Filipino Poem Tungkol sa Pamilya

Submitted Tagalog Poem About Family - from Julyhet

masayang pamilya
Masayang Pamilya

PAMILYA
ni: Julyhet Roque

Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,
Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina
Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina.

Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,
Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod
Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos.

Edukasyon ng anak ay itinaguyod
Kahit na mangapal ang palad sa pagod
Basta sa pamilya ay may maitustos.

Di nag aaway sa harap ng supling,
Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin
At pagmamahalan ang laging inaangkin.

(Ang tula na ito ay may 3 lines sa bawat stanza. Salamat kay Julyhet. Mabuhay ka!)

Pamilya - Submitted Filipino Poem Tungkol sa Pamilya - ni Julyhet Roque

Iba pang tula ni Julyhet Roque:

Digma ng Buhay - Maikling Tula tungkol sa Buhay
Magpatuloy →

Tagalog Poem Tungkol sa Sarili

Example of Tagalog Poem

Lasing

Sugat Ng Lasing
ni: Anthony Francisco

Nilaro-laro pa ng dilang may paltos,
Ang tinunggang brandy na may tatak na Vos,
At sa ngiwing mukha’y (ngiwing-ngiwing lubos)
Nagpapatinterong luhang umaagos!

Sa kaniyang diwa’y tila pumapalo
Ang labindalawang sungay ng demonyo
Kahit umaga pa, mata’y langung-lango
Taranta sa utak ang ikot ng mundo!

Wala sa sarili nang maisip niya
Mga hinanakit sa palad na balintuna
Bakit ganito ang tanong sa Bathala
Sa akin mo lahat binigay ang dusa!

Wala na nga akong magulang…kapatid!
Wala pa rin akong asawang mabait
Wala na nga akong anak na saklit
Wala pa rin akong sarilinang bait!

Hanggang kailan mga alab ng hirap
Mga dusa’t pasakit laging nasa palad
Ayaw lubayan ng unday ng tabak
Lalong nanariwa itong mga sugat!

Ang tulang ito ay isang example ng Tagalog poem tungkol sa sarili.

Image credit: Quit Alcohol Now
Magpatuloy →

Example of 2 Short Tagalog Poems

Submitted Filipino Poem – Ngiti at Luha

ngiti at luha
Ngiti at Luha 

NGITI
ni: Julyhet Roque

Ang ngiti sa iyong labi ay huwag mong iwawaglit,
Pagkat ito sa iba’y kapayapaan ang hatid.
Huwag hahayaang sa iba’y ipagkait
Kahit saang dako ikaw makarating.

Ang biloy sa iyong pisngi,kapag ika’y nakangiti
Para kang inosenteng munting sanggol
Na sa duyan naka imbi
Hayaan mo lamang habang lumalaki
At sa buhay mo ay maging bahagi.

LUHA
ni: Julyhet Roque

Luha ay pumapatak,kapag ika’y nasasaktan
Maaari din naming n ito’y sa sobrang galak,
At kapag nakita ng kapwa na hirang
Kasunod na nito Ang paglingang ganap.

Agad magtatanong kung ano ang nangyari?
May problema ka ba? O May umaapi?
Maaari din naman na may sumasakit
O hindi matiis ang bigat ng dibdib .

Pero mas masarap na ika’y lumuha
Nang dahil sa tuwa at sobrang galak
Dahil sa biyaya na iyong natanggap
Kaya’ t sa pasalama’t ang luha’y pumatak.

Ngunit mas masarap na ika’y lumuha
At ito’y pahirin ng mahal mong sinta
Na nasa iyong tabi, Kasabay ang sabing,
HINDI KA NA LULUHA PANG MULI.

Submitted Filipino Poem – Ngiti at Luha - ni Julyhet Roque
Magpatuloy →

Filipino Poetry Submission Gintong Barya

Halimbawa ng Tula
Gintong Barya - Tula ni Gheneeil
Gintong Barya
ni: Gheeneil 

'di alintana ang munting kumikinang
Pinaghirapang makamit pinupuri pa ba ang kakayahan?
Pilit iwinaglit ang bahid ng pait
Isip at gawa'y magkasalit-salit.

Kung magtatapon tila walang hunusdili
Mapag-imbot na imahe pilit maipanatili
Mga mata'y animo'y tiwalag sa lungkot
Pagkatao pala'y namamaluktot.

Nahihibang na sa kinagisnang buhay
Pati paa ibinaon sa hukay
Sari-saring bisyo nagnigo't naglintog
Kahit wala ng makapa'y di pa rin natatalpog.

Mabuti pa ang isang kahig at tuka
Sa balaho ng hirap marunong kumawala
Prinsipyo't dangal di tinatablan ng anumang salot
Bunga ng dalitang saplot.

Ginto na'y naging pilak pa!
Dugong nahunos nawalan ng halaga
Humuhulagpos sa daluyong di mapigilan
Barya nga lang, mahirap din palang makamtan.

Filipino Poetry Submission - Gintong Barya - likha ni Gheeneil

Matatagpuan ang kanyang personal blog sa Weebly - GHEENEIL
Kung nagnanais na makilala ang makata, dito mo siya matatagpuan >Gheeneil - The Poet
Magpatuloy →

Filipino Poems About Love

Submitted Filipino Love Poem from Mindanao

Ang pag-ibig ay mas masalimuot sa tula...

Ang Pag-ibig
ni: Marvin Ric Mendoza

Ang pag-ibig ay brilyanteng sa kislap ng araw kumikinang
na ang uri ay sa kintab na iyong matatanaw.
Brilyanteng mula sa lupa nang iyong masulyapan
ay tila nagsasabing ika'y mapalad na nilalang.

Ang pag-ibig ay para ring salapi na hinahanap-hanap,
kapag natagpuan na'y pustura na't nakagayak;
Bagaman kung ang nakatagpo'y hindi maingat
ay maaring mawala at di na muling mahahanap.

Ang pag-ibig ay kulay man din sa bahaghari
na ang kahulugan ay hindi mawari.
Pitong kulay na iba-iba bagaman isa ang tinatangi
ang natirang anim kung mapahiya'y ngingiti.

Ang pag-ibig ay bulaklak sa parang at bukid
na pinipitas ng sinumang makaibig.
Ito'y mga talulot na pumapahid
sa hinagpis puso at damdaming nasasaid.

Ang pag-ibig ay bato na sa daa'y nakakalat
na minsa'y pinupulot ng dalagang lumiliyag.
Ang batong ito 'pag ipinukol mo't sukat
kung hindi makabukol ay makasusugat.

Ang pag-ibig ay para rin namang tubig
na umaagos pagkat kanyang ibig.
Ang tubig na ito na minsa'y nagkukulay putik
ay naiinom din ng uhaw na tagabukid.

Ang pag-ibig ay parang buto ng Papaya
na kulay itim at sa paningi'y di maganda
ngunit pag itinanim at tumubo na
ang butong pangit ay magiging hinog na bunga.

Ang pag-ibig ay para ring Facebook ‘ika ko
na may mga marunong at may naloloko.
Ang pag-ibig na kung hindi nalog-out at pinabayaan mo
kung mahahack ay tangis lang ang sa iyo.


Tunay nga namang ang pag-ibig ay makapangyarihan
pagkat kayang supilin kahit ang kaaway.
subalit pag-iingat lamang ang ating kailangan
nang ang pagibig nati'y hindi maging mitsa ng kamatayan!

Submitted Filipino Love Poem from Mindanao – Ang Pag-ibig ni Marvin Ric Mendoza
Magpatuloy →

Example ng Malayang Taludturan

Tula tungkol sa Halalan / Eleksyon / Botohan

eleksyon tula
Ibebenta mo ba ang iyong karapatan at dignidad?


Dahil Hindi Ako Tanga
ni: Avon Adarna

Dahil hindi ako tanga,

Iboboto ko
Ang mga pulitiko
Na puro pangako
At laging napapako.

Dahil hindi ako tanga,

Ikakampanya ko sa botohan
Ang mga kurakot ng bayan
Na walang silbi sa mamamayan
Pabigat lang sa pinapasan.

Dahil hindi ako tanga,

Maniniwala ako sa sinasabi,
Ng mga kandidatong
Tila wala sa sarili
Ang pagmumuni-muni.

Dahil hindi ako tanga,

Yayakapin ko at kakamayan,
Ang mga kandidatong magsusulputan
Sa aming bakuran
Para sa kampanya ng halalan.

Dahil hindi ako tanga,

Ipaglalaban ko’t paninindigan,
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ang mga plataporma
Na alam kong ningas kugon lamang.

At dahil hindi ako tanga,

Tatanggapin ko ang barya
Na pinagbentahan
Ng aking prinsipyo’t karangalan…

Dahil hindi ako tanga

-mga tagalog na tula

Kahulugan ng mga Salita:

Ang salitang “tanga” ay hindi isang pagmumura. Ang kahulugan ng salitang “tanga” ay gunggong, walang muwang, mangmang, maang o inosente, ayon sa Bagong Diksyunaryo ng Filipino-Filipino (Filipino to Filipino Dictionary) ni Julio F. Silverio.

Halimbawa sa Pangungusap:

Ako’y maituturing na isang tanga pagdating sa larangan ng paglikha ng mga tula.

Iba pang Tula sa Malayang Taludturan:

Pagtatapos - Tagalog na Tula sa Malayang Taludturan
Magpatuloy →

Submitted Filipino Poem Ang Aking Asawa

Filipino Love Poem Tungkol sa Asawa

tagalog love poem

Ang Aking Asawa
ni: Julyhet Roque

Wala ng hihigit pa sa kanyang pag-ibig
Na sa araw araw ay alay nya sa akin
Lalong tumitibok yaring aking dibdib
Sa pagsintang wagas nIyaring aking iniibig.

Tubong Bambang, Bulacan ang lalaking ito
Na aking nakilala ng mag OJT ako
Siguro sa akin ay nagandahan ng husto.(HAHAHA)
Kaya’t di tinigilan at ako’y niligawan ng husto .
(Pero ngayoy binabaligtad at ako raw sa kanya ang namilit ng husto)

Sampung taong edad ang aming agwat
Noong una ay aking itinatangging tapat
Na makapag-asawa ng higit ang edad
Ngunit kinain ko rin ang aking hinangad.

Likas na mabait at isang matalino
Katahimikan lang ang lagi nyang gusto
Kapag ako ay pumipiyok ng husto
Nagagalit at sinasabing tumigil na ako.

Sa dalawampu’t tatlong taon naming pagsasama
Ang dami na naming pinagdaanan na
Humantong pa nga sa hiwalayan na
Ngunit nanaig pa rin pagmamahal sa pamilya.

Sakripisyong ganap itong kanyang alay
Sa aming mga anak na apat ang bilang.
Lahat ang gusto nya’y mapagtapusan
At edukasyon ay mapagtagumpayan .

Laging paalala ang kanya ay hatid
Sa aming mga supling na iba iba ang hilig.
Na sa panahon ngayon ay naaakay din
Nang teknolohiyang ngayon ay in na in.

Isang ama siya na wala talagang bisyo
Kundi pamilya ay mahalin at pagsilbihan ng husto
Lalo na ngayon na siya’y isa ng lolo
Ang apong si UBEH ang siyang himagas nito.

Salamat, Salamat sa pagmamahal mo
Salamat at kami’y minahal mo ng husto
Kahit hirap pa sa iyong trabaho,
kapakanan pa rin namin ang iniisip mo.
Pero ito lagi tatandaan mo
MAHAL NA MAHAL KA NAMIN NG MGA ANAK MO….
I LOVE YOU AND I WILL ALWAYS WILL…mWUAHH

Submitted Filipino Poem Ang Aking Asawa ni Julyhet Roque
Magpatuloy →

Tuyong Damdamin : Submitted Poem

Tagalog na Tula Tungkol sa Naglahong Pag-ibig

naglahong pag-ibig
Naglalaho ang init... nawawala ang pag-ibig...

Tuyong Damdamin
ni: Liwee Bonete

Kapeng mainit, juice na malamig
Pakwan na mapula, kending matamis
Mga bagay bagay, na tamang kombinasyon
Na sa araw araw, hanap ay ganon.

Paano kung ang kape’y lumamig na sa init
Paano kung ang juice lipas na ang lamig
Paano ang puso kung ayaw ng tumibok
Paano kung ang isip, luto na sa pag subok

Maraming bagay na nakakapagpabago
Sa haba ng panahon, na dumaan at lumago
Ito ang bagay na di mo nanaisin
Ang tigang na puso’t tuyong damdamin.

Mahirap ipilit ang ayaw ng puso
Sa oras-oras at minu-minuto
Parang pagkain ng hindi mo gusto
Kahit pa ubusin, hindi ka makuntento.

Submitted Filipino Poem Tuyong Damdamin Liwee Bonete
Magpatuloy →

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive