Pabalik-balik |
PABALIK-BALIK
ni: Avon Adarna
DAPLIS ng panahong agad na DUMAPLIS,
BALIK ang kahapong kusang BUMABALIK,
HALIK ng lumipas sa diwa’y HUMALIK,
BAKIT nagtatanong kung saan at BAKIT?
SAAN nga nagmula at kung hanggang SAAN?
Ang TANONG na laging itsang KATANUNGAN,
MALALAMAN ko ba at IPAAALAM,
SAGOT na mailap, gustong KASAGUTAN?
NILALARO pa ng diwang MAPAGLARO,
TULIRONG paglimi na kahapo’y TULIRO,
TUMIMO sa dibdib ang sakit na TUMIMO,
NAGLABO ang luha sa matang MALABO!
NAGSISI ng lubos, ako ang SINISI,
NANGYARI sa buhay at bakit NANGYARI,
SAKSI itong langit at iba pang SAKSI,
KALAHATING buhay, kulang KALAHATI!
MALILIMOT ko ba’ng ibig KALIMUTAN,
MAWALA na sana gunitang KAWALAN
Nang MAPAHINGA na sa KAPAHINGAHAN
PAGAL na katawan, dustang KAPAGALAN!
HANGGANG sa makita itong huling HANGGAN,
MAGWAKAS ang lahat nitong KAWAKASAN
Ang DUSANG dumating at PINAGDUSAHAN,
MALIMOT nang husto’t ngayo’y MALIMUTAN!
Paglalarawan: halimbawa ng tagalog na tula na halos may magkaparehong salita sa una at huling bahagi ng isang taludtod, tula na may may (12) labindalawang pantig sa bawat taludtod.
Ngaun lang pu ako nakabasa ng ganitong klase ng tula. magaling pu ang tugma.tnks
ReplyDeleteAng ganda po ng mga tula ninyo, bagamat may ibang mga salita ang hindi ko lubos maintindihan ay tumatagos pa rin sa aking puso't isipan ang mga mensahe ng tulang inyong inilalathala.
ReplyDeletesinigaw ko na ang gusto kung isigaw..
ReplyDeletegawa mo'y magandang pagkagawa...
high five!!!!!!