Tula ng Magulang sa Anak

Halimbawa ng tula ng magulang sa anak.

Isang maikling tula sa Filipino ng isang Ina sa kanyang anak. Paalala na tayong lahat ay may isang ina na nakahandang gumabay sa ating mga lakad.

Ina at Anak

Sa Daang Malubak
Ni: Avon Adarna

Anak ko! Magpigil, magpakahinahon,
Anumang pagsubok, kamay ay ituon,
Lubos na hawakan sa dali’t malaon,
Pagkat nasa palad ang sagot sa tanong.

Pakpak na mahina ay lalakas din,
Buto at kalamnan ay pagtitibayin,
Sa bugso ng unos at kampay ng hangin,
Ang magpapatatag - itong suliranin.

Sa kulay ng itim at mga pasakit,
Ang magiging gabay - dilim na pusikit,
Sa luhang nagtulo sa pisngi ng langit,
Magiging panangga'y hirap na sinapit.

Magpakatatag ka sa hamon ng buhay,
Sa lahat ng sibat ay magpakatibay,
Laging isaisip nariyan si INAY,
Handang dumamay sa munting inakay!

Isang tula sa Tagalog ng isang magulalang sa kanyang anak na may hustong sukat at tugma. Labindalawang pantig sa bawat taludtod at binubuo ng apat na saknong.

Iba pang Tula:

Tula tungkol sa El Filibusterismo
Halimbawa ng Tula Tayutay
Tula na Tagalog para kay Tatay

1 comment:

Sumigaw ka...huwag magpigil! Tula nang tula! Comments from anonymous senders would not be entertained. Thank you.

Followers

Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna

Blog Archive