Example ng Tulang may Sukat at Tugma

Nalimot na Kultura ng Filipino / Tulang Tagalog

Tunay nga bang nalimutan na ang mga tradisyon at kulturang bahagi ng ating bansa?

Rizal Park Monumento
Rizal Monument
Ipinagpalit Mo
ni: Avon Adarna

Ako si Luneta na ipinagpalit mo,
Doon sa Trinoma sa gitna ng barrio,
Ang aking kariktan at taglay na bango,
Inayawan mo’t nilimot ng husto!

Ako si Taguan sa bilog na buwan,
Na noon ay laging pinaglalaruan
Ngayo’y ibinaon at nakalimutan
Telenovela ang pinahalagahan.

Kami naman itong si PO at OPO,
Na nalimot mo ring sira ang pangako,
Sa wari’y nagbaon sa ilang na dulo,
At wala nang irog na isinasapuso.

Pagmamano akong wala nang halaga,
Sa kamay at noo ng bata’t matanda,
Kung paggalang naman ang bihag na dala,
Wala akong puwang sa puso at diwa.

Tradisyo’t kultura nitong Filipino,
Ay tila kasamang nawala sa uso
Ng literatura ng mga ninuno,
At ipinagpalit mo sa kinang ng bago!

Photo Credit: Wikipilipinas

22 comments:

  1. ang ganda!! ganda!! ng inyong mga tula salamat po!!

    ReplyDelete
  2. ako'y lubos na nasiyahan sa iyong likhang tula ^_^ ipagpatuloy ang pagsusulat..

    ReplyDelete
  3. ang galing nang gumawa nang mga tula na to super mapagmahal sa bayang pilipinas sana marami pa ang mga magagandang tula na malilikha mo ang galing nungnabasa ko yung mga tula naisip ko na mahalaga pala ang sariling yaman ng bayan kaysa sa mga imported

    ReplyDelete
  4. Salamat may proyekto na ako! Kakabisaduhin ko na lang

    ReplyDelete
  5. i love it most...
    lalo na ung line na "DOON SA TRINOMA SA GITNA NG BARRIO"
    i love it..
    so amazing...

    ReplyDelete
  6. galing mo po gumawa ng tula. i like the ipinagpalit mo. thanks for sharing these poems you made ! :]

    just keep on making inspiring and loving poems. just continue what you've start.

    ReplyDelete
  7. SO NICE...NAPAKAGANDA NG NAIS MONG IPARATING...SANA MAPAGTANTO NG MGA TAO NA DAPAT PARIN NATING PANATILIHIN ANG SARILING ATIN...

    ReplyDelete
  8. wala bang tulang binubuo ng apat na saknong at ang bawat taludtod naman ay binubuo ng labintatlong pantig?

    ReplyDelete
  9. napakamadamdamin naman ng inyong mensaheng nais ipaabot. Sana tumimo sa isip ng babasa nito.

    ReplyDelete
  10. ang ganda po grabee ! lalo na yung mess. na pinaparating :))

    ReplyDelete
  11. i love it.......it so beautiful poem,thanks for sharing these poem
    .
    .
    .
    ;)

    ReplyDelete
  12. tsk pa gawa po ng katinig lng ang hulihan

    ReplyDelete
  13. pwed po bang mahiram??

    ReplyDelete
  14. dahil sa tulang ito,maaalala ng bawat mamamayan kuna gaano kaimportante ang ating bansa.

    ReplyDelete
  15. watever...but i like it..:)

    ReplyDelete
  16. prang di nman atah tamah ang sukat.,.?:(

    ReplyDelete
  17. Napakahusay!! BRAVO :D .. Bilang mag aaral na ginagawang libangan ang pag gawa ng tula ako ay lalong nainspire dahil sa ginawa mong tula Sana Itong mensahe ay Lalu pang Tumatak sa isipan ng lahat (^_^)

    ---Batula

    ReplyDelete
  18. napakaganda ng iyong tula ^^

    ReplyDelete
  19. wwow ang gnda nmn po ng tula....hai slamat nkahanap na aq ng tula...maY project na aq..hhehe..mimimuryahin ko na lng..

    ReplyDelete
  20. ang gnda gnda kaso bawal kmi kmuha sa internet sayang ang gnda gnda tlaga....

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages