Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino

Isang tula sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Wika 2012 – 2013

Theme: Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino

logo komisyon ng wikang filipino
Komisyon ng Wikang Filipino
Palakasin Mo
ni: Avon Adarna

Nangarap nang minsan si Manuel L. Quezon,
Na ang wika niya’y magtibay-panahon,
Tumatag, tumimo sa bukas at ngayon,
Bigkasin ng masa, sa daang kalyehon.

Huwag mong biguin itong namayapa,
Ating patatagin ang tindig ng wika,
Lubusing mainam, bigkasin ng tama,
Ating palakasin ang igkas ng dila.

Sa pagsasalita’y gamitin ng lagi,
Kahit ang kausap – may islang na gawi,
Mahalagang usap at pagmumuni-muni,
Gamiting salita’y ang wika ng lahi!

Sa pagsasabi mo ng iyong damdamin,
Sa liyag na sinta’t ibig na giliwin,
Wikang Filipino ang iyong gamitin,
Mailalahad mo ang nais sabihin.

Sa kapwa tao na masasasalubong,
Sabayan ng ngiti ang “Magandang hapon.”
At tiyak na sigla ang hatid ng layon,
Siglang darating saan man dumoon.

Iyong salitain sa lahat ng dako,
Damdamin sa dibdib paindakin sa puso
Sapagkat iyan nga ‘y tatag at lakas mo
At pagpapatunay na ikaw’y Filipino.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2012 -2013 ay hinati sa limang bahagi:

August 1 – 7, 2012
"Pitumpu't limang taon sa Pagsulong ng Wikang Filipino sa Edukasyong Pilipino"

August 8 – 14, 2012
"Filipino at iba pang mga Wika sa Pilipinas: Lakas ng K to 12 at MTB-MLE"

August 15 – 21, 2012
"Wikang Filipino at iba pang Wika sa Rehiyon: Wika ng Bayan sa Kapayapaan"

August 22 – 28, 2012
"Wikang Filipino: Wikang Panlahat para sa Matatag na Lipunang Pilipino"

August 29 – 31, 2012
"Wika ay Kakambal ng Kapayapaan sa Pagtahak sa Tuwid na Landas"

Ibang Tula:

Tula ng Magulang sa Anak
Mga Gintong Kaisipan sa Florante at Laura
Buwan ng Wika Theme

20 comments:

  1. Replies
    1. pero maganda.

      Delete
    2. kahanga hanga ang tulang ginawa mo adarna,mabuhay ka. Isa kang tunay na MAKATANG PILIPINO.^_^

      Delete
    3. KAHANGA-HANGA ANG IYONG TULA ADARNA.MABUHAY KA,Isa kang tunay na makata...
      :)

      Delete
  2. Sana ngayong pagdiriwabg ng Buwan ng Wika, tayo ay magkaisa sa paggunita sa ating Buwan ng Wika.

    ReplyDelete
  3. tanging ang ating wika ang nagpapakilala sa aitn .. na tayo ay pilipino ..

    ReplyDelete
  4. napakagandang tula. waring ipahayag ang kahalagahan ng Wikang pambansa: Ang Wikang Filipino para sa katatagan ng lipunang Pilipino -adpl

    ReplyDelete
  5. sana lng lahat ng mga Pilipino ay maisip ang Kahalagahan ng pagka2buklod ntin bilang isang lahi. pero sa nangya2ri ngayon, nawa2la na ang tatag at tibay ng ating pagi2ng Pilipino.Karamihan sa mga Pinoy na pumupunta sa ibang bansa ang naba2go na at pag uwi sa Pinas ay animo mga banyaga sa sariling bansa.

    ReplyDelete
  6. dapat nating ipagmalaki na tayo ay isang pilipino may sariling wika na dapat gamitin saan mang dako tayo makarating.

    ReplyDelete
  7. "Wika ay Kakambal ng Kapayapaan sa Paghatak sa Tuwid na Landas"

    ReplyDelete
  8. dpat nting pagyamanin, gamitin at mahalin ang ating wikang pambansa dhil ito ang sumasagisag sa ating bansang sinilangan ..

    ReplyDelete
  9. dpat nting pagyamanin, mhalin at gmitin ang ating wikang pambansa dhil ito ang magpapatunay na tau ay tunay na Pilipino ..

    ReplyDelete
  10. puede po pagwa ng slogan need ko po ngaun....
    plssssssssssssss

    ReplyDelete
  11. ang galiong ahhhh prang akuh lang nmn eihhhhhh heheheheeh joke>>>>>>>>>>>...<<<<<<<<<<<

    ReplyDelete
  12. Ano po bang magandang essay para sa temang "Wika ay Kakambal ng Kapayapaan sa Paghatak sa Tuwid na Landas"

    ReplyDelete
  13. "Ang Wikang Filipino ang siyang Sagisag ng ating KApayapaan"

    ReplyDelete
  14. Hihiramin ko lang po ang inyong tula
    Maraming salamat po!!

    ReplyDelete

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Pages