Tula Tungkol sa mga Bayani ng Lahi

Paglalarawan: anyo ng tagalog na tula na malayang taludturan, tula sa tuluyan, poem about unsung heroes, Philippine poems.


NALIMOT NA KASAYSAYAN


Sa lapidang nilulumot
Ng mga bayani ng bayan,
Dito na lamang masisilayan,
Kanilang mga ipinaglaban.

Sa letra na lamang makikita
Ang kanilang mga simulain
Na hindi ipinagkait
Sa bayang marikit.

Sa malansang mukha na lamang,
Ng salapi natin masusumpungan,
Ang mga prinsipyo ng panahon
Na natabunan ng kahapon.

Sa lalim na lang ng mga ukab na semento
Ng simbahan at munisipyo,
Matatanaw ng malaya,
Ang kanilang pakikibaka.

Sa bibig ng hangal na historyan
Maririnig ng malamig
Ang kanilang mga tinig,
At ang mga daing at hinagpis.

Sa salitang namutawi
Ng mga lolo at lola,
Mababanaag ang liwayway
At ipinuhunang buhay.

Sa agos na lamang ng lumipas,
Makakapiling ng maigting
Ang kanilang pagpupunyagi
Na maituwid ang mali.

Sa rebultong nilulumot,
Doon na lamang umaamot
Ng kapiranggot na halaga
Upang maihambog doon kay Bathala!

Mensahe galing sa makata: mraming mga byani ang nkalimutan na ng mga kabataan. Kya gnawa k ang tula na ito. tnx. bye. -avonA!

12 Post a Comment:

Anonymous,  August 3, 2011 5:50 PM  

anong uri ito ng panitikan?
is it HUMANISMO?...

Anonymous,  August 7, 2011 7:37 PM  

WEW? ang baduy

Anonymous,  September 26, 2011 6:37 PM  

wlang sukat at tugma.. maalam ka ba talaga gumawa ng tula.lol
anu 'to malayang uri ng paggawang tula...

Anonymous,  October 15, 2011 8:53 PM  

ganda..grabe...thanks sa naggawa nakagawa me ng project thanks..

Anonymous,  November 25, 2011 9:32 AM  

cguro malayang taludturan.. kung walang sukat at tugma

Anonymous,  December 4, 2011 2:39 PM  

pwede na sa asss

Anonymous,  December 11, 2011 8:04 PM  

ganda naman

Anonymous,  December 14, 2011 9:24 AM  

maganda aman ang tula niya e...
khit walang tugma at sukat dahil sa isang tula MENSAHE ang mahalaga hndi sukat at tugma ..

congrats po sa gumawa ito ay napapanahon para sa ating mga kabataan lalo na sa MGA NAKALIMOT ng sa ating mga bayani...

Anonymous,  February 6, 2012 12:47 AM  

yan ba ay tugma kung yan ang tugma bakit po hindi makaparehong sukat ang mga pagtugma??o.O

Anonymous,  February 6, 2012 3:09 PM  

korny.... basic rules pa lng sa paggawa ng isang tula bagsak na...

study more =)

michael =)

neonkiosk March 28, 2012 10:55 PM  

pano ba mag share ng poems dito meron kasi akong mga poems na nagawa ehh >>


tnx sa mag reply

neonkiosk March 28, 2012 11:00 PM  

sa una nating pagkikita
tinitigan kita ng hindi maganda
at maging sa mga titig ng iyong mga mata
ay nabihag ako nito sa iyong ganda

inilihim ko iyon ng ilang saglit
nang makapiling ka lamang ng hindi binabanggit
ngunit sa inip ko`y naghangad ako ng labis
at ikaw ay nagalit at sa akin ay nainis

minahal kita, ngunit hindi mo pinagbigyan.
kahit ang puso ko`y di man lang sinubukan
naalala ko tuloy ang ating nakaraan
ngaunit sa alaala na lang iyon naiwan

nagdamdam ako bakit pa kita inibig!
kinainisan ko tuloy ang sarili ng paulit-ulit
nagbasag ng tubig sa aking mga panaginip
na naging dahilan ng aking p[agkagalit!

Post a Comment

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula!

Mga Munting Kaisipan

Kahit walang palya sa Ama Namin,
Hindi madadaan sa mga panalangin,
Kung hindi naman gumagawa ng magaling,
Mauuwi sa wala't wala pa rin!
---avonadarna

Diyos ang Sandigan

Huwag guhitan ng tandang pananong,
Kapag kinuwitan nitong Panginoon,
Mabuting tuldukan, gawan ng solusyon
At tandang padamdam kapag bumabangon!
---avonadarna

Maraming Salamat!

maraming salamat sa mga nag-iiwan
ng kumento, pagbati at mga kagustuhan,
lubos ang aking sigla't kasiyahan,
kayo ang TULA ko’t aking kagalakan!
---avonadarna

  © Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP