindi magkatugma ang mga may impit na patinig. Halimbawa, hindi katugma ng probinsiya at sigla ang nga at ibaba. Ganoon din po sa iba.
ReplyDeleteAng ganda !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!ohhhh
ReplyDeleteako'y walang maisip...
ReplyDeletekundi ang mukha mong parang baluga..
talagang kahanga-hanga ang ating pilipinas.. magandang tanawin walang kupas
ReplyDeletesa taglay nitong ganda tiyak walang lalampas
oh! kaya halika ka na tumira na sa pilipinas...
san ka pa pupunta?
kundi sa pilipinas na kay ganda
iba't ibang lugar ay pwede makita
na talagang sa paraiso ka madadala.
bakit ka pa pupunta sa iba?
kung ang pilipinas ay kumpleto na
sa ganda ng tanawin na makikita
tiyak ang iba ay mahahanga sa taglay nitong ganda.
Punta ka sa skwater.gandang paraiso.
Deletenice one!!!!!!
ReplyDeletehi
ReplyDeletepwedeng pa damihin ang tula na tungkol sa pag ibig o kayay sa pamilya!!
ReplyDeleteipapatula ko ito sa anak ko....
ReplyDeletenice p0
ReplyDeleteoo nga po ehh ang gaganda ng mga tula at ung iba ehh nakakatuwa pa!!!
ReplyDeletepd humingi ng tula tungkol sa sipalay city
ReplyDeletepwwede iln gusto mo?
Deletenapakaganda!! nakakatouch nmn...... ibah tlga ang pilipinas...
ReplyDelete