Alalahanin: Huwag mong gawin sa kapwa mo ang mga bagay na ayaw mong gawin sa iyo.
Huwag Padaya. |
ni: Avon Adarna
Buy and sell ng gamot
Ang trabaho ni Ama,
Na malilinawang
Siya’y tagabenta,
Bibili muna,
Sa isang Hapon
Sa Ermita
Ng gamot at mga bitamina,
At saka ibebenta,
Sa mga suki niya.
Buy and sell ng gamot,
Ang raket ni Ama,
At siya’y kumikita
Sa gawaing tagatinda,
Ngunit mag-ingat ka
Sa kanyang ibinebenta,
Lahat ng ito’y
peke naman pala.
Tubig lang at asukal
Lalagyan na ng timpla.
Buy and sell ng gamot
Ang gawain ni Ama
Nakukuha ng mura.
Sa Hapon na pabrika,
Binibili niya ng barya
Ilalako ng laksa
Sa utu-utong madla
Kahit peke naman pala,
Pati na kaha
hanggang karatula,
Buy and sell ng gamot
Ang ipinagyayabang ni Ama,
Ngunit ‘di naman alam
Nitong aking ina,
Nakatago sa kanya
Peke naman pala
Hindi nagtatanong,
Basta masaya na siya
Sa abot na intrega,
Na galing sa bulsa
Nitong mga tanga!
Buy and sell ng gamot,
Ang propesyon ni Ama,
Ito ang alam niya,
Na trabahong maganda
Ngunit ang ‘di alam ni Ama
May diabetes si Ina
At lihim din sa kanya
Nitong aking Ina
Na umiinom ng gamot
Na peke naman pala
Buy and sell ng gamot,
Ang career ni Ama,
Ngunit lihim lamang
Na peke naman pala
May lihim din naman
Itong aking Ina
Diabetes niya,
Tila lumalala
Sa pag-inom niya
Ng gamot na tinda ni Ama.
Buy and sell ng gamot
Ang gusto ni Ama,
Asukal na pula
Tubig at arina
Ang tanging laman
Ng gamot na tinda
Na ngayon ay kasama
Ng namatay kong Ina
Sa ataul na utang pa
Sa Hapon sa pabrika!
-mga tagalog na tula
Photo Credit: fakemed.com
Tags:
tula filipino
kakatuwa naman ang tula!
ReplyDelete-alyn
hahhahaha nice..naman tuwarah!!!..
ReplyDeleteang Hirap nman nyan
ReplyDeletedpat magdota nlang kau maganda pa at madali kayong makaalam
-Hunt
tnx
ReplyDeleteGusto ko po ng tulan "SI PROBLEMA"
ReplyDeletecnu po my akda
ReplyDeleteahaha!!!!!!!!!!cute ng tula!!!!!!!!!!!!!...........hehhehehe...nice naman sa gumawa.........................dapat madami pang stanzas .. nabitin po aqqqq
ReplyDeletehehehehehehehehehehehehehehehehe......
slamat at kinumpleto nyo panahunang papel qoh....
ReplyDeleteand ganda sa tula dapat nalang mag dota para masaya
ReplyDelete