Maiksing Tula sa Malayang Taludturan

Tula sa Filipino na Walang Sukat 

"Maaari pang magbago ang tao kahit gaano siya kasama."

Itapon at Pagsisihan ang mga Kasalanan
Bukas ko Isa-isang Itatapon
ni: Avon Adarna

Bukas ko isa-isang itatapon
Ang mga multo ng kahapon,
Isasapi ko sa mga alon,
Ang luha kong bumabalong.

Harinawang magtagumpay
Sa pag-iiba nitong lakbay,
Kasihan sana ang saysay,
Nang mawala itong lumbay!

Ang dumi kong kalooban,
Ilalaglag ko sa daan,
Pagbalik ko sa hangganan,
Iba na akong nilalang!

At sa puti ng alapaap,
Harinawang tumalab,
At makita ang kislap,
Nitong Poong maliyag!

---mga tagalog na tula sa Pilipinas

Kahulugan ng mga Salita:

kasihan - kampihan, samahan, alalayan, sapian.

Halimbawa:
Ako sana ay kasihan ng Poong Maykapal sa aking gawain.
Kinasihan sila ng Espiritu Santo sa kanilang paglalakbay.

--------------------------------------------

Related Search:

• malayang taludtod
• walang sukat
• may tugma, walang sukat ang pantig

Iba Pang Tula:

Isang Tula sa Tagalog 

Photo Credit

7 comments:

  1. kaygandang tula...tila ata matagal kang di nakapag-update sir?

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwede po ba kaung gumawa ng isang nobela tungkol sa isang mtaong marami ang karanasan sa buhay...aking pong hihintayin...salamat

      Delete
  2. Maaari po ba kayong maglagay ng talambuhay ni Avon Adarna o kung sino po akda, manunulat, author o may katha ng tulang ito?

    ReplyDelete
  3. oo nga pohhhh,,, cno c avon adarna

    ReplyDelete
  4. wow...nice po ang tula,,sino po ba si Avon Adarna na yan,pwd po ba kayung maglagay ng talambuhay niya.

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages