MAKABAGONG TULA ALAY SA BORACAY


Boracay Island - The Paradise Island


Boracay Island ay isang paraiso,
Tanyag sa Japanese, Chinese, Amerikano,
Pumupunta rin pati Aprikano
Hanap ay Boracay kahit mga Negro.

Sumikat ang Pinoy at ang Pilipinas
Sa tourism ay tanyag at pumapagaspas,
Pagkat ang imahe ay tila sa hiyas,
Sa krisis at hirap parang ika'y lunas!

Maimbay ang alon sa Boracay Island,
Humihintong kusa sa dulo ng white sand,
Sa gitna ng dagat, ang dalampasigan
Naukit ang lihim nitong kagandahan.

Ang bato-balani sa mga turista,
Laging nadadaig, parang hinihila,
Sila’y naaakit sa taglay mong ganda,
Parang sa dalaga, kinis porselana.

Cottages sa beach, resort na may hotel,
Sa Boracay makikita pati mga model,
Naka two-piece-bikini kahit na may muscle,
Lulubog sa ilalim suot ang snorkel.

Kung sa umaga’y kayganda mong dilag,
Ikaw na Boracay, laging naglalayag,
Sa gabi naman, ikaw batong buhay,
Hindi ka natutulog, hindi naglulubay.

May beerhouse, nightclub, saka mga disco,
Boracay ay libang na nakalalango,
Ang mga dayuhan, mga bisita mo,
Sa lalim ng gabi’y lasing sigurado.

Ang mga bugaw, may sariling diskarte
Mayro’n silang offer, hindi ka tatanggi
Mura lang ang aliw, kung nais ng lalaki
Ingat ka lang Pare, baka makuryente.

Kaya pumunta ka dito sa Boracay,
Walang pasubaling masaya ang buhay,
Ngiti sa pag-uwi lubusan mong taglay,
Kapalit ng pera mong inutang sa Bumbay!

BORACAY - PARAISONG BUHAY!

2 comments:

  1. I translated this poem into Aklanon. Please see this link:

    http://owatkamatayonngabinaeaybaysagugma.blogspot.com/

    ReplyDelete
  2. well, the poem was quiet good. Para tuloy ang sarar pumunta sa Boracry Island.

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages