"Sino ang nagsabing hindi maaaring gamitin ang anadiplosis sa tagalog na tula? Malaya ka, oo. Ngunit malaya rin ako…"
Balik sa Simula |
Balik sa Simula
ni: Avon Adarna
1
PAANO gumawa ng ganitong TULA?
TULAng ang hulihan ay siyang SIMULA,
SIMULAng salita ng sunod na TUGMA,
At TUGMA ng titik gaya ng KABILA.
2
KABILA ng diwa ay narito DAPAT,
DAPAT maunawa ng madla at LAHAT,
LAHAT ng bibigkas ng pantig at SUKAT,
MASUKAT ang lalim ng ilog at DAGAT!
3
DAGAT na maimbay ay may KAHULUGAN,
KAHULUGANg gaya nitong PANULAAN,
PANULAANg pinid ay dapat na BUKSAN,
BUKSAN sa ituktok nang MAUNAWAAN.
4
MAUUNAWAAN kung isasaPUSO,
PUSO’ng magsasabi kung alin at ANO,
ANO’ng itititik sa tulang GANITO,
At GANITO na nga – sagot sa PAANO.
---mga tagalog na tula sa pilipinas
Kahulugan ng mga salita:
pinid – sarado, nakakandado, nakasara,
Hindi lamang ginagamit sa mga bagay na maaaring isara ang “pinid” gaya ng pinto o bintana. Sa tagalog na tula, maaari rin itong gamitin sa mga bahagi ng katawan tulad ng “puso” “mata”, “tainga”, “utak”, at “bibig”. Ginagamit din ito sa mga tao o bagay, lugar o pangyayari kung ang ibig ipakahulugan ay sarado sa anumang kabutihan o kasamaan.
Halimbawa:
Pinid pa rin ang kanyang puso sa anumang pag-ibig.
Bakit laging pinid ang pinto ng kagawaran sa aming mahihirap?
Bakit tila yata pinid ang tainga ng Panginoon sa kanyang mga panalangin?
--------------------------------------------
Related Search:
• anadiplosis na tula
• tagalog anadiplosis
• uri ng tayutay tula
Iba pang Tula:
• Tula at Panalangin sa Diyos
• Halimbawa ng Epanalepsis na Tula
Magandang araw po! Ako po si Teresita Anastacio. Nais ko pong humingi ng permiso para maisama ang inyong tulang "Paano Sumulat ng Tula?" sa aking sinusulat na aklat. Paano po ba ako makikipag-coordinate? Maraming salamat po. E-mail: gsprincipal@yahoo.com
ReplyDelete