Showing posts with label Pag-ibig. Show all posts
Showing posts with label Pag-ibig. Show all posts

TAGALOG NA TULA | PAG-IBIG

Tula Tungkol sa Pag-ibig

"Ang pag-ibig ay mapagpahinuhod, at magandang loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan; Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis...." -1 CORINTO 13:4-8



PUGAD NG PAG-IBIG
ni: Avon Adarna

Pag-ibig anila'y bulag ang kahambing,
Hindi nakakikilala ng pangit at matsing,
At kahit pa nga magdildil ng asin,
Duling na sa gutom, maligaya pa rin!

Ganyan bang pag-ibig... martir at dakila?
Sa wari'y bayani't sundalo ng digma,
Sugatan ma't lumpo, lalaban ng kusa
Ipakikibaka bansang sinisinta.

Walang pasubaling ganyan ang katulad
Ng magkasintahang nasa isang pugad,
Hindi papipigil harangan man ng sibat,
Pagkat alipin na ng pusong bumihag!

Ngunit kung minsan nga'y iba ang pag-ibig,
Humugis na talim - gahaman at ganid,
Kumikitil ito, sa buhay pasakit,
Luluha ka lamang ng dugo at putik!

At magkaminsan pa'y hatid nito'y sama,
Kasalanan ang siyang dala nitong bunga,
Buhay ng pag-ibig wala ngang kapara
Salimuot ng gulo, magulong dakila!

-mga tagalog na tula

"Ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig. "

1 Corinto 13:4

Tulang tagalog na iniaalay sa lahat ng mga umiibig!
Magpatuloy →

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive