Hihintayin pa bang maging ganito ang mundo? |
BASURA
ni: Julyhet Roque
Kahit saan makikita , sa daan maging sa mga eskinita,,
Lalo na sa mga kanal at estero
Kung baga sa artista sikat na sikat ito
Lalo’t binabaha ang paligid ninyo.
Anu nga ba itong tinutukoy ko
Na sa buhay natin ang laki ng epekto
Lalo na’t bumabaha tangay tangay ito
Maging sa mga bahay ay bumabalik ito.
Basura , epekto kawalan ng disiplina
Tapon dito, tapon doon ang gawa natin tuwina.
Imbes na itapon ng tama at wasto
Bakit di nating gawin na isegregeyt ito.
Ang mga basura bago sana itapon
Piliin at tiyak may pakinabang pa dito
Mga bote at lata ay pwedeng gawing plorera at paso
At I compost naman ang mga pinagbalatan mo.
Hay naku! O, Pinoy kailan ba matututo
Kawalang disiplina pinakikita mo
Sa Manila Bay naglipana
Lahat ng basurang inanod dito.
Tone-toneladang nakatambak dito
Nagmula kung saan-saang dako.
Kung ano-ano’ng nagkahalo-halo
Minsan nga’y may nasasama pang patay na tao.
Basura mo, basura ko
Itapon natin ng wasto
Nang ang paligid maging
Kaaya-aya ng husto.
Basura - Submitted Filipino Poem Tungkol sa Kalikasan - ni Julyhet Roque
Image Courtesy: Filipino Quotes
Filipino Poems Tungkol sa Kalikasan
ang galing
ReplyDelete