Nagsulat ng maraming tula ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal. Ang isa sa kanyang naisulat na tula (originally written in Spanish) ay Pinatutula Ako na may original na pamagat sa Espanyol na Me Piden Versos. Ang Me Piden Versos ay may literal na kahulugan na “Hinihingan ako ng Tula”. Maraming salin ng “Pinatutula Ako” and nailathala na sa iba’t ibang wika sa iba’t ibang panig ng mundo. Magpapahuli ba ang Pilipinas na siyang pinaggalingang lahi ng pambansang bayani? Isinalin sa Tagalog ni Iñigo Ed. Regalado ang tulang matutunghayan ninyo sa ibaba.
Sa mga unang taon ng pagkakahiwalay ni Rizal sa kanyang pamilya, sumulat ang kanyang ina sa kanya at humihingi ng isang tula. Dito na ibinuhos ni Rizal ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang ina. Madarama ng bawat magbabasa ng tulang ito ang labis na pagkasabik ni Pepe sa kanyang mahal na ina.
Nailathala ang tulang Me Piden Versos nang maging miyembro ng Circulo Hispano Filipino si Rizal noong October 7, 1882. Makikita ang orihinal na tula sa Espanyol (Spanish) dito: Me Piden Versos
Pinatutula Ako
ni: Gat Jose Rizal
Isinalin sa Tagalog ni Iñigo Ed. Regalado
Iyong hinihiling, lira ay tugtugin
bagaman sira na't laon nang naumid
ayaw nang tumipa ang nagtampong bagting
pati aking Musa ay nagtago narin.
Malungkot na nota ang nasnaw na himig
waring hinuhugot dusa at hinagpis
at ang alingawngaw ay umaaliwiw
sa sarili na ring puso at damdamin.
kaya nga't sa gitna niring aking hapis
yaring kalul'wa ko'y parang namamanhid.
Nagkapanahon nga ... kaipala'y, tunay
ang mga araw na matuling nagdaan
nang ako sa akong Musa'y napamahal
lagi na sa akin, ngiti'y nakalaan.
Ngunit marami nang lumipas na araw
sa aking damdamin alaala'y naiwan
katulad ng saya at kaligayahan
kapag dumaan na'y may hiwagang taglay
na mga awiting animo'y lumulutang
sa aking gunitang malabo, malamlam.
Katulad ko'y binhing binunot na tanim
sa nilagakan kong Silangang lupain
pawang lahat-lahat ay kagiliw-giliw
manirahan doo'y sayang walang maliw.
ang bayan kong ito, na lubhang marikit
sa diwa't puso ko'y hindi mawawaglit
ibong malalaya, nangagsisiawit
mulang kabundukan, lagaslas ng tubig
ang halik ng dagat sa buhangin mandin
lahat ng ito'y, hindi magmamaliw.
Nang ako'y musmos pa'y aking natutuhang
masayang batiin ang sikat ng araw
habang sa diwa ko'y waring naglalatang
silakbo ng isang kumukulong bulkan.
laon nang makata, kaya't ako nama'y
laging nagnanais na aking tawagan
sa diwa at tula, hanging nagduruyan:
"Ikalat mo lamang ang kanyang pangalan,
angking kabantugan ay ipaghiyawan
mataas, mababa'y, hayaang magpisan".
Ang Me Piden Versos ni Jose Rizal ay isinalin sa Tagalog at pinamagatang Pinatutula Ako ni Iñigo Ed. Regalado.
Followers
Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna
0 Post a Comment:
Post a Comment
Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.