Credit Picture |
Maligayang Kaarawan, Anak!
ni: Avon Adarna
Tanda ko pa noong ika'y ipanganak,
Akala ko'y anghel - sa lupa'y bumagsak,
Ngunit nang magbalik ang aking ulirat,
Ikaw pala iyan na nagbigay-galak!
Nagpapasalamat sa Diyos na tunay,
At ikaw ang anak, siyang ibinigay,
Wala ngang pagsidlan ng tuwang sumilay,
Mula ng lumabas ay naging makulay!
Lumaki kang bitbit itong kabaitan,
Maalalahani’t luksong kasipagan,
Kahit na nga tiyak na paminsan-minsan,
Ay may taglay-taglay bibong kakulitan!
Maligayang kaarawan ang sigaw kong bati!
Alagaan itong kalusugang mabuti,
Huwag pabayaan ang iyong sarili,
Upang magtagal pa ang buhay at liksi!
Kaya nga kailangan ang pagkain ng gulay,
Siyang bitamina’t sustansya ang alay,
Uminom din naman ng gatas na bigay,
At humigop nitong mainit na sabaw.
Wala akong ibang mahihiling sa iyo
Kundi maging isang tunay kang tao,
Huwag gumaya sa mga itim na oso,
Maging tuwid ka at maging totoo!
Mag-aral mabuti, huwag tatamad-tamad,
Ang gising - maaga at huwag na tumulad,
Sa bagal na kilos at kukupad-kupad,
Upang kinabukasan ay maging mapalad!
Maglalaho rin ang mga problema,
Na siyang hinaharap ng tulad mong bata,
Alamin ang sagot sa nakakatanda nga,
Kunin ang sagot sa ama at ina!
Sundin ang magulang na siyang nagpapala,
H’wag munang isipin ang pag-aasawa,
Darating din naman ang dalagang tama,
Upang mahalin ka ng tamang dakila!
Kung may suliranin sa buhay na ito
Huwag mag-atubiling kumuha ng payo,
Sa abot ng kamay at makakaya ko,
Tutulungan kita sa simula’t dulo!
Ilagi sa isip na narito kami,
Nagmamahal sa iyo sa araw at gabi,
Kapag nagkulang ka ng pera't salapi,
Iyon ang problema, walang masasabi!
Happy Birthday, Anak!
tags:
filipino poem
jejeje.. galeng naman nkaka touch.
ReplyDeleteuuhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!! <3 <3 <3......love it talaga
ReplyDeletewow!amazing masyadong nakakatouch para sa tulad kong ulila na sa ina simula nang akoy bata pa!
ReplyDeletedahil ni minsan di ko na-experience na makasama ang aking ina sa tuwing kaarawan ko!
:))))
ReplyDeleteIpapaalam ko lang po na gagamitin ko ang napakagandang tula ninyo para sa proyekto ng anak ko, maraming salamat po'
ReplyDeletejajajja nice poem..
ReplyDeleteganda nmn po nk@k@antig ng damdamin
ReplyDeleteTULA KA
ReplyDeletewala bang iba?
ReplyDeletewala na
ReplyDeletegusto ko din pong iregalo itong magandang tula ninyo para sa aking pamakin..pa shared po..tnx! =)
ReplyDeletegusto ko din pong iregalo ito sa aking pamangkin, siguradong madaming aral syang mapupulot d2 sa tulang ito..nais ko pong gamitin ito sa pag gawa ng slide show..
ReplyDelete