An example of filipino poem on the subject of poetry and how the author can take good care of his masterpieces. It is not easy to come up with ideas especially if the poem needs to have exact metering and rhymes. But if the author only believes on what he or she is doing, it can never be as easy as 123. Philippine is one of the many countries that has a rich type of literature and communication arts.
AKO ANG INA NG AKING TULA
(I am the Mother of my Poems)
ni: Avon Adarna
Ang tula ay anak sa sinapupunan,
Di dapat angkinin ng gayun-gayon lang,
Kung ina'y agawan - sanggol sa kandungan,
Di ba't ilalaban kahit sa digmaan?
Kung karangalan ang pagtampisawan,
Ng kapwang uminog sa puso't isipan,
Bakit hindi naman bigyang karangalan,
Ang siyang may tunay' likhang kalagayan?
Kung karangalan man, gamitin ng iba
Ang paa't kamay ko pati kaluluwa,
Hindi ba nararapat na bigyang-halaga,
Ang may-ari nitong bahaging dakila?
Itong pagnanakaw sa pawis ng kapwa,
Ay tila pulitikong hindi nagtitika,
Ang ibig ay kabig na tila nga linta,
Tuloy ang sipsip kahit pigang-piga!
Ang pagmamahala'y magandang katwiran,
Ng mga nilalang na may kasalanan,
Hihingi lang ng awa at pag-iibigan
At balik sa gawi't nakaugalian.
Saan hahanapin itong katarungan,
Kung ibinabaon ng ilang nilalang?
Mauuwing bigo sa mundo ng kawalan,
Ang sikap at layon ng patas lumaban.
Ang nagsasabi ngang umibig ng lubos,
Ngunit hindi naman nakikita sa kilos,
Daig pa sa daan ang mga busabos,
Na hingi ng barya't kaunti pang limos.
Ibigay ang puri sa dapat purihan,
At sa nagkasala ay kapatawaran,
Ngunit dapat naman na maliwanagan,
At maipaalam, kanyang kamalian!
Filipino Poem
-----------------
filipino poem, tula na tagalog, Philippine poems, tula na may sukat, sikat na tula
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.
Mga uri ng tayutay
Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.
Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Pag-uulit
Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.
Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
http://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay
pwdi ba mag tanong? Mahirap ba gumawa ng tula?
ReplyDelete