Isang Malayang Taludturan

Tula sa Tuluyan

Dulo Credit: Picture

Dulo
ni: Avon Adarna

Nag-aabang siya sa gilid
ng kiwal na kalsada,
Sa mga sandali ng buhay at pag-asa.
Hinihintay ang uugud-ugod
At ang mga ayaw nang tumugon
Sa pintig at tibok
At ang mga ayaw nang lumuklok
At tila nalimot
O sadyang madamot!

Nakaamba ang karit
Sa mapapapikit,
At siya'y mangangalabit
Isang saglit,
Wala na ang hininga,
Tila nabilaukan ang kaluluwa,
Lumulukso sa tuwa,
Ang lintek na luha -
Lumiligaya.

Alisto ka sa kanan
At kaliwang daraanan,
Mamamalayan na lamang
Na kaydali-dali
(Na kay-ikli-ikli)
Ng paglalakbay
Sa isang pikit-lumbay,
Wala ka nang buhay,
Wala ka nang malay.

Ilakbay sa daigdig
Ang pintig
Ng batas na nakasalig!
Ibaon ang galit
At pagkainggit
Mamuhay ng sapat!
Maging tapat!
Sa lahat!
Upang magluwat!

(Upang magluwat...)

5 comments:

  1. PAALAM
    JSS

    sa aking paggising
    ikaw ang naaalala'
    pagmamahal ko sayo'y
    hindi pa rin nawawala

    kaya sana nama'y mabatid
    itong aking pag-ibig
    na hindi mawawaglit
    kahit isang saglit

    pero ngayong wala ka
    puso ko'y nagdurusa,
    kaya kung ika'y hinahanap-hanap
    tumitingin na lamang sa alapaap

    kahit na sinasaktan mo,
    ikaw ang laging nasa puso ko,
    at kung humanap ka ng iba
    maraming salamat,paalam na

    ReplyDelete
  2. Sa Taong Aking Inibig

    Sa bagay na ipinamalas sa akin
    Puso’t kaluluwa koy natuwa
    Isang di pangkaraniwang damdamin
    Iyong itinuro sa pusong baguhan

    Ngunit sa di inaasahan meron palang iba
    Sa puso mo’y matagal nang nakatago
    Pilit kitang tinatanong kung sino itong mapalad
    Sagot mo’y wala at ako lamang

    Parang bala sa dibdib ang sakit
    Nang malaman kong meron ngang iba
    Pilit kong tinago bawat sakit sa puso
    Nagparaya ng tuluyan para sa iyong kaligayahan

    Ngayong lahat ay tapos na
    Mga alaala ang tanging natitira
    Masasayang sandali tayo’y magkasama
    Wag sanang matangay ng ibong mandaragit
    Sa mapanuksong agos ng buhay.


    sa komposisyon ni: NASSIF A. NAGAMORA

    ReplyDelete
  3. Sa Taong Aking Inibig

    Sa bagay na ipinamalas sa akin
    Puso’t kaluluwa koy natuwa
    Isang di pangkaraniwang damdamin
    Iyong itinuro sa pusong baguhan

    Ngunit sa di inaasahan meron palang iba
    Sa puso mo’y matagal nang nakatago
    Pilit kitang tinatanong kung sino itong mapalad
    Sagot mo’y wala at ako lamang

    Parang bala sa dibdib ang sakit
    Nang malaman kong meron ngang iba
    Pilit kong tinago bawat sakit sa puso
    Nagparaya ng tuluyan para sa iyong kaligayahan

    Ngayong lahat ay tapos na
    Mga alaala ang tanging natitira
    Masasayang sandali tayo’y magkasama
    Wag sanang matangay ng ibong mandaragit
    Sa mapanuksong agos ng buhay.

    ReplyDelete
  4. its lovely wonderful

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive