Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas

Isang Tula Tungkol sa Wikang Filipino

Ano Ito?
ni: Avon Adarna

“Ito ay espada sa anumang laban,
Lakas na sa wari’y sigla ng tanggulan,
At ilaw sa dilim nitong kapanglawan,
At gabay sa landas na dapat tawiran.”
Ang bagay na ito’y makintab sa langis,
Pinatalas noong panahong mabilis
May bahid ng digma’t mga pagtitiis,
Hinasa sa dila pati na hinagpis.

Ginagamit ito ng mga pulubi,
Sa daang mabilis at nagmamadali,
Kanyang pangungusap sa nagdaang hari,
Ay tinumbasan lang ng mapait na ngiti!

Mistulang sandata ng kalalakihan
Sa ibig na liyag na kadalagahan,
Sa puhunang laway sa nililigawan,
May asawa na pala nang magkabistuhan.

Ito ri’y kalsada ng mga pinuno,
Upang makarating sa nais na p’westo
Ibinabayubay bago pa maupo,
Sa masa na hayok sa bagong gobyerno.

Mga patalastas sa mga programa,
Ginagamit ito na lakas at sigla;
Mungkahing produkto ng isang artista,
Ang tibay at galing ay hindi naman pala.

Inaabuso rin nitong kabataan,
Sa pagkakahaling sa lamiyerdahan
Gawaing proyekto sa paaralan,
Ang sasabihin pa na siyang dahilan.

Ginagamit nitong mga talipandas,
Upang makaiwas sa hatol ng batas,
Sa pagkakagumon sa yaman at lakas,
Ito ang paraan ng kanilang pagtakas.

Ginagasta niyong mga kumaliwa,
Sumigaw sa kalyeng umayaw sa lisya,
Ngunit itong sagot sa mga problema,
Hindi naman nila lubos na unawa.

Sa musikang tugtog nitong mga kwerdas,
Hindi na marinig ang tunay na lakas.
Tila nagwari lang na isang alamat,
Simula ay ingay, gulo itong wakas.

At sa pagtitiis ng kabayanihan,
Tila nalimutan ang pinanggalingan,
Sa marmol na bato sa Kamaynilaan,
Doon lang naukit ang pinaghirapan...

Tagalog na Tula para sa Buwan ng Wika 2011

Previous Posts:

Original na Tagalog na Tula
Dapit-hapon
• May Sukat at Tugma

39 Post a Comment:

ivan peralta,  August 2, 2011 10:05 PM  

what is the meaning of ang filipino ay wikang panlahat? naguguluhan na nga po ako.

Anonymous,  August 3, 2011 8:06 PM  

pwede paliwanag niyo ang filipino ay wikang panlahat,ilaw at lakas sa tuwid na landas?.... please, please,please,please.please...
Thankz in advanced! :)

rosemarie seprado August 4, 2011 12:54 PM  

gusto ko ang mga tula...nakatulong sa kin ito sa aking pagsali sa pagsulat ng sanaysay....salamat

rosemarie seprado August 4, 2011 12:56 PM  

naintindiahan ko talaga ang lahat......sana po'y makasulat ako at mai publish ko rin dito.....

kenn arren almeniana,  August 6, 2011 6:25 PM  

ang ganda ng mga tula kakatach kaya

iron firefly August 10, 2011 2:45 PM  

please naman post naman ang hirap gumawa nang tula na may 3 stanza ang hirap nang thema: Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landa....panu un..!

jeneva.,  August 12, 2011 11:12 AM  

mayroon po ba kayong sanaysay tungkol sa tema ngayong buwan ng wika?

Anonymous,  August 12, 2011 6:23 PM  

wow ang ganda ng pagkagawa na tula yehey

Anonymous,  August 14, 2011 8:43 PM  

wla po bang pankg talumpati ????sna po mag post din po kau bg talumpatu..thankz....

Anonymous,  August 14, 2011 9:02 PM  

ang gulo po ng tula niyo...next galingan no nga ang paggawa ng tula para naman magka interest ako.

Anonymous,  August 14, 2011 9:26 PM  

okaaaaaaaaaaay. hindi naman nasagot ung tanong nung ibang nagpost. Ano nga po ba ibig sabihin ng "ang filipino ay wikang panglahat blah blah blah.."?????

Anonymous,  August 15, 2011 8:18 PM  

ang ganda po ng tula napaka makata ...kagalang galang at ako ay interesado sana namn po bigyan din ng galang at apreciation ng ibang estudyante para narin sa ating wika kaya sana namn po wag tayong mag post ng walang kabuluhang post at komento lalu na kung ito ay negatibo salamat

nam,  August 16, 2011 7:01 PM  

ang ganda nagugustuhan ko ang tula. . .
nakakapagpataas ng confidence level bilang isang Pilipino.!

Anonymous,  August 16, 2011 7:05 PM  

ndi q tlga ma-getz ung meaning ng tema..
no lya masusulat q sa kompetisyon ng sanaysay...

Rochelle Mae T. Malvizo,  August 16, 2011 7:05 PM  

wow! sobrang ganda...mas ginaganahan pa ako ngayon na gumaea ng mga tula

nick sta.ana,  August 16, 2011 7:06 PM  

gusto maggawa ng tula ,dahil ito ang nakakapagsaya sa akin.salamat

Anonymous,  August 17, 2011 3:27 PM  

ang wikang pang lahat ilaw at lakas sa tuwid na landas........ ang wikang pang lahat ito wikang tagalog na gina gamit natin kapag pupunta tayo sa ibang lugar sa pilipinas .. sabi ni manuel quezon na mag karoon ng isang lengwahe upang magkaisa at naipakita sa boong mundo na kong may iisang wika, may pag kaka isa!
minsan ay nakakalimutan na natin ang ating wika,, kaya may kasabihan ang hindi mag mahal sa sailing wikaay higit sa hayop at mabahong isda!


john mark villaver.

Anonymous,  August 17, 2011 7:41 PM  

:)))))))

Anonymous,  August 17, 2011 11:24 PM  

Ang ganda po ng mga tula ninyo, bagamat may ibang mga salita ang hindi ko lubos maintindihan ay tumatagos pa rin sa aking puso't isipan ang mga mensahe ng tulang inyong inilalathala.

Anonymous,  August 18, 2011 6:46 PM  

ang ganda nga po eh...ang bilis ka nakita ang assignment ko..tnx
>_<

Anonymous,  August 19, 2011 10:32 AM  

paano po ng tula oh plsssssssssssssss.

Shinigami_21,  August 20, 2011 12:52 PM  

ndi ku msydng gtz!!!!!

MA . LIEZEL VILLANUEVA,  August 20, 2011 4:40 PM  

HELLO POH ANG TULA BANG ITO AY RELATED Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas ? AT ANO PO BA EXACT TITLE?

Anonymous,  August 20, 2011 8:24 PM  

'salamat po sa ideya.. :) hehe.. sana manalo sa paggawa ng sanaysay.. :)hehe.. God bless..

Anonymous,  August 21, 2011 2:45 PM  

....thanks.... mron na kaming piyesa para sa sabayang pagbigkas...

Anonymous,  August 21, 2011 4:37 PM  

sure oi!

Anonymous,  August 21, 2011 5:28 PM  

try nyo tumingin o humanap ng kahulugan ng theme na yan gawa ko kasi sariling pag intindi

Anonymous,  August 23, 2011 12:17 PM  

pwede pong mag pagawa ng sabayang pagbigkas

Anonymous,  August 23, 2011 6:08 PM  

MAGALING AT MAKATANG MAKATA

Anonymous,  August 23, 2011 11:06 PM  

ang ganda ng tulang pang pilipino talaga

Anonymous,  August 24, 2011 9:11 PM  

ang ganda po nung tula tapos ang haba pa ;] kaso lang po, hindi po masyadong nairelate ung "ilaw at lakas sa tuwid na landas".

Anonymous,  August 25, 2011 2:57 PM  

hihiramin q po un gawa mo..isasali q lang po sa paggawa ng tula.

Anonymous,  August 25, 2011 4:37 PM  

.ganda.infairness...............

Anonymous,  August 29, 2011 11:44 AM  

like it

Anonymous,  September 8, 2011 4:02 PM  

pwede na

Anonymous,  October 1, 2011 11:29 PM  

maari po bang magpasa ng mga sanaysay dto?

jahn jahn donato December 11, 2011 10:48 AM  

jhoybee Corda"

ayoko sanang lisanin mo pa
ang aking buhay sinta pagkat
kung ako ma'y iyong lilisanin
kalungkutan ang madarama .

ako'y isang makata na may talentong
pambihira nginit
ng ikaw ay mawala
mga pangarap ko ay dagliang nasira.

ako ang syang may akda ng kantang awit ng kalungkutan ikaw ang tanging
nais ng puso kong sa iyo'y nagmamahal ng
lubusan.

sana'y maalala mo ang isang hamak na gaya ko
maging matagumpay man ako sa buhay hinding
hindi magbabago ang pag ibig ko sayo.

mahal kitah ...

jahn jahn donato December 11, 2011 11:05 AM  

"uhaw na puso"


ikaw sana sinta nais
kong pag alayan ng aking
buong buhay hanggang sa
kamatayan.

nais kong sabihin sa iyo
na mahal na mahal kitah
sana'y malaman mo sinta
sa puso kong ito ika'y nag iisa.

sa bawat araw na nagdaraan naaalala ka
mahal ikaw ang tibok
ng aking puso na
dinarasal ko sa maykapal.

wala akong ibang hinangad
kundi ang mahalin ka ng
tapat pagkat sa akng buhay
sinta ikaw ang syang lahar lahat.

jahn jahn donato December 11, 2011 11:06 AM  

"uhaw na puso"


ikaw sana sinta nais
kong pag alayan ng aking
buong buhay hanggang sa
kamatayan.

nais kong sabihin sa iyo
na mahal na mahal kitah
sana'y malaman mo sinta
sa puso kong ito ika'y nag iisa.

sa bawat araw na nagdaraan naaalala ka
mahal ikaw ang tibok
ng aking puso na
dinarasal ko sa maykapal.

wala akong ibang hinangad
kundi ang mahalin ka ng
tapat pagkat sa akng buhay
sinta ikaw ang syang lahar lahat.

Post a Comment

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula!

Mga Munting Kaisipan

Kahit walang palya sa Ama Namin,
Hindi madadaan sa mga panalangin,
Kung hindi naman gumagawa ng magaling,
Mauuwi sa wala't wala pa rin!
---avonadarna

Diyos ang Sandigan

Huwag guhitan ng tandang pananong,
Kapag kinuwitan nitong Panginoon,
Mabuting tuldukan, gawan ng solusyon
At tandang padamdam kapag bumabangon!
---avonadarna

Maraming Salamat!

maraming salamat sa mga nag-iiwan
ng kumento, pagbati at mga kagustuhan,
lubos ang aking sigla't kasiyahan,
kayo ang TULA ko’t aking kagalakan!
---avonadarna

  © Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP