Ang Wikang Filipino ay punyal na ubod ng talim. |
WIKANG FILIPINO
ni Marvin Ric Mendoza
Ito ay punyal na ubod ng talim
Punyal na kumikinang sa gabing madilim
Ang puluhan nito ay utak na magaling
At ang talas nito’y kakaiba kung limiin.
Sa nakaraa’t sa ngayo’y patuloy na hinahasa
Na ang gamit ay kaydaming mga dila
Ang punyal na kaytagal nang ginawang pananda
Ay may bakas na rin ng kalawang at dagta.
Ang punyal na ito ay ang wikang Filipino
Na patuloy na umuunlad sa pag-ikot ng mundo
Ang kapara nito’y matigas na bato
Na ‘pag di ipukol ay di malaman kung ano.
Mula sa isang bibig ay kumalat nang kumalat
Mangyari’y dala-dala ng bapor na laging naglalayag
Ang wikang Filipino’y katulad ng kamandag ng ahas
Na sa isang sarili ay nagpapalakas.
Ang wika sa malayo ay kakaiba sa narito
Iba ang sa kanya, iba rin ang sa iyo
At dahil tayo ay kapwa Pilipino
Yakapin natin ang wikang Filipino.
Ang wikang Filipino ay ilaw ng Pilipinas
Liwanag sa pagtahak sa tuwid na landas
Gamitin natin at gawing lakas
At gawin ding pananggol sa darating na bukas.
Madaling magkaisa kung may pagkakaunawaan
Madaling makakita kung may liwanag na natatanaw
Medaling mananggol kung may lakas na taglay.
Sa lahat ng ito’y wikang Filipino ang daan.
Sa bukas na darating ay ating mamamalas
Ang dating ilaw ngunit bago nang landas
Maaaring paabante, maaaring paatras
Maaaring pababa, maaaring pataas.
Ang wikang Filipino’y magsisilbing gabay
Sa kayraming taong sa Pilipinas namamahay..
Sa tuwid na landas ay walang mawawalay
Kung tayo’y hawak-kamay sa pag-abot sa tagumpay…
(ang tulang ito ay sarili kong katha na aking iniaalay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika)
nagandahan ko talaga ang tula ...........
ReplyDeletepwede ba gawa ka ng maikli lang assignment ko ksi eh
Deletepaano ba gumawa ng napakahaba na
Deletetula
maganda
ReplyDeletemaganda
ReplyDeletepangit, kasi sobrang ganda kaso boring
ReplyDeletebabae ka ba?
Deletebabae ka ba?
Deletenice.
ReplyDeleteGaling!! Ganda..
ReplyDeletekaasar ganyan din ang gagawin kong tula ang hirap pla gumawa ng tulad nyan noh ?
ReplyDeletedme pang assignment no time for relaxation :(
haba naman memorya ko pero maganda
ReplyDeleteang cute naman mahirap kea gumawa ng ganyang tula
ReplyDeletemahusay ang pagkakasulat mo ng iyong tula...
ReplyDeleteimba
ReplyDeletekung cno man ang sumulat ng tula na ito..
ReplyDeletesuperrr.galing..
..very exquicite
ReplyDeleteang galing naman!
ReplyDeleteMagaling!!!!
ReplyDeletepilipinong pilipino LUPET!
ReplyDeleteHAVE A NICE IMPACT BUT IT IS SO VERY LONG
ReplyDeleteNAKAKAMANGHA SOBRA...........
ReplyDeleteAKO'Y NASISIYAHAN TALAGA SA TULA!!!!!!!!! BY: ERVIN t. GENERAL
ReplyDeleteang ganda ng paggkagawa
ReplyDeletelol
Deleteang galing ng may- akda sa tulang wikang filipino by: General
ReplyDeletee,ikaw ano ang tula mo iyan nga ang ginawa ko sa buwan ngg wika kasi magaling ako sa tula at ako pa ang nanalo kasi ako yung pinakamataas na stsnza first place at tiyaka ako first honor ako palagi grade 1 to grade 2 noon nga ay 13 stanza ako o kaya mo yun 1 day lang memorize ko na ang lupet ko no! hi,ako si sharmaine d. bantilan.
Deletemaganda rin tulang tungkol sa wika
ReplyDeletemahusay ang pagkakatha ng iyong tula...
ReplyDeleteako po ay talaga namang nagagandahan sa inyong tula.. maari ko po ba itong mahiram at mailagay sa aming proyekto para po sa video tribute namin para sa buwan ng wika.
ReplyDeletewag po kayong mag-alala I give credits to the rightful owners of the text or the poem..
maari po ba?
abay maaari po,,,,,,
Deletemaaari po,,,,,,
Deletesobrang ganda...... ang galing mo!!! ikaw na! :-)
ReplyDeletegreat job...kung sakali, maari ko ba itong hiramin para sa isang pagtatanghal?
ReplyDeleteopo
ReplyDeletemaaari po,,,,ako nga pala ang may akda......salamat sa papuri
ReplyDelete